Ipinatupad na ang kompulsaryong training course sa mga taong Pulit-Ulit na lumalabag sa paggamit ng bisikleta 自転車運転者講習制度について Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2015/06/16 Tuesday Araw-araw na Pamumuhay at Batas Ang kopya ng video na ito ay kuha sa Mie Prefecture Driver’s License Center Mula Hunyo 1, 2015 sinimulan ng ipatupad ang 「Training course para sa mga taong nagbibisikleta. Ang mga taong paulit-ulit na lumabag sa batas habang gamit ang bisikletaay inaatasang kumuhang 3 oras na training lecture. Ito ay nagkakahalaga ng 5,700 yen. Kung hindi sumunod sa utos ng batas at hindi kumuha ng training course na ito, sila ay inaatasang magbayad ng kaukulang multa na nagkakahalaga ng 50,000 yen pababa. Ang batas sa pagmamaneho ng kotse ay pareho sa batas na ipinapatupad sa pagbibisikleta at upang mas maging maingat ang tao sa pagbibisikleta, ang bagong sistemang ito ay isinagawa. Ilang halimbawa ng paglabag sa batas trapiko na delikado at inaatasang kumuha ng training course sa pagbibisikleta. ・Pagbabalewala sa traffic signal-Mahigpit na ipinagbabawal sa mga taong naglalakad at mga nagbibisikleta ang ang pagwawalang bahala sa traffic signal. ・Paglabag sa batas hinggil sa maingat na pagmamaneho – Ang mga nagbibisikleta ay kinakailangan sumunod sa batas trapiko, hindi lamang para sa kaligtasan ng sarili, kundi pati na rin ang kaligtasan ng mga taong nasapaligid. Sa panahon ng tag-ulan, ang pagbibisikleta gamit ang isang kamay habang hawak ang payong sa kabilang kamay ay isa sa mga batas na ipinagbabawal. ・Hindi paghinto sa itinakdang lugar na dapat huminto-Katulad ng batas trapiko para sa kotse, kinakailangan huminto sa harap ng mga kalsadang may nakasulat na 「止まれ」(Tomare o Stop). ・Paglabag sa batas hinggil sa pagbibisikleta sa bangketa – Pangkaraniwang gamit ng mga nagbibisikleta ang daanan parasa sa sakyang. Ipinagbabawal man ang pagbibisikleta sa mga bangketa, may ilang lugar din na may markang nakasaad na pinahihintulutan ang paggamit nito. Sa ganitong pagkakataon, dahan-dahan gumawi patungo sa bangketa at kung sakaling makakasagabal sa mga taong naglalakad, kinakailangan pansamantalang ihinto ang pagbibisikleta. ・Pagsakay sa bisikletang sira ang break – Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng bisikletang may siraang break. Pinapaalala rin sa mga nagbibisikletang gamit ang racing bike na bawal itong gamitin sa pampublikong kalsada kung isa lamang ang nakakabit na break alinman sa huling gulong o harapan gulong. ・Pagbibisikleta ng nakainom ng alak-Katulad ng batas sa pagmamaneho ng kotse, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbibisikleta pagkatapos na uminom nga lak. Bukod dito, may 8 pang violations na itinatalagang delikado. Nakapanayam namin ang pulis na namamahala sa training course dito sa Mie Prefecture Police Headquarter. [Mie Prefecture Police Headquarter, Transportation Department, Transportation planning Division – Chief Kawamoto] Tanong: Sa pagbibisikleta, anong mga punto ang kailangang bigyan ng lubos na pag-iingat? Simula ngayong Hunyo 1, sinimulan ng ipatupada ng sistema ng pagbibigay ng training course sa mga taong nagbibisikleta. Sapaulit- ulit na paliwanag hinggil paglabag sa batas na ito, bilang parusa sila ay inaatasang kumuha ng training course. Sa ngayon ang mga taong sumuway sa batas na ito ay ang mga taong kinakailangang kumuha ng training course. Sa paggamit ng bisikleta, matapos alamin ang lahat ng batas trapiko para dito, sundin ang mga ito upang maging ligtas ang pagbibisikleta. Anong mangyayari kung lalabag sa batas na ito? Kung sakaling lumabag sa utos ng batas at hindi kumuha ng training course para sa pagbibisikleta, sila ay magkakaroon ng crime record hinggil sa hindi pagsunod sa batas. Aatasan din silang magbayad ng kaukulang multa na 50,000 pababa. Anong mensahe ang nais mong iparating sa mga dayuhang mamamayan? Kung susundin ng tama ang batas trapiko, walang kailangang ikabahala na makakatanggap ng utos na kumuha ng training course para sa pagbibisikleta. Maaring iba ang batas na ipinapatupad sa inyong sariling bansa at may ilang dayuhan na sa palagay ko ay nahihigpitan sa batas trapiko ng Japan. Subalit nais kong ipaalam na ang batas trapikong ito ay pinagtibay upang maiwasan ang pagkakaroon ng aksidente at pangalagaan ang buhay ng tao, kunga kayat hinihiling ko sa lahat na sundin ng mabuti ang batas na ito. Kung ang mga taong naglalakad, nagbibisikleta at nagmamaneho ng sasakyan ay susunod sa patakaran ng batas trapiko, maaring mabawasan ang bilang ng aksidente. Alaming mabuti ang batas trapiko at magkaroon ng tamang pag-uugali,sa pag-iingat na gagawin habang nasa paligid ng kalsada, maaring mapangalagaan hindi lamang ang sariling buhay kundi pati na rin ang buhay ng mga taong nasa paligid natin. See also: Encouraging Safe Bicycle Use Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « [Matsusaka] Gumawa tayo ng Laruan!! Ika-3 bilang [Iga] LECTURE PARA MAS MAUNAWAAN ANG PAGTATAGUYOD NG MULTICULTURANG LIPUNAN » ↑↑ Next Information ↑↑ [Matsusaka] Gumawa tayo ng Laruan!! Ika-3 bilang 2015/06/16 Tuesday Araw-araw na Pamumuhay at Batas 平成27年6月21日(日)に松阪市で「つくってあそんじゃお!!第3弾 パパと一緒にロボットになっちゃお!!」が開催されます Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Gumawa tayo ng Laruan!! Ika-3 bilang Naging Robot Ako at ang Tatay Ko Tuwing ika-3 Linggo ng buwan ay ipinagdiriwang ang「Araw ng Pamilya」 Isama ang buong pamilya, maglikha at maglaro at palalimin ang ugnayan ng pamilya! Sa ika-3 serye nito ay maaring gumawa sariling robot! Tulong- tulong ang pamilya habang gumagawa ng orihinal na robot! Maraming drawing paper, dyaryo, plastic, kahon at iba pang materyales na maaring gamitin sa paglikha. Sa pamamagitan ng mga materyales na ito maaring makagawa ng orihinal na robot na nag-iisa lamang sa buong mundo. Itatanghal ang mga robot na ginagawa pagkatapos na ito ay mabuo!! Petsa: 2015, Hunyo 21 (Linggo) – 13:00 ~ 14:15 Pagkagawa ng Robot – 14:30 ~ 15:00 Pagmamarcha ng mga nilikhang robot Lugar: Mie Kodomo no Shiro 2F Stage Space 〒515-0054 Mieken Matsusaka shi Tachino cho 1291 sa loob ng Chubudai Undo Park TEL:0598-23-7735 Bayad: Libre Homepage: http://www.mie-cc.or.jp/map/events/2015/05/28/4252 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp