Mga Dayuhang mamamayan na aktibo sa komunidad 三重県の地域の安全を守るために活動する消防団員 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2016/02/16 Tuesday Impormasyon May mga dayuhang mamamayan na aktibong kumakatawan sa mga tungkulin sa komunidad. Sa araw na ito ay ipapakilala namin sa inyo si Mr. César Nouchi na miyembro ng fire volunteer team. Sa bawat lungsod ay may nakatalagang mga fire volunteer team at sila ang kaakibat ng mga bumbero para tumulong sa panahon ng pangangailang katulad ng pagpuksa sa sunog, baha at iba pang mga kalamidad. Ang kanilang pang-karaniwan gawain ay ang pagsasanay para sa kalamidad, pagtuturo ng first aid treatment sa tao at pagpapakikilala ng mga goods na maaaring gamitin sa oras ng pangangailangan. Ang mga miyembro ng fire volunteer team ay may kanya kanyang trabaho at propesyon at kakaiba ang taglay nilang posisyon bilang empleyado ng barangay, dahil sa oras ng emergency, nasa bahay man sila o nasa trabaho ay kailangang nilang magtungo at tumulong sa komunidad. Karamihan sa mga miyembro ng fire volunteer team ay naninirahan sa kinasasakupang nilang barangay at halos alam nila ang estado ng bawat isa sa paligid kung kayat sa oras ng pangangailangan, sila ang unang-unang nagtutungo at nagbibigay ng first aid treatment hanggang sa dumating ang bumbero o rescue team. Nitong taong 2016 sa Yokkaichi Fire Unit Ceremony, si Mr César Nouchi isang Peruano at naninirahan ng mahigit 20 taon sa Japan ay pinagkalooban ng Certificate of Appreciation. Bilang miyembro ng fire volunteer team sa loob ng unang 3 taon, lubos ang pagsisikap na ginawa ni Cesar sa pagdalo sa mga disaster drill para makatulong sa komunidad. Pinagkalooban siya ng Unit Supervisor ng Fire Volunteer Team ng Certificate of Appreciation. Isinalaysay sa amin ng Unit Leader na si Mr. Ishikawa ang tungkol sa mga aktibidad na ginagawa ng isang fire volunteer member. [Yokkaichi Fire Volunteer Team Retired Unit Leader Mr. Masuo Ishikawa] 「Kung sakaling magkaroon ng sunog, responsibilidad ng fire volunteer team ang tumulong para maaagapan ang pagtupok sa sunog, o kaya naman ay dumalo sa mga disaster drill at regular first aid training course at iba pang mga bagay na may kinalaman sa disaster prevention.」 Ano ang dapat gawin para maging isang miyembro ng fire volunteer team? 「Limitado ang bilang ng miyebro sa bawat komunidad, sa oras na mabakante ang posisyon ito, maaaring magpasa ng aplikasyon sa Community Association Leader at pagkatapos ay ipapasa ito sa akin para sa proseso ng mga dokumento.」 Ano ang kahalagahan ng fire volunteer team? 「Sila ang ang nagsasagawa ng mga pagsasanay sa disaster prevention para sa komunidad at nagsasagawa rin ng regular first aid treatment training para makatulong sa mamamayan ng komunidad.」 Isinalaysay naman ni Mr. Cesar Nouchi kung paano siya naging miyembro ng fire volunteer team at ang pagkakatanggap niya ng recognition award. Ikinuwento rin niya ang kahalagahan ng pagiging aktibo sa komunidad ng mga dayuhan naninirahan sa Japan 「Noon panahon na nakatira pa ako sa Lungsod ng Yokkaichi, maraming matatatanda ang nakatira sa lugar namin subalit ang bilang ng mga kabataan ay kaunti. Kasama ko sa bahay ang magulang ko nang panahong iyon at sumasali kami sa programa ng barangay katulad ng paghihiwalay ng basura, paglilinis sa paligid at pagpa-patrol. Hindi ko alam na parati pala akong inu-obserbahan ng barangay leader namin at isang araw ay dumalaw siya sa bahay namin at kinausap ang magulang ko na kung puwede daw ba akong sumali sa grupo ng fire volunteer team. Dahil sa ang katungkulan ng isang fire volunteer ay protektahan ang komunidad, hindi lahat ay puwedeng sumali at ang kailangan ng community association ay isang responsableng tao. At dahil nakatira ako sa barangay na ito, buong puso kong tinanggap ang responsibilidad.」 Anong uri ng pagsasanay ang ginagawa ninyo? 「Kawili-wili ang pagsasanay na ginagawa ng mga fire volunteers. Sumasali kada taon ang miyembro ng bawat barangay para lumahok sa paligsahan. Para mapanalunan ang first prize, sa loob ng halos isang buwan, araw araw ay nagsasanay kami para sa paligsahan. Pagalingan at pabilisan ang labanan dito kaya bawat isa sa amin ay paulit ulit na nagsasanay at kasunod nito ay sama-sama ang lahat ng miyembro para magsanay at subakan ang bilis at galing ng grupo.」 Nang pumasok ka noon bilang fire volunteer member, nasubukan mo bang umaksyon sa isang state of emergency crisis? 「Sa loob ng apat na taon ng pagtatrabaho ko, 5 beses nagkaroon ng emergency dahil sa sunog. Bukod dito, may isang insidenteng na nakasakay ako sa tren at bigla na lang may tumumbang isang babae, bumubula ang bibig at parang inaatake. Naalala ko ang pinag-aralan namin noon sa training drills na maaaring kagatin ng taong inaaatake ang kanyang dila at maaaring mabulunan kaya ang unang ginawa ko ay nilagyan ko ng panyo ang kanyang bibig. Nang huminto sa sumunod na estasyon ang tren, may naghihintay nang ambulansya. Lumipas ang ilang araw at nalaman ko na lang na ligtas na ang babae at nagpapagaling na lamang. Nang mga sumunod na araw pagsakay ko sa tren, kinamayan ako ng mga tao. Hinding hindi ko makakalimutan ang naging unang karanasan ko. Malaking pasasalamat talaga na naging miyembro ako ng grupong ito. Anong pakiramdam mo ngayon na nakatanggap ka nang certificate of appreciation? 「Hindi ko kayang ilarawan sa pananalita ang pasasalamat na nararamdaman ko. Tuwang tuwa ako, isang malaking karangalan talaga ng makita ko ang certificate na ito at makitang nakatatak dito ang seal ng Yokkaichi. Sa maliit mang pamamaraan ay alam kong nakatulong ako.」 Maaari ka bang magbigay ng mensahe sa mga kapwa natin dayuhan na naninirahan sa Japan bilang isang fire volunteer. 「Ikinagagalak ko ang pagkakataong ito. Masasabi kong kawili-wili talaga ang mga programang ginagawa namin dito dahil hindi lang para sa mga Hapon, kundi pati na rin sa ating pamilya, kaibigan, kapitbahay at marami pang iba. Kahit pa umuwi tayo sa bansa natin, tiyak na magagamit natin ito. Ang mensahe naman na nais kong iparating sa mga kabataan dayuhan ay ganito, wala na yung dating pag-iisip na pupunta sa Japan, mag-iipon at pagkatapos ay uuwi sa sariling bansa at magtatayo ng sariling mapagkakatitaan. Ang mga dayuhan sa ngayon ay nananatili na nang pangmatagalan sa Japan. Dito sa Japan, niri-respeto nila ang mga dayuhan, binibigyan ng pagkakataon na magtrabaho at ito na ang tamang panahon para maibalik natin sa kanila ang pabor. Hindi na tayo mga turista sa bansang ito, bilang miyembro ng lipunan, sasama sama tayong makiisa para sa isang matiwasay na pamumuhay kasama ng mga Hapon. Maraming salamat.」 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « [Suzuka] PAGBUBUKAS NG FLEA MARKET Mie Prefectural Art Museum Exhibit » ↑↑ Next Information ↑↑ [Suzuka] PAGBUBUKAS NG FLEA MARKET 2016/02/16 Tuesday Impormasyon 平成28年2月13日(土)に鈴鹿市で「フリーマーケット」が開催されます Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Maraming mga event kung saan maraming mga pagkain at one coin challenges ang masusubukan. Nawa’y magpunta ang lahat at makipaglaro 【Petsa】Pebrero 13, 2016 (Sabado) 10:00 ~ 15:00 Tuloy kahit uulan 【Lugar】Mie Koutsu G.Sports no Mori Suzuka (Suzuka Sports Garden Gym) Suzuka Shi Misono Cho 1669 【Admission Fee】Libre 【Nilalaman】 ・Mga 100 ang maglalabas ng kanilang booth (Pagbebenta ng gulay, yakisoba, donteki (Japanese pork teriyaki, small croissant, curry pan at marami pang iba) ・announcement ng sport club tournament sa SSG ・pagtatanghal ng Yosakoi team na may pamagat na「Freedom」 ・One coin event trial 【Para sa mga katanungan】tumawag sa Suzuka Sport Garden Gym TEL 059-372-8850 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp