Coronavirus: kapag isang bata ang nahawaan

【新型コロナウイルス】子どもが感染したとき

2023/06/05 Monday Anunsyo, Coronavirus

Para sa taong nahawaan ng coronavirus

Inirerekomenda na ang bata ay hindi lumabas ng bahay sa loob ng 5 araw pagkatapos ng pagsisimula ng mga sintomas at sa loob ng 24 na oras pagkatapos humupa ang mga sintomas, dahil mataas ang panganib na makahawa sa iba. Hanggang sa lumipas ang 10 araw, magsuot ng maskara at mag-ingat na huwag kumalat ang impeksyon sa iba.

Para sa mga tagapag-alaga at miyembro ng pamilya na nakatira sa parehong bahay

Bigyang-pansin ang iyong sariling pisikal na kondisyon

  • Mag-ingat sa unang limang araw, simula sa unang araw ng pagsisimula ng sakit ng taong nahawahan. Ang sakit ay maaaring magpatuloy hanggang sa ika-7 araw.
  • Iwasan ang mataong lugar at magsuot ng mask kapag lalabas. Iwasan ang pakikipag-ugnayan sa mga taong may mataas na panganib na lumala ang mga sintomas at mag-ingat na huwag kumalat ang sakit sa iba.

Mga patnubay para sa paghingi ng medikal na payo

  • Pagmasdan ang mood, kung may gana kumain, at paghinga ng pasyente.  Kung ang tao ay nasa mabuting kalagayan, may gana sa pagkain at normal na kulay ng balat, hindi na kailangang mag-alala.  Kung mayroon kang anumang mga alalahanin, kumunsulta sa iyong doktor.
  • Kung hindi ka sigurado kung magpapatingin o hindi sa doktor, o kung gabi na o holiday, gamitin ang serbisyo sa pagkonsulta sa telepono.

Mga telephone consultation services sa panahon ng krisis

Mie Kodomo Iryo Dial (sa wikang Japanese lamang)

Ang mga dalubhasang medikal na consultant ay magagamit upang magbigay ng payo sa telepono tungkol sa mga sakit sa mga bata.

Target-na mga tao Mga batang wala pang 18 taong gulang at kanilang mga pamilya
Nilalaman ng konsultasyon Mga sakit ng mga bata, gamot at aksidente.
Panahon ng konsultasyon Monday hanggang Saturday, mula 19:30 hanggang 20:00

Sundays, public holidays at bago mag New Year at New Year holidays (December 31 to January 3) 8:00 am – 8:00 am (24 hours)

Phone number #8000

*kapag hindi ma-contact ang #8000, tumawag sa 059-232-9955.

* Ang konsultasyon ay libre ngunit may bayad ang charge sa pagtawag

<iba pang detalye>

Para sa mga sintomas na hindi sapat upang tumawag ng ambulansya, ang impormasyon ay makukuha tungkol sa mga institusyong medikal na maaaring tumanggap ng pasyente.

  • Iryo Net Mie* I-click ang link upang pumunta sa isang website.  (Available sa wikang Ingles).  Maaari mong tingnan ang iba’t ibang impormasyon tungkol sa mga institusyong medikal na maaaring tumanggap ng mga pasyente at lahat ng mga institusyong medikal sa Prefecture

Mie Emergency Medical Information Center (Mieken Kyukyu Iryo Joho Center)

TEL: 059-229-1199 (sa wikang Japanese lamang)

Ang impormasyon tungkol sa mga institusyong medikal ay magagamit 24 oras sa isang araw, 365 araw sa isang taon.  (Ito ay hindi isang konsultasyon na telepono).

Coronavirus: ano ang gagawin kung masama ang pakiramdam mo

2023/06/05 Monday Anunsyo, Coronavirus

【新型コロナウイルス】体調に異変を感じたら

Ano ang gagawin kung sa tingin mo ay nahawa ka na ng coronavirus

Bago pumunta sa isang institusyong medikal:

  • Suriin ang iyong mga sintomas at ang iyong mga gamot.
  • I-verify gamit ang isang test kit na inaprubahan ng gobyerno.

Kung positive ang test

Kung ang mga sintomas ay banayad, simulan ang paggamot sa bahay kung saang lugar pwede.

Kapag negative ang result

Kung may mga sintomas, magpatuloy sa mga pangunahing hakbang sa pag-iwas sa impeksyon tulad ng pagsusuot ng mask at paghuhugas ng iyong mga kamay.

*Ang mga taong may mataas na panganib na magkaroon ng malubhang karamdaman, tulad ng mga matatanda, mga taong may sakit, mga buntis, atbp., at mga taong may malubhang sintomas na gustong tumanggap ng medikal na atensyon, ay dapat makipag-ugnayan sa isang medikal na pasilidad.

Makipag-ugnayan nang maaga sa isang institusyong medikal kapag pupunta para sa isang medikal na pagsusuri

Mangyaring gawin ang mga kinakailangang hakbang sa pagkontrol sa impeksyon kapag bumibisita sa mga institusyong medikal, parmasya at pasilidad para sa mga matatanda.

Ang coronavirus ay lubos na nakakahawa, kaya magsuot ng mask upang maprotektahan ang mga taong nasa mataas na panganib na lumala ito

Mga bagay na dapat ihanda kapag masama ang pakiramdam mo

  • Novel coronavirus antigen qualitative test kit.

*Pumili ng “in vitro diagnostic” na inaprubahan ng gobyerno (Taigai Shindan-yo Iryo-hin) o mga test na “category 1”.  Ang “Research use” ay hindi inaprubahan ng gobyerno.

  • Mga gamot na antipirina at analgesic
  • Mga detalye sa pakikipag-ugnayan para sa konsultasyon sa telepono

Bukas ang mga consultation center ng 24 horas, kabilang ang Sabado, Linggo at holiday(sa wikang Japanese lamang)

Kuwana Public Health Center: 0594-24-3619

Ise Public Health Center: 0596-27-5140

Yokkaichi Public Health Center: 059-352-0594

Iga Public Health Center: 0595-24-8050

Suzuka Public Health Center: 059-392-5010

Owase Public Health Center: 0597-23-3456

Tsu Public Health Center: 059-223-5345

Kumano Public Health Center: 0597-89-6161

Matsusaka Public Health Center: 0598-50-0518

Kung nais mong kumonsulta sa wikang banyaga, tumawag sa Mieco (Mie Consultation Center para sa mga Dayuhang Residente).

Numero ng telepono: 080-3300-8077

Mga oras ng pagbubukas: Lunes hanggang Biyernes, mula 9:00 am hanggang 5:00 pm (sarado tuwing Sabado, Linggo, holiday at holiday ng katapusan ng taon at Bagong Taon).

Mga magagamit na wika: English, Portuguese, Spanish, Filipino, Chinese, Korean, Vietnamese, Nepali, Indonesian, Thai at Japanese.