Sobun Purple Light Up 2017 ~Kampanya Upang Puksain ang Karahasan Laban sa Kababaihan~ 総文パープル・ライトアップ2017 ~女性に対する暴力をなくす運動~ Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2017/11/16 Thursday Seminar at mga events Tuwing Nobyembre 12 hanggang ika-25 ng kada taon ay ang panahon ng “Kampanya upang puksain ang karahasan laban sa kababaihan”. Isinasagawa ang “Purple · Light Up” na kinuha sa Purple Ribbon na simbolo ng pagpuksa ng karahasan laban sa kababaihan sa buong bansa, at ang Mie Prefectural General Cultural Center ay magpapatuloy sa “Purple Light up” katulad ng nakagawian noong nakaraang taon. Kasama sa light-up na ito ang isang mensahe upang puksain ang karahasan at isang mensahe para sa biktima na “Hindi ka nag-iisa, mangyaring ipaalam saamin.” Bilang karagdagan, magkakaroon kami ng isang pang-edukasyon na eksibisyon at iba pa sa pakikipagtulungan sa bayan ng Mie sa Mie Prefecture. Mangyaring pumunta at makisali sa amin at lahat tayo ay magsama-sama! Araw at Oras November 11 (Sabado) hanggang 25 (Sabado) Araw-araw simula 5pm hanggang 9pm (Maliban na lang kapag araw na sarado) Lugar Ken Sogo Bunka Center Shukusai Hiroba (Prefectural Integrated Cultural Center Festival Plaza) (Mie-ken Tsushi Ishindenkōzubeta 1234) Admission fee Libre (Hindi na kailangan mag advance register) Sa ibang lugar sa loob ng Center, ay may naka-schedule na mga mini-events atbp., tungkol sa Purple Ribbon Movement. Para sa mga detalye, mangyaring tignan ang sumusunod na website. (Japanese only) https://www.center-mie.or.jp/frente/event/sponsor/detail/18925 Makipag-ugnayan sa: Ken Danjo Kyodo Sankaku Center “Frente Mie” (Prefectural Gender Equality Center) 〒 514 – 0061 Mie Ken Tsu Shi Ishindenkōzubeta 1234 TEL 059 – 233 – 1130 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Mag-ingat sa mga mapanlinlang na Business Scheme ③ ~Upang alamin at maiwasan na magka-problema sa kontrata~ Multicultural Coexistence Understanding Event – Hand in Hand 2017 » ↑↑ Next Information ↑↑ Mag-ingat sa mga mapanlinlang na Business Scheme ③ ~Upang alamin at maiwasan na magka-problema sa kontrata~ 2017/11/16 Thursday Seminar at mga events 悪質商法にご用心!③ ~知って備える契約トラブル~ Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Ano ang MLM (Multi-level Marketing Transaction)? Ito ay ang pag-kontrata ng mga produkto at serbisyo, at ang sunod ay palakihin ito sa pamamagitan ng pyramid type, mas kilala bilang pyramid scam. Sa pagsali dito, kailangan mo magrecruit din ng ibang tao na bumili at sumali. Hindi madali ang kumita dito hanggat marami kang mahihikayat na tao na sumali, at inaakit ang mga tao sa mga success story umano ng mga miyembro. Na sa totoo ay mahirap kumita dito at naloloko lamang at nababaon sa utang at nagkakalokohan kaya’t pati ang mga pamilya o mga kaibigan na nahihikayat ay nagkakagulo at nagiging dahilan upan masira ang relasyon. Halimbawa: May alok galing sa isang kaibigan, ang sabi ay may “magandang sideline business” na madaling kumita ng pera. Maging member ka lang at mag refer ng mga kaibigan na sumali at makakatanggap ka ng mga porsyento na kikitain bukod pa sa mga produkto na maibebenta. Pagkatapos ay hindi na magpapakita ang nag alok at ang seller saiyo at naiwanan ka lang ng napakalaking inventory, mga utang at mga madaming produkto na nabili mo. 【Mga puntos upang maiwasan maging biktima】 ・Kahit na kakilala ang nag-alok, huwag ng tanggapin ang offer. ・Huwag magtiwala sa matamis na salitang “madaling kumita” at huwag pumirma ng kontrata. ・Huwag agad-agad maniwala sa mga offer ng business investments. ・Kapag may napansin na kahinahinala sa inaalok, kumunsulta agad sa ibang tao. Huwag mag-alalang mag-isa, kumunsulta po tayo! Customer Hotline TEL: 188 ※Kapag tumawag, may maririnig na anunsyo at gagabayan kayo sa Shicho Shohi Seikatsu Sodan Madoguchi (tanggapan ng Municipal Consumption Consultation) o di kaya sa Mie Ken Shohi Seikatsu Center (Mie Prefecture Consumer Lifestyle Center). Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp