(Julio/2023) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura

(2023年7月)県営住宅の定期募集

2023/07/13 Thursday Anunsyo, Paninirahan

Panahon ng aplikasyon para sa buwan ng Julio
Julio 4 (Martes) ~ Julio 31 (Lunes), 2023

Maaring malaman sa website na nasa ibaba ang mga detalye tungkol sa basic information ng pabahay (katulad ng lugar, sukat, upa at iba) at kung paano mag-apply para dito.

I-click dito upang makita ang PDF file (Japanese Version)

I-click dito upang makita ang PDF file (Portugues Version)

I-click dito upang makita ang PDF file (Spanish Version)

*Ang mga aplikante na hindi makakatugon sa bilang ng aplikasyon para sa periodic recruitment ay tatanggapin simula sa araw pagkatapos ng lottery date na may first come first serve basis hanggang sa susunod na Miyerkules ng susunod na buwan. Ang deadline para sa recruitment ay hanggang Julio 31.

*Mula Abril 2023, posible na ngayong lumipat sa prefectural housing nang walang pinagsamang guarantor. Gayunpaman, kinakailangan upang makakuha ng isang “emergency contact person” na gaganap sa mga sumusunod na tungkulin. Hindi kailangang bayaran ng emergency contact ang atraso sa upa ng nangungupahan.

Schedule ng Aplikasyon (Taon-taon ay pareho ang panahon ng pag-apply)

Buwan ng Aplikasyon Panahon ng pag pasa ng aplikasyon sa Post office  Araw ng bunutan  Araw ng pag-upa 
Abril Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 30 ng buwan Kalagitnaan ng Mayo Hulyo 1
Hulyo Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Augusto Oktubre 1
Oktubre Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Nobyembre Enero 1
Enero Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Pebrero Abril 1

※Ang araw ng simula ng pagpasa ng aplikasyon ay matatapat sa unang araw ng Martes o Biyernes ng buwang nakasaad sa itaas.

 Makipag-ugnayan sa:

Mie Ken Kendo Seibi-bu Jutaku Seisaku-ka Kou’ei Jutaku-han TEL: 059-224-2703 (*Sa wikang hapon lamang)

Ang contact information sa bawat rehiyon ay ang mga sumusunod

(1) Hokusei Bloc (Kawagoe district, Yokkaichi city, Suzuka city, Kameyama) TEL: 059- 373- 6802

(2) Chusei Iga Bloc (Tsu city, Iga city, Nabari city) TEL: 059-221-6171

(3) Nansei-Higashi Kishu Bloc (Matsusaka city, Ise city, Owase city, Kumano city) TEL: 059-222-6400

Mangyaring sumangguni sa sumusunod na URL para sa impormasyon tulad ng “Mga Kwalipikasyon para sa paglipat” at “Mga dapat tandaan tungkol sa paglipat.”

http://www.pref.mie.lg.jp/JUTAKU/HP/35745031344.htm

*Lahat ng impormasyon ay nasa Japanese.

Bagong swimming pool na bubuksan sa Kumanonada Rinkai Park

2023/07/13 Thursday Anunsyo, Paninirahan

熊野灘臨海公園に新プールがオープンします

Isang bagong swimming pool sa prefectural urban park, ang Kumanonada Rinkai Kouen (Kihok-cho), ay magbubukas sa Hulyo 16, 2023 (Linggo).  Ang “infinity pool”, kung saan tila iisa ang pool at ang langit, ay nag-aalok ng napakagandang tanawin ng dagat ng Kumanonada.  Ang pool ng mga bata ay nilagyan ng higanteng balde at maaaring tangkilikin ng mga bata at matatanda.  Halina’t bumisita!

i-click dito upang makita ang Jonohama Pool & Beach website

Lokasyon

Kitamuro-gun Kihoku-cho Higashinagashima Jonohama

Petsa at oras ng pagbubukas

Hulyo 16, 2023 (Linggo) sa ganap na 11am  (forecast)

Mga Bayad sa Pool (*Lahat ng presyo ay tax included)

  • Mga nasa hustong gulang (mga mag-aaral sa high school pataas): ¥1,100
  • Mga bata (mula edad 3 hanggang elementarya): ¥550
  • Libre ang mga batang wala pang 3 taong gulang.
  • 50% na discount para sa mga taong may sertipiko ng kapansanan (mga matatanda ¥550, mga bata ¥270, libre ang isang kasama))

Contact (sa wikang Japanese lamang)

Kiinagashima Recreation Toshi Kaihatsu Kabushikigaisha: 0597-47-5371