Event Informatin tungkol sa 2015 Suzuka F1 Japan Grand Prix Race

2015/09/21 Monday Seminar at mga events

Event Informatin tungkol sa 2015 Suzuka F1 Japan Grand Prix Race

 

Ang F1 Japan Grand Prix na gaganapin sa Suzuka Circuit ay isasagawa mula Septyembre 25 (Biyernes) hanggang Septyembre 27 (Linggo).

 

At para maging isang magandang ala-ala ang pagdalaw ng mga turistang magtutungo sa Suzuka, ang「Suzuka F1 Japan Grand Prix Local Development Council」ay magsasagawa ng ibat-ibang masasayang event para masiyahan ang mga bisita.

Night Festival bilang pagdiriwang ng mga local na mamamayan ng Suzuka Japan Grand Prix Local Night Festival

Sa gabing ito, may Talk show ang athlete na si Satou Takuma at magkakaroon din pagsasayaw at ibang pang stage event. Masisilip sa malapitan ang Trial Show at matitikman ang mga local na pagkain ng lugar. Isa ito sa mga masasayang event para ma-enjoy ng mga bata gayundin ng mga matatanda.

Petsa: Septyembre 25, Sabado mula alas 16:00 ng hapon hanggang 20:00 (maaring magbago dahil sa ulan)

Lugar: Aeon Mall Suzuka Dai 3 Parking space.

(Mieken Suzuka shi Shonoha Yama 4-1-2

※ Ang mga booth para sa pagkain at inumin ay magsisimula ng alas 12:00

 

F1 Movie Festival

Ang pelikulang『RUSH』na ipinalabas noong 2014 ang itatanghal sa sinehan ngayong taon. Sa halagang 500 yen, makakabili ng popcorn na may kasamang postcard. Makakamura ka talaga.

 

Petsa: Septyembre 24 (Huwebes) ~ 27 (Linggo) Sa mga araw na ito ay hanggang alas 19:00 ng gabi.

Lugar: Aeon Cinema Suzuka (Mieken Suzuka shi Shono hayama 4-1-2 sa loob ng Aeon Mall)

Bayad: 500 yen

Pagpapabendisyon ng orihinal na Ema

Nagbebenta ng orihinal 「Ema」at pinapabendisyunan sa pari. Gusto mo bang ipabendisyon ang paborito mong driver para manalo bago ka pumunta sa Suzuka Circuit?

 

Petsa: Septyembre 25 (Biyernes) ~27 (Linggo)

Lugar: Katsuhayahi Jinja (Shiroko Honmachi, Kintetsu Shiroko Station East exit, 1 min by foot)

Mieken5 lungsod at 1 munisipalidad PR booth para sa Turismo at mga produkto

Sa paligid ng Suzuka Circuit, ang mga local na mamamayan ng 5 lungsod at 1 munisipalidad ng Mieken maghahatid ng magandang impormasyon tungkol sa turismo at produkto para sa mga taong manonood ng race.

 

Petsa: Septyembre 25 (Biyernes) ~ 27 (Linggo)

Lugar: Sa loob ng Suzuka Circuit Amusement Park

 

Atsuta Mamoru Photo Exhibit

Itatanghal din ang photo exhibit ng mga larawang kuha mula sa F1 race na kinunan ng photographer na taga Suzuka na si Atsuta Mamoru

Petsa: Septyembre 19 (Sabado) ~ 27 (Linggo) 10:00 to 22:00 (Sa huling araw hanggang 20:00 ang sarado)

Lugar: Aeon Mall Suzuka Shopping Street 1F North Court

(Mieken Suzuka shi Shonohayama 4-1-2)

 

※Planado ang mga events subalit maaarin makansela o mabago ang schedule kaya ‘t hinihiling ang inyong pang-unawa.

※Ang mga detalye nito ay maaring alamin sa opisyal na homepage ng Suzuka F1 Committee (http://suzuka21.com/

※Sa pagdaraos ng event na ito, maaring magkaroon ng traffic ang mga kalsada. Hinihiling ang inyong pang-unawa sa abalang mangyayari. Maaari ding ninyong alamin sa homepage na ito(http://suzuka21.com/access/)ang tungkol sa access road sa araw ng F1 race.

F1 2015 Flyer 1

F1 2015 Flyer 2

 

MieMu No. 8 Art Exhibit Suzuka Hagdan sa Pangarap at Hamon

2015/09/21 Monday Seminar at mga events

MieMu第8回企画展 SUZUKA 夢と挑戦のステージ ~ホンダのF1と鈴鹿サーキット~

MieMu No. 8 Art Exhibit

Suzuka Hagdan sa Pangarap at Hamon ~Honda F1 at Suzuka Circuit~

F1 Suzuka CHAng Suzuka Circuit ang kauna-unahang international racing course sa Japan at sa kasalukuyan, ito ang natatanging venue sa Japan na pinagdarausan ng F1 Grand Prix. Simula pa noong 1964 patuloy pa ring nakikibaka sa pinakamalaking internanational car race sa mundo ang Honda Team. Sa exhibit na ito, maaaring siyasatin ng mga bisita ang ginawang paglalakbay ng Honda sa larangan ng pabilisan at maaari ding siyasatin ang anim na sasakyang naging bahagi ng kasaysayan ng kumpetisyon, kasama na ang ibang pang mga bagay na may kinalaman sa exbihit.

Hindi lang ang mga fans ng motorsports sa buong mundo ang magiging masaya, maging ang mga batang gusto ang kahit na anong bagay ng may kinalaman sa Formula 1, at maaring ding i-follow-up ang mga pamamaraan para sa makabagong paglaki at pagpapalawak ng Suzuka Circuit.

Inaaasahan naming naway maramdaman ng mga bisita kung paano magsikap para lang maaabot ang mga pangarap at kung paano harapin ang mga pagsubok na darating sa hinaharap.

Kailan: September 19, (Sabado) ~ Nobyembre 15, (Linggo) alas 9:00 ~ 19:00

(Hanggang alas 17:00 kapag weekdays)

Lugar: MieMu (Mie Prefectural Museum)

〒514-006 Mieken Tsu shi Ishinden Kouzubeta 3060    TEL:059-228-2283

Bayad:

SUZUKA EXHIBIT Set package

Admission Ticket at Main Exhibit

Regular Price 1,000(800)yen 1,200(960)yen
Estudyante 600(480)yen 720(570)yen
High School pababa Libre Libre
  • Discount na presyo ang halagang nakalagay sa ( ) para sa mga grupong may 20 katao pataas.

 

Espesyal na Art Exhibit

Bagong labas na makina ng sasakyan para sa taong 2015 「McLaren – Honda MP4 – 30 ( Espesyal na Exhibit para sa espesyal na sasakyan) .

Kailan: Septyembre 29 (Martes) ~ Oktubre 4 (Linggo) (Schedule date)

Bayad: Libre

F1 Suzuka CH 2miemu-1

miemu-2