Tungkol sa Coupon ng Suporta sa Pamilyang may Pinapalaking Bata (Kosodate Katei Ouen Coupon) 子育て家庭応援クーポンのお知らせ Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2023/03/14 Tuesday Anunsyo, Kultura at Libangan Kung ipapakita mo ang iyong coupon para sa suporta sa pamilyang may inaalagaang bata sa mga kalahok na tindahan tulad ng mga supermarket at restaurant sa prefecture, maaari kang makatanggap ng mga benepisyo tulad ng mga discount at serbisyo. Maaari itong gamitin ng mga sambahayan na may mga batang wala pang 18 taong gulang at mga sambahayan na may mga buntis na kababaihan. Ang marka ng simbolo sa ibaba ay nagpapahiwatig kung tinatanggap ng lokasyon ang coupon. I-click dito (https://www.shoshika.pref.mie.lg.jp/) para sa impormasyon sa lokasyon at mga benepisyong inaalok ng mga tindahang nag-iisponsor. i-click dito upang makita ang Mie Prefecture Child-rearing Family Support Coupon (Kosodate Katei Ouen Coupon) Mga Tuntunin ng Paggamit (sa wikang Japanese lamang ) Sa pamamagitan ng pagkuha ng isang coupon ng suporta, ikaw ay itinuring na sumang-ayon sa mga tuntunin sa dokumentong ito. Paano makukuha ang coupon ng suporta sa pamilyang may pinapalaking bata Sa pamamagitan ng homepage Tignan ang https://www.pref.mie.lg.jp/D1KODOMO/000125826.htm, ilagay ang “petsa ng kapanganakan ng bunsong anak o inaasahang petsa ng kapanganakan”, buksan ang larawan ng kupon, i-save bilang canvas ng screenshot o i-print upang magamit.. Via postcard Punan ang kinakailangang impormasyon sa isang return postcard (oufuku hagaki) at ipadala ito sa secretariat. Makakatanggap ka ng postcard na may naka-print na coupon ng suporta upang malayang gamitin Para sa mga detalye, sumangguni sa website ng Mie Prefecture (https://www.pref.mie.lg.jp/D1KODOMO/000177550.htm). Makipag-ugnayan sa (sa wikang Japanese lamang) Mie Prefecture Child and Welfare Department Declining Birthrate Division Phone number: 059-224-2404 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Mie Omoiyari Parking Usage Permit System ~ Pag-extending ng period sa paggamit ng parking para sa mga buntis at mga nagpapadede na nanay ~ Anunsyo tungkol sa Mie night class 2023 “Manamie” » ↑↑ Next Information ↑↑ Mie Omoiyari Parking Usage Permit System ~ Pag-extending ng period sa paggamit ng parking para sa mga buntis at mga nagpapadede na nanay ~ 2023/03/14 Tuesday Anunsyo, Kultura at Libangan 三重おもいやり駐車場利用証制度について ~妊産婦の利用期間を延長します~ Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Ang Mie Prefecture ay nagi-isyu ng mga certificate ng paggamit ng “Omoiyari Parking lot” sa mga taong may kapansanan, mga matatandang nangangailangan ng pangangalaga, mga buntis, mga injured, at iba pang nahihirapang maglakad. Kapag gumagamit ng Omoiyari Parking Lot, mangyaring i-post ang iyong usage card sa rearview mirror, atbp., upang madali itong makita mula sa labas ng kotse. Mula Abril 1, 2023, papalawigin ang panahon kung kailan magagamit ng mga buntis at nagpapadedeng ina ang pasilidad upang makalabas sila kasama ang kanilang mga sanggol nang walang pag-aalala. Bago ang extension: Mula sa pagkuha ng handbook ng kalusugan ng ina at anak(boshi kenko techo) hanggang 1 taon at 6 na buwan pagkatapos ng panganganak Pagkatapos ma-extend: Mula sa pagkuha ng Mother and Child Health Handbook(boshi kenko techo) hanggang 2 taon pagkatapos ng panganganak Sa kaso ng multiple birth (kambal, triplets, atbp.), hanggang 3 taon pagkatapos ng kapanganakan. i-click dito para makita ang leaflet (serbisyo sa Japanese lang) na nagpapalawig ng panahon ng paggamit para sa mga buntis at nagpapadedeng ina. Tungkol sa mga pamamaraan ng aplikasyon ng extension Simula Marso 1, 2023 (Miyerkules), ang Child and Welfare Department Community Welfare Division (Kodomo Fukushi-bu Chiiki Fukushi-ka) ay magsisimulang tumanggap ng mga paunang aplikasyon (mga elektronikong aplikasyon at mga aplikasyon sa koreo lamang). Mula Abril 3, 2023 (Lunes), ang Child and Welfare Department Community Welfare Division, mga prefectural welfare office (Hokusei, Takidokai, Kihoku, Kinan), mga pampublikong health center (Suzuka, Tsu, Matsusaka, Iga ), at ang aplikasyon ( electronic application, mail application, window application) ay tatanggapin sa counter na namamahala sa bawat munisipalidad. *Para sa mga detalye sa system, pakitingnan ang flyer (serbisyo sa wikang Japanese lang) o ang prefectural website (https://www.pref.mie.lg.jp/UD/HP/73426012526_00001.htm), serbisyo sa wikang Japanese lang. Kung kailangan mo ng tulong sa wikang banyaga, mangyaring makipag-ugnayan sa Mie Counseling Support Center for Foreigners (MieCo). Ang numero ng telepono ay 080-3300-8077. Impormasyon sa pakikipag-ugnayan (sa wikang Japanese lamang) Mie Prefecture Child and Welfare Department Community Welfare Division Numero ng telepono: 059-224-3349 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp