Multicultural Coexistence Understanding Event – Hand in Hand 2017

多文化共生理解イベント – Hand in Hand 2017

2017/11/20 Monday Seminar at mga events

Sa Mie Prefecture, ang mga tao na may iba’t ibang nasyonalidad, grupo ng etniko at iba pa ay kinikilala ang Iba’t-ibang pagkakaiba sa kultura at bumuo ng isang komunidad na magkakasama sa pamamagitan ng pantay na ugnayan, “paglikha ng multicultural coexistance Society. Bilang bahagi nito, magkakaroon ng isang event na Multicultural Coexistence Understanding Event Hand in Hand 2017.

Ang tema ngayong taon ay “Imagining World Travel South America”. Gamitin ang imahinasyon at maglakbay sa bansa ng South America. Mangyaring sumali, ito ay bilang isang pagkakataon upang makilala ang mga pagkakaiba sa pagitan ng kultura, mga kaugalian at halaga ng bawat isa, at palalimin ang pag-unawa sa pamamagitan ng pag-aaral tungkol sa bansa sa South America na kung saan maraming nakatira sa prefecture na galing sa mga bansang ito.

Araw at Oras: December 10, 2017 (Linggo) 1:30pm hanggang 4pm

Lugar:  Mie Kenmin Koryu Center “Mie Prefectural Exchange Center” (Tsu Shi Hadokoro Cho 700 Ast Tsu 3F)

Nilalaman 

1) Begginers Spanish Lesson

Pag-aralan mula sa mga native speakers ang mga phrases na maaaring magamit sa pag-travel.

2) Ang departure o pag-alis galing sa kunwaring world trip papuntang Bolivia and Brazil

Kunwaring magba-biyahe (simulated travel experience) sa bawat bansa kasama ng isang guide na galing sa Bolivia at Brasil. Mae-enjoy ang pag-aaral at pag-experience tungkol sa geography, pamumuhay at kultura sa pagitan ng dalawang bansa.

(May iaalok na libreng kape, mate tea at minatamis)

※ Ito ay kunwari lamang at walang aktuwal na pagbiyahe.

※ Lahat ng nilalaman ay sa wikang Hapones lamang.

Admission: Libre ※Mayroong ilang mga binebentang native crafts

Kapasidad at paraan ng pag-apply

Sa mga mauunang dadating 30 katao ※Kinakailangan ng advance registration.

Mangyaring mag-apply by e-mail, fax o telephone.

 Paalala: Walang nakatakdang parking lot kaya’t mangyaring bayaran ang sariling parking fee.

 

Makipag-ugnayan sa

Mie Shimin Katsudo Volunteer Center (Mie Citizen Activity Volunteer Center)
TEL:059-222-5995   FAX:059-222-5971  E-mail:center@mienpo.net
http://www.mienpo.net/center

Sobun Purple Light Up 2017 ~Kampanya Upang Puksain ang Karahasan Laban sa Kababaihan~

2017/11/20 Monday Seminar at mga events

総文パープル・ライトアップ2017 ~女性に対する暴力をなくす運動~

Tuwing Nobyembre 12 hanggang ika-25 ng kada taon ay ang panahon ng “Kampanya upang puksain ang karahasan laban sa kababaihan”. Isinasagawa ang “Purple · Light Up” na kinuha sa Purple Ribbon na simbolo ng pagpuksa ng karahasan laban sa kababaihan sa buong bansa, at ang Mie Prefectural General Cultural Center ay magpapatuloy sa “Purple Light up” katulad ng nakagawian noong nakaraang taon.

Kasama sa light-up na ito ang isang mensahe upang puksain ang karahasan at isang mensahe para sa biktima na “Hindi ka nag-iisa, mangyaring ipaalam saamin.” Bilang karagdagan, magkakaroon kami ng isang pang-edukasyon na eksibisyon at iba pa sa pakikipagtulungan sa bayan ng Mie sa Mie Prefecture. Mangyaring pumunta at makisali sa amin at lahat tayo ay magsama-sama!

Araw at Oras

November 11 (Sabado) hanggang 25 (Sabado) Araw-araw simula 5pm hanggang 9pm (Maliban na lang kapag araw na sarado)

Lugar

Ken Sogo Bunka Center Shukusai Hiroba (Prefectural Integrated Cultural Center Festival Plaza)

(Mie-ken Tsushi Ishindenkōzubeta 1234)

Admission fee

Libre (Hindi na kailangan mag advance register)

Sa ibang lugar sa loob ng Center, ay may naka-schedule na mga mini-events atbp., tungkol sa Purple Ribbon Movement.

Para sa mga detalye, mangyaring tignan ang sumusunod na website. (Japanese only)

https://www.center-mie.or.jp/frente/event/sponsor/detail/18925

 

Makipag-ugnayan sa:

Ken Danjo Kyodo Sankaku Center “Frente Mie” (Prefectural Gender Equality Center)

〒 514 – 0061 Mie Ken Tsu Shi Ishindenkōzubeta 1234

TEL 059 – 233 – 1130