Manamie: Ang Mie Night School experience ay gaganapin as 2022 (Reiwa 4)

令和4年度みえ夜間学級体験教室「まなみえ」を開催します

2022/03/22 Tuesday Anunsyo, Edukasyon

Kung hindi ka pa nagkaroon ng pagkakataong makatapos ng junior high school (chugakko) dahil sa iba’t ibang dahilan, o kung iniisip mong “Gusto kong matuto” o “Gusto kong matutong muli”, huwag mag-atubiling mag-apply.

  1. Period

First semester: katapusan ng Abril hanggang simula ng Hulyo 2022 – may kabuuang 30 lessons (3 kada linggo)

Second semester: simula ng Setyembre hanggang kalagitnaan ng Oktubre 2022 – may kabuuang 20 lessons (3 kada linggo)

* Ang mga petsa ng klase ay itatakda sa unang bahagi ng Abril 2022. Kapag nakumpirma na, ang mga petsa ay iaanunsyo sa homepage ng prefectural at sa pamamagitan ng Mie Info.

  1. Oras

6:00 pm hanggang 8:25 pm

  • Basic learning: 6:00 pm hanggang 6:10 pm
  • First period: 6:10 pm hanggang 6:50 pm
  • Second period: 6:55 pm hanggang 7:35 pm
  • Third period: 7:40 pm hanggang 8:20 pm
  • Closing: 8:20 pm hanggang 8:25 pm
  1. Lugar

Mga klase sa Tsu: Mie Education Center (Mie-ken Sogo Kyouiku Center – 三重県総合教育センター)
Tsu-shi Otani-cho 12 (10 minutong lakad mula sa Tsu Station)

Mga klase sa Yokkaichi: Hokusei High School (Miekenritsu Hokusei Koto Gakko – 三重県立北星高等学校)
Yokkaichi-shi Oazamochibuku 668-1 (13 minutong lakad mula sa Kintetsu’s Tomida Station)

  1. Nilalaman

Japanese language classes, humanities (shakai), math, science at English classes (primary revision – shogakko kung kinakailangan)

  1. Paano magparehistro
    1. Target na mga tao

Mga residente ng Mie na ipinanganak bago ang Abril 1, 2007

* Maliban sa mga taong nakatapos ng high school graduation (koukou)

    1. Impormasyon sa Pagpaparehistro (Pakibigay ang mga sumusunod na item)

Pangalan, petsa ng kapanganakan, address, numero ng telepono sa pakikipag-ugnayan, gustong lokasyon (Tsu o Yokkaichi)

    1. Paraan ng Enrollment

1 – Online registration: i-click dito

2 – By phone: 059-224-2963 (sa wikang Japanese lamang)

3 – E-mail (gakokyo@pref.mie.lg.jp)

4 – Fax: 059-224-3023

5 – Direktang pumunta sa Sektor ng Edukasyon para sa Elementarya I at II sa seventh floor ng Mie Government Office (Kencho)

    1. Enrollment period

First semester: hanggang 5 pm sa Abril 12 (Martes)

*Para sa mga pagpaparehistro pagkatapos ng panahong ito, mangyaring ipaalam nang direkta.

Second semester: ipapaalam sa ibang pagkakataon

  1. Iba pang mga detalye
  • Libre ang mga klase
  • Ang mga workbook ay ipapamahagi nang walang bayad
  • Tinitingnan ng organisasyon ang pagdaraos ng mga online na klase para sa mga taong nahihirapang makapasok sa mga klase.
  • I-click dito para makita ang article ng Manamie
  • Kung nahihirapan kang mag-apply o gustong matuto ng Japanese, makipag-ugnayan sa MieCo

MieCo, Mie Consultation Center para sa mga Dayuhang Residente

Tel: 080-3300-8077

https://www.miefweb.org/mieco/

Contact (sa wikang Japanese lamang)

Mie-ken Kyoiku Iinkai Jimukyoku Shochugakko Kyoiku-ka Shochugakko Kyoiku-han
(三重県教育委員会事務局 小中学校教育課 小中学校教育班)
TEL: 059-224-2963

Gamitin natin ng tama ang ambulansya

2022/03/22 Tuesday Anunsyo, Edukasyon

救急車を適正に利用しましょう

Sa Mie Prefecture, 81,021 katao ang dinala sa ospital sa pamamagitan ng ambulansya noong 2020. Sa mga ito, 51.6% o 41,820 katao, ay mga pasyenteng may bahagyang karamdaman na hindi nangangailang ng emergency.  Gamitin nang mabuti ang mga ambulansya upang ang mga talagang nangangailangan nito ay makakuha ng emerhensiyang pangangalagang medikal.

< Tingnan ang ilan sa mga dahilan kung bakit tinawag ang ambulansya.  Kailangan ba talaga ng ambulansya ang lahat?>

  • Pangangati dulot ng kagat ng lamok
  • Pananakit ng balat dahil sa sunburn pagkatapos magpunta sa beach
  • Nahiwa ng papel ang daliri, ngunit tumigil na ang pagdurugo
  • Wala nang natira sa iniresetang gamot mula sa ospital
  • Ang mga pasyenteng inaasahang maospital ay gustong pumunta sa ospital gamit ang ambulansya
  • Mga pasyenteng ayaw maghintay sa pila sa ospital kaya’t tumawag nalang ng ambulansya

Kung makaranas ka ng anumang kondisyon o sintomas na may matinding pangangailangan, huwag mag-atubiling tumawag sa 119 (sa prinsipyo, ang serbisyo ay sa wikang Japanese lamang).

Mula sa link sa ibaba, makikita mo kung paano tumawag ng ambulansya, mga sintomas na nangangailangan ng ambulansya (mga matatanda at bata), tungkol sa heat stroke, at mga pointer kapag tumatawag ng ambulansya.

Tingnan ang link na ito sa ibaba at gamitin ang impormasyon kung kinakailangan.

 Gabay sa Mga Serbisyo ng Ambulansya (mula sa homepage ng Fire and Disaster Management Agency – Shobocho), sa wikang Tagalog

 Gabay sa Mga Serbisyo ng Ambulansya – Gabay sa Kyukyusha Riyo (mula sa homepage ng Fire and Disaster Management Agency – Shobocho), sa wikang Japanese.