MieMu No. 8 Art Exhibit Suzuka Hagdan sa Pangarap at Hamon

MieMu第8回企画展 SUZUKA 夢と挑戦のステージ ~ホンダのF1と鈴鹿サーキット~

2015/09/18 Friday Selection, Seminar at mga events

MieMu No. 8 Art Exhibit

Suzuka Hagdan sa Pangarap at Hamon ~Honda F1 at Suzuka Circuit~

F1 Suzuka CHAng Suzuka Circuit ang kauna-unahang international racing course sa Japan at sa kasalukuyan, ito ang natatanging venue sa Japan na pinagdarausan ng F1 Grand Prix. Simula pa noong 1964 patuloy pa ring nakikibaka sa pinakamalaking internanational car race sa mundo ang Honda Team. Sa exhibit na ito, maaaring siyasatin ng mga bisita ang ginawang paglalakbay ng Honda sa larangan ng pabilisan at maaari ding siyasatin ang anim na sasakyang naging bahagi ng kasaysayan ng kumpetisyon, kasama na ang ibang pang mga bagay na may kinalaman sa exbihit.

Hindi lang ang mga fans ng motorsports sa buong mundo ang magiging masaya, maging ang mga batang gusto ang kahit na anong bagay ng may kinalaman sa Formula 1, at maaring ding i-follow-up ang mga pamamaraan para sa makabagong paglaki at pagpapalawak ng Suzuka Circuit.

Inaaasahan naming naway maramdaman ng mga bisita kung paano magsikap para lang maaabot ang mga pangarap at kung paano harapin ang mga pagsubok na darating sa hinaharap.

Kailan: September 19, (Sabado) ~ Nobyembre 15, (Linggo) alas 9:00 ~ 19:00

(Hanggang alas 17:00 kapag weekdays)

Lugar: MieMu (Mie Prefectural Museum)

〒514-006 Mieken Tsu shi Ishinden Kouzubeta 3060    TEL:059-228-2283

Bayad:

SUZUKA EXHIBIT Set package

Admission Ticket at Main Exhibit

Regular Price 1,000(800)yen 1,200(960)yen
Estudyante 600(480)yen 720(570)yen
High School pababa Libre Libre
  • Discount na presyo ang halagang nakalagay sa ( ) para sa mga grupong may 20 katao pataas.

 

Espesyal na Art Exhibit

Bagong labas na makina ng sasakyan para sa taong 2015 「McLaren – Honda MP4 – 30 ( Espesyal na Exhibit para sa espesyal na sasakyan) .

Kailan: Septyembre 29 (Martes) ~ Oktubre 4 (Linggo) (Schedule date)

Bayad: Libre

F1 Suzuka CH 2miemu-1

miemu-2

Exhibit – “Ano ba ang pera?! “

2015/09/18 Friday Selection, Seminar at mga events

2015年9月12日(土)~10月18日(日)に松阪市で「お金ってなんだ?!展 ~子どもの金融教育を考える~」が開催されます

Isipin natin kung paano turuan ang ating anak tungkol sa pera

mie kodomo no shiro okane

Sa project exhibit na ito masayang makapag-aaral ang magulang at anak tungkol sap era sa pamamagitan ng paggawa ng alkansya at mga tanong o quiz tungkol sap era.

Pagkakataon na ito para pag-isipan kung ano ang halaga ng pera sa atin. Maaari ding ipagpalit ang mga hindi na ginagamit na laruan o picture book kasabay ng pagkakaroon ng workshop tungkol sa tamang paghahawak ng pera. (Sabada, Linggo at Piyesta Opisyal lamang)

Petsa: Septyembre 12 (Sabado) ~ Oktubre 18 (Linggo)

Mula 9:30~17:00 (Huling oras ng pagtanggap 16:00)

Bayad: Libre

Para kanino: kindergarten at elementary

Lugar: Mie Kodomo No Shiro 1F Event Hall

〒515-0054 Mieken Matsusakashi Tachino cho 1291 sa loob ng Chubu Dai Park

 

Pangunahing Aktibidad:

・Madaling paggawa ng alkansya

・Panel Exhibit tungkol sa 「Pera」

・Pag-aaral tungkol sa Web contents 「Shohisha Tantei Minami」

・Souvenir picture「Panel ng 10,000 yen na perang papel na walang mukha」

・Subukang buhatin kung gaano kabigat ang isang bilyong yen na pera

・Event activities na puwedeng subukan (Sabado, Linggo at Piyesto Opisyal lamang)

Maaring ipagpalit ang mga hindi na ginagamit na laruan at libro para makaipon ng puntos, o kaya naman, kung magtatrabaho (kahera o tagalinis) makakaipon din ng puntos at maaari itong gamitin para makasali sa mga handicraft trial o maaari din itong gamitin ang naipong puntos bilang pambili ng laruan na dala-dala ng ibang bata. Sa ganitong paraan masusubukan ng mga bata kung paano ginagamit ang pera.

Homepage:http://www.mie-cc.or.jp/map/events/2015/09/02/4631