Mga importanteng impormasyon tungkol sa Pension ng mga residente na naninirahan sa Japan 日本の年金制度について - 将来のことを考え、老後の過ごし方を計画する Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2016/06/16 Thursday Araw-araw na Pamumuhay at Batas Maraming mga dayuhang residente na nakatira dito sa Japan ng maraming taon. Ngunit, mayron bang mga naturang plano ang mga dayuhang residente para sa magiging buhay pagkatapos ng retirement. Ano kaya ang mangyari kapag hindi nakatanggap ng pension, pagkatumanda na at dumaan ang panahon na hindi nakakapagbayad ng insurance. Napaka-halaga na magplano para sa kinabikasan, kailangang isipin ang sitwasyon pagkatapos ng 20 o 30 na taon. Sa video na ito, ipapakilala namin sainyo ang napakahalagang temang “Nenkin o Pension” Ang Nenkin ay ang pera na matanggap kapag tumanda na, o kapag nagkaroon ng kapansanan. para masuportahan ang pamumuhay ng mga trabahador na nakapagtrabaho ng mahabang panahon at natugunan ang mga pangunahing kondisyon tulad ng (minimum na eded, tagal ng pagbabayad, atbp.) Ang sistema ng Pension sa Japan Sa Japan may Kokumin Nenkin o National Pension (Kokumin hoken kanyū-sha taishō o National Health Insurance subscriber) at ang Kosai Nenkin o Employee pension (shakai hoken kanyū-sha taishō o social insurance subscriber) Kokumin Nenkin (National Pension) Ang Koteki Nenkin o Public Pension para sa mga matatanda o kapag nagkaroon ng kapansanan ay ang insurance system na matatanggap pagkatapos ng retirement, kapag nagkaroon ng kapansanan o kapag sakaling namatay ay may matatanggap na pension para sa mga naulilang pamilya Ang pagsali sa Kokumin Nenkin Kapag naninirahan sa Japan na nasa edad na 20 taong gulang pataas hanggang 60 taong gulang, kabilang ang mga dayuhan, ay dapat sumali sa Kokumin Nenkin o National Pension. kailangan din ito na isabay na ipasok kapag may Kosei Nenkin Hoken o Employees Pension Insurance sa lugar ng inyong pinagta-trabahuhan. Paraan ng pagsali Upang makasali sa National Pension, kailangang mag report sa Government office ng inyong lungsod Pagbabayad ng Insurance Premiums Hindi alintana sa sinasahod, parehong 16,260yen kada buwan ang bayad (sa taong 2016). makakatanggap ng notisya sa bayarin para sa isang taon tuwing Abril. Magiging exempted kapag mababa kaysa sa inaasahan ang sweldo. Mangyaring kumunsulta sa governmet office. Rorei Kiso Nenkin (Basic Pension para sa mga matatanda) Kapag higit na 25 years na nabayaran ang Insurance fee at panahon na exempted period,atbp. ang Rorei Kiso Nenkin ay matatanggap simula mag 65 years old. Bukod sa basic pension sa mga matatanda mayroon din basic pension para sa may kapansanan at basic pension para sa mga naulilang pamilya. Para sa iba pang impormasyon, mangyaring bumisita sa Nenkin-ka Madoguchi o Pension Division ng inyong lungsod. Kosei Nenkin Hoken (Employment Pension Insurance) Ang Kosei Nenkin hoken o Employment Pension Insurance ay sinasalihan ng mga office workers, atbp at dagdag dito ang basic pension ng National Pension na binabayaran sa pamamagitan ng sistema ng (earnings-related pension) Ang pagsali sa Kosei Nenkin hoken Kasama ang Kenko Hoken o Health Insurance, hanggat may palaging 5 o higit pang empleyado sa isang kompanya ay napapailalim ang mga empleyado sa Kosei Nenkin Hoken at ang mga dayuhan ay kinakailangan din na sumali. Ang paraan ng pagsali ay isasagawa sa kompanya kung saan nagta-trabaho. Ang insurance fee ay babayaran ng empleyado at ng kompanya ng tig kalahati o 50%, ang halaga ay magiging depende sa buwanang sweldo at bonuses ng mga manggagawa. Rōrei kōsei nenkin no kyūfu seido o Benefit plan ng Employee pension for the elderly Kapag ikaw ay sumali sa Kosei Nenkin Hoken (at kung nakasali pa sa iba katulad ng insurance period and exempted period at nakapagbayad ng 25 years pataas) at kapag natugunan ang mga kuwalipikasyon para makatanggap ng rōrei kosei nenkin ng national pension, simula sa 65-year-old ay pagkakalooban ng rōrei kiso nenkin at bukod pa sa rōrei kiso nenkin, mayroon din disability pension at pension para sa mga pamilyang naulila. Para sa iba pang impormasyon, mangyaring bumisita sa Shakai Tamotsu Tsutomu-sho. Dattai Ichiji kin no Seikyū Seido o Billing System ng Lump Sum Payment(Kapag umuwi sa sariling bansa) Ang Kōsei Nenkin Hoken at Kokumin Nenkin ay may biling sistem sa Lump sum payment. Ito ay kapag sumali sa Nenkin ang mga dayuhan na naninirahan sa Japan at kapag nakapagbayad ng insurance premiums ng mahigit na 6 na buwan, at kapag nag-request batay sa nakasaad na proseso kapag aalis na ng Japan pagkatapos ng 2 taong pamamalagi ay pwedeng mabayaran at ma widraw ang Lump sum. Ang halaga ng bayarin ay depende sa tipo ng insurance at haba ng panahon ng pagbayad. Para sa iba pang mga impormasyon, mangyaring magtanong sa person-in-charge ng pension sa pinakamalapit na pension office. At sa pagtatapos Isipin natin ang ating kinabukasan. karamihan sa mga dayuhan na nakatira sa Japan na hindi makapag desisyon kung mamamalagi dito o hindi, ay nakakapanghinayang na hindi sumali at makapagbayad ng Pension Insurance. Kaya sa huli, mamamalagi dito sa Japan ng matagal na panahon at tatanda nalang ng hindi nakakabayad at walang matatanggap. At ang Nenkin ay hindi lamang para sa mga matatanda, kundi para din ito sa mga pamilya na mauulila kapag sakaling namatay ang pensioner at para din ito sa mga tao na biglang nagkaroon ng kapansanan. at kapag umuwi sa sariling bansa, maaring makuha ang insurance premiums na binayaran dito sa Japan. kaya’t kailangan natin mag life planning ng mabuti. Mag life planning, at syempre para makapag handa sa mga oras na tayo ay mangangailangan. [Source] Counsel of Autonomous Bodies for Internationalization http://www.clair.or.jp/tagengo/index.html Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Mie Hello Work guidance support corner para sa mga bagong foreign students graduates Mag-ingat sa Heatsroke! » ↑↑ Next Information ↑↑ Mie Hello Work guidance support corner para sa mga bagong foreign students graduates 2016/06/16 Thursday Araw-araw na Pamumuhay at Batas みえ新卒応援ハローワークの外国人留学生コーナーについて Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Suporta sa trabaho galing sa mga professional counselor para sa mga estudyanteng banyaga. Ang Mie Hello Work Support Corner ay nagbibigay suporta sa mga foreigners na may higit na N1 Japanese Language Proficiency Test (o katumbas na level) para sa paghahanap ng trabaho. Kahit anong lahi basta’t may hangaring makapagtrabaho dito sa Japan ay pwedeng kumunsulta dito. Requirements May Japanese Proficiency Test N1 level o mas mataas, may kakayahan sa abilidad ng Japanese, sanay sa mga patakaran ng trabaho dito sa Japan (at halos walang pagbabago kahit ikumpara sa mga Hapon na estudyante) at may karanasan at sanay sa pagta-trabaho dito sa Japan at hindi nagkaka-problema sa trabaho kahit isama sa mga hapon. Para sa mga tao na wala sa mga kondisyon na ito, mangyaring kumunsulta sa Nagoya Gaikokujin Koyo Service Center (Nagoya Employment Service Center for Foreigners) Services Correction interview practice, Career counseling jobs, Introduction resume, etc. Mangyaring makipagugnayan kapag interesado Contact:Mie Shinsotsu Ouen Hellowork 059-229-9591 Tsu Shi Hadokoro Cho 700 banchi asuto 3f Hello Work Sa Hello Work, basesa mga trabaho na nalikom sa buong lungsod ng bayan na higit kumulang ng 550 na Hello Work at iba pang pasilidad para mahanapan kayo at maipakilala at makapagkunsulta sa trabaho. At sa karagdagan, kami din ay nagbibigay ng mga benepisyo galing sa work insurance. Mangyaring tignan ang mapa para sa lugar ng Mie Ken Hello Worksahomepage na ito: http://www.mhlw.go.jp/kouseiroudoushou/shozaiannai/roudoukyoku/mie/index.html#antei Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp