School Information Session para sa Mie’s Evening Junior High School (Chugakko)

県立夜間中学の学校説明会を行います

2024/07/22 Monday Anunsyo, Edukasyon

Sa Abril 2024, magbubukas ang night junior high school na “Mie Prefectural Mie Yotsuba-ga-saki Junior High School.” Isang sesyon ng impormasyon para sa paaralan ay gaganapin. Kahit sino ay maaaring lumahok. Walang bayad sa paglahok. Ang mga nais lumahok ay dapat mag-apply nang maaga.

* Ang mga night junior high school ay mga lugar kung saan ang mga taong hindi pa nakapag-aral ng elementarya o junior high school sa iba’t ibang dahilan, o nagtapos nang hindi sapat ang pag-aaral at nais na mag-aral muli.

* Ang mga taong may dayuhang nasyonalidad ay maaari makapag enroll

* Ang address ng Mie Kenritsu Yotsubagasaki Chugakko is Mie-ken Tsu-shi Yanagiyama Tsuoki 1239.

Petsa at oras ng information session:

Biyernes, Agosto 23, 2024

19:00-20:00 (Magsisimula ang pagpaparehistro sa 18:30)

 Paano makilahok:

① Pumunta sa Mie Prefectural Office Auditorium (13 Hiroaki-cho, Tsu City, Mie Prefecture)

② Makilahok online (Zoom)

Paraan ng pag-apply 1: Tumawag o mag-email (mangyaring sabihin ang sumusunod)

  • Pangalan
  • Bilang ng mga kalahok
  • Paraan ng pakikilahok (sa personal o online)
  • Numero ng telepono
  • Kung gusto mo magkaroon ng one-on-one na konsultasyon

Paraan ng pag-apply 2: Registration Form

Mag register via website https://logoform.jp/form/8vMX/658872

i-click dito upang tingnan ang flyer ng session ng impormasyon ng paaralan.

Registration at konsultasyon (sa wikang Japanese lamang)

Mieken Kyouiku IInkai Jimukyoku Shochugakko Kyoiukuka Yakan Chuugaku Secchi Junbi-han (三重県教育委員会事務局 小中学校教育課 夜間中学設置準備班)

Phone: 059-224-2766

E-mail: gakokyo@pref.mie.lg.jp

Espesyal na pagsasanay sa arc welding para sa mga dayuhan

2024/07/22 Monday Anunsyo, Edukasyon

外国籍の方対象 アーク溶接特別教育の受講者を募集します。

Ang kursong ito ay sumasaklaw sa pangunahing teorya ng arc welding, kaalaman sa kuryente, arc welding equipment, arc welding work method at welding-related laws and regulations, gayundin ang praktikal na kasanayan sa paghawak ng arc welding equipment at sa arc welding work.

Ang mga nakilahok sa lahat ng oras ng training ay makakatanggap ng “Certificate of Completion of Special Training for Arc Welding Operations.”

Mga araw

Session 1: Setyembre 18-20, 2024 (3 araw)

8:40-17:00

*Ang panahon ng pagpaparehistro ay mula Agosto 1 hanggang Setyembre 1, 2024.

Session 2: Marso 17-19, 2025 (3 araw)

8:40-17:00

*Ang panahon ng pagpaparehistro ay mula Pebrero 1 hanggang Marso 1, 2025.

Mga taong kwalipikado para sa kurso

  1. Mga taong nangangailangan ng pagsasanay sa kaligtasan para sa paghawak ng arc welding equipment
  2. Mga dayuhang may residence status na walang restrictions sa pagta-trabaho

Gayunpaman, dapat marunong ang mga kalahok magsalita ng daily conversational Japanese at makabasa at makasulat Hiragana.

Kapasidad

 5 tao bawat session (first come, first served)

Bayad

8,000 yen (kabilang ang mga libro, atbp.)

Nilalaman ng pagsasanay

Espesyal na pagsasanay batay sa Occupational Health and Safety Act.

Matututo ang mga mag-aaral tungkol sa paghawak ng arc welding equipment.

Kapag nakumpleto ang kurso, mabibigyan ng “Certificate of Special Training in Arc Welding”.

Paano mag apply

  1. Makipag-ugnayan sa Mie Prefectural Human Resource Development Center (Mieken Jinzai Kaihatsu Center – 三重県人材開発センター) sa panahon ng aplikasyon.

(Numero ng telepono: 059-234-6883, weekdays lang, Japanese lang, oras ng pagbubukas: 9:00 – 16:30)

  1. Pagkatapos tumawag, pumunta sa Mie Human Resource Development Center para kumpletuhin ang mga procedures ng pagpaparehistro.

(Address: 〒514-0817 Mie-ken Tsu-shi Takachaya Komorimachi 1176-2)

Contact (sa wikang Japanese lamang)

Mie Prefectural Human Resource Development Center (at Tsu College of Technology, Mie Prefectural Government)

Address: 〒514-0817 Mie-ken Tsu-shi Takachaya Komorimachi 1176-2

Telefone: 059-234-6883

E-mail: jcenter@kr.tcp-ip.or.jp

i-click dito upang makita ang pamphlet (Portuguese)

i-click dito upang makita ang pamphlet (Spanish)

i-click dito upang makita ang pamphlet (English)

i-click dito upang makita ang pamphlet (Japanese)