Elementary at Middle School Life (2) [教育シリーズ⑤]小学校・中学校での生活(パート2) Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2014/01/08 Wednesday Edukasyon, Edukasyon http://mieinfo.com/videos/2016/05%20cotidiano-escolar-%20fi.mp4 Ang pasukan sa japanese school ay nagsisimula kada taon tuwing April at nagtatapos tuwing March ng susunod na taon. Maraming naka-linya na iba’t-ibang events sa buong taon, ipapakilala namin ang ilan sa mga events na ito. Main School Events 《Entrance Ceremony (Nyuugaku Shiki)・Graduation Ceremony (Sotsugyo Shiki)》 Ang mga estudyante na mage-enroll o magga-graduate at ang kanilang mga magulang ay dadalo sa event na ito ng naka-formal attire. 《Opening Ceremony (Shigyo Shiki)・Closing Ceremony (Shugyo Shiki)》 Magkakaroon ng isang opening ceremony tuwing simula ng bawat term at closing ceremony naman sa bandang huli. Magbibigay ng notification table sa closing ceremony. 《Physical Measurement (Karada Sokutei)・Health Examination (Kenko Shinda)》 Susukatin ang development ng height at timbang atbp. ng mga bata at ang doctor ay magda-diagnose ng estado at katayuan ng kalusugan ng mga bata. 《Home visit (Katei Homon)》 Ang guro ng paaralan ay bibisita sa bahay ng bawat estudyante para malaman ang kondisyon ng kanilang home environment. 《Indibiduwal na pagkunsulta (Kobetsu Sodan)》 Ang pagkunsulta sa school ng estudyante sa kanilang guro tungkol sa kanilang pag-aaral o personal na mga bagay. 《Class Attendance (Jugyo Sankan)・Class Discussion Meeting (Gakkyu Kondan Kai)》 Makikita ng mga magulang ang kalagayan sa loob ng classroom. At sa karagdagan, ang mga magulang at teacher na in-charge ay maaring makapag-usap tungkol sa performance ng estudyante sa school at mga kalagayan sa kanilang bahay. 《Athletic Meet (Undokai)・Sports Festival (Taiiku Taikai)》 Ito ay isang event na kung saan mag-eenjoy sa mga physical activities tulad ng relay, short distance relay, dancing, atbp. at makakapag supporta din sa ibang mga classmates at kaibigan. Depende sa eskwelahan, ay maaring makapag-participate din ang mga magulang. 《School Play (Gakugei Kai)・Culture Festival (Bunka Matsuri)》 Magkakaroon ng exhibit sa mga nilikha at study reports na ginawa ng mga estudyante, magkakaroon din ng mga performance presentations, pagtugtog ng mga instrumento, theater, atbp. 《Excursion (Ensoku)・Feild Trip (Shakai Kengaku)》 Sa pag-labas ng school ay mapag-aaralan ang mga bagay na hindi mapag-aaralan sa loob ng classroom, tulad ng kalikasan, kasaysayan at mga pamilyar na kultura. 《School Trip (Shugaku Ryoko)》 Kapag nasa pinaka-mataas na na grade level, ay nagkakaroon ng mga event na kung saan may mga accomodations para sa lahat ng mga estudyante. Bibisitahin ang mga iba’t-ibang lugar, facilities at magkakaroon ng mga hands-on activities. Ang mga detalye tungkol sa pangalang ng school event, mga impormasyon, at kung saan at kailan ay nag-iiba depende sa paaralan. Mangyaring kumunsulta sa teacher ng inyong paaralan para sa mga detalye. *Ang video na ito ay ginawa ng Mie ken Kyoiku Iinkai (Mie Prefecture Board of Education) na ginawa base sa 『「Nihonggo no Gakko wa, Konna Tokoro」Gaikoku Jin-to Hogosha no Tame no Gakko Guidance(Link Chofu) Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Elementary at Middle School Life (1) High School [Education Series] » ↑↑ Next Information ↑↑ Elementary at Middle School Life (1) 2014/01/08 Wednesday Edukasyon, Edukasyon [教育シリーズ④]小学校・中学校での生活(パート1) Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Elementary at Middle School Life (1) Ang isang araw sa paaralan Ang haba ng lesson, ang mga araw ng pag punta sa paaralan, mga araw kung kailan bukas ang paaralan at ang mga araw ng school year ay nag-iiba depende sa kada paaralan. Ang isang school day ay maaaring may apat hanggang anim na lesson (Sa elementary school, ang isang lesson ay mahigit 45 minutes, at sa middle school na lesson naman ay nasa 50 minutes). [ Pananghalian ] Sa elementary school, ang lahat ng estudyante ay binibigyan ng lunch kung saan kinakain nila ito ng sabay sabay. Sa middle school naman ay may dalawang klase ng paaralan na kung saan ang isa ay nagbibigay ng lunch at ang isa naman ay kinakailangang magdala ng sariling lunch galing sa kanilang bahay. *Ang school dinner fees ay babayaran ng mga magulang o guardian ng estudyante (Ang karaniwang bayad ay nasa 3,500 yen hanggang 4,000 yen kada buwan). [ Oras ng paglilinis ] Sa mga Japanese schools, ang lahat ng mga estudyante at mga teachers ay may responsibilidad na linisin ang kanilang classrooms at hallways na ginagamit araw-araw. [ After school club activities ] Sa middle school, ang mga estudyante ay maaaring makapili na sumali sa mga sports at culture clubs na kung saan nagsisimula ito pagkatapos ng klase sa eskwelahan. Mga bagay na kailangan sa school [ Elementary Schools ] Damit at mga kagamitan Ransel backpack, name badge, sports clothes, indoor shoes (at bag na paglalagyan nito), gym shoes, swimming costume, swimming cap, atbp. Gamit sa pag-aaral Textbooks, notebooks, desk pad plastic sheet (shitajiki), pencil case, pencil, eraser, scissors, glue, ruler, coloured pencil, painting set, calligraphy set, pianica, recorder, atbp. Atbp. Lunch bag, toothbrush set, flask, atbp. Mga bagay na kailangan sa school 《Middle School》 Uniform, school bag, outdoor shoes na gagamitin papuntang school, name badge, sports clothes, slippers, gym shoes, swimming costume at swimming cap, textbook, notebook, document collection, dictionary, writing stationary. *Ang listahan na ito ay isang example lamang sapagkat sa kada paaralan ay may iba’t-ibang mga bagay na kakailanganin ang mga estudyante. Mangyaring magtanong sa bagong eskwelahan tungkol sa mga detalye ng mga kagamitan na kakailanganin ng inyong anak *Ang textbooks sa elementary at middle school ay libre. *Mangyaring lagyan ng pangalan ang lahat ng kagamitan ng inyong anak. *Ang impormasyon ng video na ito ay base sa impormasyong galing sa Mie Prefectural Board of Education documents: Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp