Bukas na recruitment para sa member ng Mie Prefecture Foreign Residents meeting 三重県外国人住民会議の委員公募について Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2016/07/13 Wednesday Anunsyo, Selection, Seminar at mga events Ang mga dayuhang residente ay kinikilala bilang isang miyembro ng lokal na residente, Kasama ang paggawa ng pundasyon upang matugunan ang resposibilidad, itatatag mula ngayong taon ang 「Mie Ken Gaikokujin Jumin Kaigi o Mie Ken Foreign Residents Meeting」. Ito ay repleksyon ng mga pasisikap ng rehiyon na may layunin na marinig ng mga eksperto, advicers atbp ang mga opinyon ng mga residenteng banyaga. Kinakailangang Kwalipikasyon ※Ang mga dayuhan residente na kwalipikado sa lahat ng mga sumusunod. Gayunpaman, hindi pwedeng sumali ang mga civil servants ng lawmakers at full time nationals at lokal na pamahalaan.。 (1) Ang address ay nasa loob ng Mie Ken (2) Kapag nakatira ng Mie Ken ng mahigit 1 taon pataas. (3) May sapat na abilidad sa wikang hapon na may kakayahang maisagawa ang conference. (Dahil ang meeting ay isasagawa sa wikang Haon) ※Kasali ang mga tao ang kanilang mga pamila na may kultural na background na nabigyan ng Japanese Nationality sa pamamagitan ng Naturalization. Miyembro ng pagtitipon Sa lahat ng mga dadalo sa meeting, ang nilalaman ng paguusapan ay ang mga sumusunod: ・Ang Foreign Residents Meeting ay gaganapin ng 2 beses sa isang taon sa Tsu City (Ang nakatakdang araw ay Sabado, maari din na sa Linggo) (1) May kinalaman sa panukala para sa mapayapang pamumuhay na multi-cultural sa Mie Ken. (2) Tungkol sa usaping Multi-cultural na lipunan. (3) Tungkol sa pagpromote ng partisipasyon ng mga dayuhang residente sa regional na development. Paraan ng aplikasyon Bukod da pagfill-up ng registration form, ibigay sa tamang destinasyon ng aplikasyon o ipadala sa koreo o e-mail. (kapag ibibigay ng personal mangyaring iabot sa tamang destinasyon. Ang oras ng tanggapan ay Lunes hanggang Biyernes mula alas 9 ng umaga hanggan alas-5 ng hapon Sa karagdagan, ang mga gastos na may kaugnayan sa mga aplikante ay magiging self-pay. ※ Para sa karagdagang mga detalye at entry form mangyaring tignan ang mga sumusunod na homepage: http://www.pref.mie.lg.jp/TOPICS/m0012100009.htm Recruitment period Mula Hulyo 1, 2016(Biyernes) Hanggan Julyo 29, 2016. Kailangan dumating bago mag alas-5 ng hapon Mga katanungan at destinasyon ng aplikasyon 〒514-0009 Mie-ken, Tsu-shi, Hadokoro-cho 700, UST-Tsu 3F Mie-ken Kankyō Seikatsu-bu Tabunka Kyōsei-ka Tabunka Kyōsei-han (Mie-ken Environment Life Section Multicultural Division Multicultural Team) TEL: 059-222-5974 FAX: 059-222-5984 E-mail: tabunka@pref.mie.jp Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Pagpa-plano ng edukasyon: Ang pagplano ng kinabukasan ng mga bata Gaganapin ang ika-12 na MieMu Exhibition » ↑↑ Next Information ↑↑ Pagpa-plano ng edukasyon: Ang pagplano ng kinabukasan ng mga bata 2016/07/13 Wednesday Anunsyo, Selection, Seminar at mga events 大学卒業までいくらかかりそう?日本で子どもの将来の計画の立て方を覚えましょう。 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Ang pinakamasayang kaganapan sa buhay ng mag-asawa ay ang kapanganakan ng kanilang anak at nakakapag-pasaya ito sa buong pamilya. Ang bata sa sinapupunan ay lalaki at magiging isang myembro ng lipunan. Mayroong information video nung nakaraan na tungkol sa Pagbubuntis・Panganganak at Pagbabakuna ng mga bata. Ang tema sa taong ito ay Pagpa-plano ng edukasyon ng mga bata. Ang website din na ito ay magbibigay ng impormasyon tungkol sa edukasyon. 1. Sistema ng Edukasyon sa Japan Ang basiko ng sistema ng edukasyon ng Japan ay, 6 Years Elementary schoool, 3 Years Junior High School, 3 Years Senior High School (Mataas na paaralan) 4 Years University (Junior College 2 Years). Ang compulsory education ay Elementary School at Junior High School, lahat ng bata ay dapat makapag-enroll at makapagtapos. Ang mga batang may foreign nationality na may edad na 6 hanggan 15 taong gulang na nakatira sa Japan, anuman ang nasyonalidad ay pwedeng makapag-enroll o mag transfer sa lokal na Elementarya at Junior High School. 2. Gastos sa Edukasyon (Base sa taong 2010 na survey ng Ministry of Education, Culture, Sports, Science and Technology) Gastos ng edukasyon Pampubliko Pampribado Kindergarten 660,000 Yen 1,610,000 Yen Elementary School 1,820,000 Yen 8,810,000 Yen Junior High School 1,380,000 Yen 3,840,000 Yen Senior High School 1,180,000 Yen 2,760,000 Yen University 2,630,000 Yen 5,270,000 Yen Total 7,670,000 Yen 22,290,000 Yen Mapapansin na ang halaga ng gastos mula kindergarten hanggan maka-graduate ay nagiging mas mahal. Kaya sa mga oras na yan ay nararapat ang paghahanda ng planong pangpinansyal. Bukod pa sa gastos sa edukasyon ng (mga bata) hanggang sa mag graduate ng kolehiyo, mayroon din bayarin sa dormitory, gastusin sa pangaraw-araw (enrollment fee, PTA membership fee, teaching materials costs, school excursion atbp.) at depende sa pamilya, mayron din mga extra na kailangan katulad ng damit, mobile phones, game devices atbp. 3. Pagpa-plano ng Propesyon Sa Japan, Ang compulsary education ay hanggang sa Junior high school, higit sa 98% ang tao na nakakapasok ng senior highschool, at bukod dito mahigit 70% ng tao naman ang pumapasok bago sa Junior High school (Universities, Junior colleges, Vocational schools, Technical colleges, atbp). (Galing sa 2015 Suvey ng Ministry of Education, Culture, Sports, Science and Technology) Mayroon ipinakikilalang mga iba’t ibang paaralan, mangyaring i-check sa link sa ibaba. URL:http://mieinfo.com/ja/video-jp/kyouiku-video/chugakkou-koukou-shoutsugyougonoshinro/index.html Kahit anong klase ng edukasyon ang mabibigay sa bata, ang kinabukasan ng bata, at ano man ang ninanais na makuhang propesyon sa anuman larangan, dito sa Japan, upang makakuha ng trabaho ay madalas kinakailangan ang kwalipikasyon. Kaya’t doon sa credentials, maraming bagay na kailangan mapunan na hindi makukuha sa pag graduate lamang ng highschool, kaya’t sa Japan, may mga aspeto ng enrollment rates sa mga institusyon ng higher education. Sa mga sumusunod na link, may mga gabay sa carreer para sa mga batang foreigner na multi languages. URL: http://www.pref.mie.lg.jp/TABUNKA/HP/49135032696.htm Hindi makakapag plano ng edukasyon kapag walang pagpa-plano ng Career ang bata, Kailangang mapag usapan ng mabuti ng pamilya kung anong klase at larangan ng propesyon ang gusto ng anak. Importante na malaman in advance kung ano ang gustong pag aralan at propesyon. 3. Scholarship・Consultation Counter Napaka-hirap maghanda para sa mga gastos sa edukasyon ng anak, mayroong mga Educational Loans at Scholarships (loan type). Para sa iba pang mga impormasyon, kumunsulta sa Board of Education ng lokal na eskwelahan kung saan nakatira. Kapag papapasukin sa Japanese schools ang anak, at mahihirapan sa pinansyal at di makakapag patuloy dahil sa ekonomiya, mayroong mga sistema sa tulong sa pagenroll at scholarship. Tignan ang sumusunod na link para sa ibang impormasyon at konsultasyon tungkol sa scholarship URL: http://mieinfo.com/ja/video-jp/kyouiku-video/shougakkukin-soudanmadoguchi/index.html ※Ito ay ginawa 2 taon na ang nakakaraan kaya’t maaring may mga pagbabago sa nilalaman katulad ng destinansyon ng link, pangalan ng mga in-charge atbp. At sa panghuli Ang layunin ng edukasyon ay para maging posible na mapalaki ang bata na maging isang mabuting miyembro ng lipunan. Upang maging isang miyembro ng lipunan, ang pagkakaroon ng trabaho ang pinaka-importanteng hakbang. Ang mga bata ay maaring makapili ng ibat-ibang propesyon. May mga kuwalipikasyon na kinakailangan para makakuha ng trabaho at para makuha ito kailangan ng edukasyon. Dapat maibahagi sa pamilya ang pangarap ng anak, ito ay mahalaga upang maunawaan ang pagpaplano ng isang pamilya. Ito rin ay kinakailangan upang isagawa ang paghahanda ng mga pondo base sa batayan ng plano. Ang pangarap ng anak ay maaring magbago, Ang pangarap na trabaho noong bata pa ay parang panaginip, pero kapag lumaki na, ito ay magiging isang malaking partikular na layunin kaya’t makipag usap ang pamilya ng madaming beses sa anak kung ano ang mga pangarap. Kapag may mga tanong o inaalala tungkol sa edukasyon ng anak, pumunta sa Foreign Consultation ng Board of Education sa lokal na opisina kung saan nakatira, Ang Board of Education ay lugar kung saan nagbibigay ng serbisyo katulad ng konsultasyong pang edukasyon gamit ang telepono, Kumunsulta sa Foreign Help desk ng probinsya. [Source] Counsel of Autonomous Bodies for Internationalization http://www.clair.or.jp/tagengo/index.html Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp