Manamie: Pang-gabing klase sa Mie 2022 (Reiwa 4) – Ang schedule para sa first semester ay nakumpirma na

令和4年度みえ夜間学級体験教室「まなみえ」を開催します(1学期の授業の日程が決まりました)

2022/04/28 Thursday Anunsyo, Edukasyon

Kung hindi mo nagawang tapusin ang iyong pag-aaral sa junior high school dahil sa iba’t ibang mga kadahilanan at nais na “makapag-aral”, mangyaring mag-apply.

  1. Period
  • First semester: Abril 25 (Lunes) hanggang Hulyo 7, 2022 (Huwebes)

Tuwing Lunes, Martes at Huwebes (kabuuan ng 30 classes), maliban tuwing holiday

  • Second semester: simula ng Setyembre hanggang kalagitnaan ng Oktubre 2022

Tuwing Lunes, Martes at Huwebes (kabuuan ng 20 classes), maliban tuwing holiday

  1. Oras: 6pm hanggang 8:25pm

Basic learning: 6pm hanggang 6:10pm

First class: 6:10pm hanggang 6:50pm

Second class: 6:55pm hanggang 7:35 pm

Third class: 7:40pm hanggang 8:20pm

Closing: 8:20pm hanggang 8:25pm

  1. Lugar
  • Classes sa Tsu

Mie Education Center (Mie-ken Sogo Kyouiku Center (Mie-ken Sogo Kyouiku Center – 三重県総合教育センター): Tsu-shi Otani-cho 12

  • Classes sa Yokkaichi

Hokusei High School (Miekenritsu Hokusei Koto Gakko – 三重県立北星高等学校): Yokkaichi-shi Oazamochibuku 668-1

  1. Nilalaman

Japanese, English at Math classes: 2 lessons kada week

Classes sa humanities (shakai), science at practical subjects (jitsugi kyouka): 1 class kada week

Ang mga nilalaman ng practical classes ay technology sa Tsu at arts sa Yokkaichi

Kung kinakailangan, magkakaroon ng rebisyon ng primary – shogakko

  1. Paano mag register
    1. Target persons

Mga residente ng Mie na ipinanganak bago ang Abril 1, 2007

*Maliban sa mga taong nakatapos ng high school graduation (koukou))

    1. Impormasyon sa Pagpaparehistro (Pakibigay ang mga sumusunod na item)

Pangalan, kapanganakan, address, contact phone number, ninanais na lokasyon (sa Tsu o sa Yokkaichi)

    1. Paraan ng Enrollment

1 – Online registration: click here

2 – Tel: 059-224-2963 (sa wikang Japanese lamang)

3 – E-mail (gakokyo@pref.mie.lg.jp)

4 – Fax: 059-224-3023

5 – Dumiretso sa Education Sector ng Elementary I and II sa seventh floor ng Mie Government Office (Kencho).

  1. Iba pang mga detalye
  • Libre ang mga klase
  • Ang mga detalye ng Second semester ay ilalabas sa kalaunan
  • Ang mga workbook ay ipapamahagi nang walang bayad
  • Tinitingnan ng organisasyon ang pagdaraos ng mga online na klase para sa mga taong nahihirapang makapasok sa mga klase.
  • I-click dito para makita ang Manamie’s flyer
  • Kung nahihirapan kang mag-apply o gustong matuto ng Japanese, makipag-ugnayan sa MieCo
  • MieCo, Mie Consultation Center para sa mga Dayuhang Residente (Mie Consultation Center for Foreign Residents)
    Telefone: 080-3300-8077
    https://www.miefweb.org/mieco/

Contact (sa wikang Japanese lamang)

Mie-ken Kyoiku Iinkai Jimukyoku Shochugakko Kyoiku-ka Shochugakko Kyoiku-han

(三重県教育委員会事務局 小中学校教育課 小中学校教育班)

TEL: 059-224-2963

Mag-ingat sa mga aksidente sa tubig kapag papunta sa ilog

2022/04/28 Thursday Anunsyo, Edukasyon

川で遊ぶ時は、水難事故に気を付けよう!

Ang mga ilog ay karaniwang isang tahimik na lugar na nagdudulot ng maraming kasiyahan sa mga bisita.  Gayunpaman, maaari silang maging isang nakakatakot na lugar kung minsan.  Ang isang bahagyang kawalang-ingat o kawalan ng pansin ay maaaring humantong sa isang malubhang aksidente.  Tandaan na bukod sa kasiyahan ay dapat mo ring malaman ang mga panganib upang maprotektahan mo ang iyong sarili mula sa mga aksidente.

Mga panuntunan kapag pupunta sa ilog

  • Kung umulan nang malakas noong nakaraang araw, tumataas ang level ng tubig sa ilog, na nagpapataas ng panganib ng mga aksidente. Huwag lumapit sa ilog.
  • Isuot nang tama ang life jacket kapag nangingisda.
  • Ang mga bata, lalo na kapag naglalaro sa tubig, ay hindi nag-iingat at napupunta sa malalalim o mapanganib na bahagi ng ilog. Dapat may kasamang magulang o tagapag-alaga ang mga bata, at dapat maging maingat ang mga matatanda at bata.
  • Magkaroon ng kamalayan sa lagay ng panahon at daloy ng ilog, kahit na naglalaro sa tubig.
  • Kung makakita ka ng bata na naglalaro sa isang mapanganib na bahagi ng ilog, kunin ang kanilang atensyon at turuan silang pumunta sa mas ligtas na lugar.

Umahon kaagad sa ilog sa mga sumusunod na kaso (mga palatandaan ng biglaang pagtaas ng level ng tubig)

  • Kung makakita ka ng maitim na ulap sa kalangitan na gumagalaw sa direksyon kung saan dumadaloy ang tubig
  • Kung makakita ka ng mga dahon, kahoy o basura na lumulutang sa tubig
  • Kung umuulan
  • Kung makarinig ka ng kulog

Kung umuulan, huwag maghanap ng silungan sa ilalim ng mga tulay.

 Ang mga ilog ay mas mapanganib kaysa sa dagat para sa mga sumusunod na dahilan.  Maglaro nang ligtas sa mga ilog kapag naunawaan mo nang lubusan ang mga panganib.

  1. Ang tubig ng ilog ay may mas kaunting asin kaysa tubig sa dagat at naglalaman ng mas maraming hangin, na nagpapahirap sa mga tao na lumutang sa ibabaw.
  2. Ang mga ilog ay may tiyak na daloy ng tubig at mas maraming atmospheric pressure, kaya mas madaling mawalan ng balanse kahit na sa mababaw na bahagi.
  3. Hindi tulad sa mga beach, kakaunti ang mga ilog na may mga lifeguard o rescuer.