Ang Nagoya Regional Immigration Bureau ay magiging busy at matao sa kalagitnaan ng Agosto 8月中旬は名古屋出入国在留管理局が混雑します Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2024/07/30 Tuesday Seminar at mga events Maraming kumpanya ang nagbabakasyon sa panahon ng Obon holiday (kalagitnaan ng Agosto), kaya maraming tao ang nag-a-apply para ng residence status bawat taon. Dahil dito, magiging siksikan ang mga counter ng Nagoya Regional Immigration Bureau. Ito ay inaasahang magiging partikular na busy mula Agosto 9, 2024 hanggang Agosto 19, 2024. Dahil ang oras ng paghihintay ay magiging napakatagal, inirerekumenda na iwasan ang mga panahon na busy basta’t ang iyong residence status at visa expiration date ay hindi magiging isyu sa iyong aplikasyon. I-click dito para sa Agosto 2024 congestion forecast calendar (ginawa ng Nagoya Regional Immigration Bureau). Mayroong branch ng tanggapan ng Nagoya Immigration Bureau sa Port of Yokkaichi sa Mie Prefecture. Address: Mie-ken Yokkaichi-shi Chitose-cho 5-1 Yokkaichi Port Joint Government Building Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « School Information Session para sa Mie’s Evening Junior High School (Chugakko) Libreng Bakuna at Antibody Test para sa Rubella o Tigdas » ↑↑ Next Information ↑↑ School Information Session para sa Mie’s Evening Junior High School (Chugakko) 2024/07/30 Tuesday Seminar at mga events 県立夜間中学の学校説明会を行います Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Sa Abril 2024, magbubukas ang night junior high school na “Mie Prefectural Mie Yotsuba-ga-saki Junior High School.” Isang sesyon ng impormasyon para sa paaralan ay gaganapin. Kahit sino ay maaaring lumahok. Walang bayad sa paglahok. Ang mga nais lumahok ay dapat mag-apply nang maaga. * Ang mga night junior high school ay mga lugar kung saan ang mga taong hindi pa nakapag-aral ng elementarya o junior high school sa iba’t ibang dahilan, o nagtapos nang hindi sapat ang pag-aaral at nais na mag-aral muli. * Ang mga taong may dayuhang nasyonalidad ay maaari makapag enroll * Ang address ng Mie Kenritsu Yotsubagasaki Chugakko is Mie-ken Tsu-shi Yanagiyama Tsuoki 1239. Petsa at oras ng information session: Biyernes, Agosto 23, 2024 19:00-20:00 (Magsisimula ang pagpaparehistro sa 18:30) Paano makilahok: ① Pumunta sa Mie Prefectural Office Auditorium (13 Hiroaki-cho, Tsu City, Mie Prefecture) ② Makilahok online (Zoom) Paraan ng pag-apply 1: Tumawag o mag-email (mangyaring sabihin ang sumusunod) Pangalan Bilang ng mga kalahok Paraan ng pakikilahok (sa personal o online) Numero ng telepono Kung gusto mo magkaroon ng one-on-one na konsultasyon Paraan ng pag-apply 2: Registration Form Mag register via website https://logoform.jp/form/8vMX/658872 i-click dito upang tingnan ang flyer ng session ng impormasyon ng paaralan. Registration at konsultasyon (sa wikang Japanese lamang) Mieken Kyouiku IInkai Jimukyoku Shochugakko Kyoiukuka Yakan Chuugaku Secchi Junbi-han (三重県教育委員会事務局 小中学校教育課 夜間中学設置準備班) Phone: 059-224-2766 E-mail: gakokyo@pref.mie.lg.jp Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp