• Português (Portuguese, Brazil)
  • Español (Spanish)
  • Filipino
  • 中文 (Chinese)
  • English
  • 日本語 (Japanese)
Impormasyong Pang-pamahalaan sa ibat-ibang wika
  • Home
  • Nilalaman
    • Anunsyo
    • Edukasyon
    • Kaligtasan
    • Kalusugan
    • Karera
    • Kultura at Libangan
    • Paninirahan
  • Seminar at mga events
  • Video (Fl)
    • Alamin ang Mie
    • Araw-araw na Pamumuhay at Batas
    • Edukasyon
    • Impormasyon
    • Kalusugan
    • Kultura at Libangan
    • Kurso tungkol sa kalamidad
    • Tanggapan ng Impormasyon
  • Alamin ang Mie
    • Alamin ang Mie
  • Tungkol sa kalamidad

(2019) Fireworks Festivals sa Mie

2019/07/09 Tuesday Mie Info Kultura at Libangan, Seminar at mga events
2019年 三重の花火大会


PortuguêsEspañolFilipino中文English日本語


Kapag sinabing kaganapan tuwing tag-init, ito ay ang Fireworks display. Ginaganap ang Fireworks Festival sa buong Mie Prefecture simula Hulyo hanggang Augusto. Halina’t i-enjoy ang fireworks event sa iba’t-ibang area.

Narito ang mga impormasyon ng mga fireworks display ng ilang mga lugar sa magkakasunod-sunod na schedule. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring sumangguni sa Mie Prefectural Tourism Federation website: https://www.kankomie.or.jp/season/detail_56.html

*Contact in Japanese only.

 

Dai 67-kai Ise Jingu Hounou Zenkoku Hanabi Taikai

Petsa: July 13, 2019 (Sabado) 7:15 p.m. hanggang 9:00 p.m.

Lugar: Riverbank ng Miyagawa (malapit sa Watarai Bridge)

Detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_5091.html

Isa ito sa “Tatlong Malalaking Firework Competitions sa Japan”. Ito ay isang fireworks competition para ipaabot sa itaas ang pagdiriwang ng pang araw-araw na pamumuhay sa night sky ng Ise, ang lungsod ng mga diyos, at para na rin sa mga masters ng hanabi na pinili sa ilang mga rehiyon, ay nabuo itong fireworks festival.

*Kapag ang event ay hindi matutuloy dahil sa pag-ulan, bagyo, baha, atbp., ire-reschedule ito sa September 14 (Sabado) at September 15 (Linggo). Tignan ang iba pang impormasyon tungkol sa event sa official website:  http://www.city.ise.mie.jp/hanabi/

Ooyodogion Matsuri to Hanabi Taikai

Petsa: July 20, 2019 (Sabado) 10:00 a.m. hanggang 10:00 p.m. (ang fireworks ay magsisimula ng 7:00 p.m. hanggang 10:00 p.m.)

Lugar: Malapit sa fishing port ng Oyodo sa Taki-gun Meiwa-cho

Detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_38128.html

Ito ay isang tradisyunal na pagdiriwang na tumagal ng higit sa 260 taon at laging masikip dahil sa maraming mga bisita bawat taon.  Sa araw ng pagdiriwang, ang isang nakamamanghang pagdiriwang ng fireworks ay gaganapin sa gabi, na mas nakaka-gana ng mood ng festival.

*Ito ay maaaaring ma-postponed kapag masama ang panahon.

Contact information: 0596-52-0055 (Meiwa-machi Kanko Kyokai)

Numero upang ma-confirm ang araw ng event: 0596-55-4077 (Narihara Kaikan)

Dai 64-kai Toba Minato Matsuri

Petsa: July 26, 2019 (Biyernes) 6:00 p.m. hanggang 9:00 p.m. (ang fireworks ay magsisimula ng 8:00 p.m. hanggang 9:00 p.m.)

Lugar: Near Toba Marine Terminal

Detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_5135.html

Isang fireworks festival na may view ng dagat at ang kalangitan ng Toba Bay.  Tangkilikin ang kamangha-manghang tanawin na dulot ng mga ilaw ng mga fireworks at mga cruise ship na makikita sa mga tubig sa dagat.  Magkakaroon din ng mga stalls para sa pagkain at inumin, atbp., Na magbubukas ng hapon.

* Ito ay maaaaring ma-postponed kapag masama ang panahon.

Official URL : http://r.goope.jp/tobaminatofes

Contact information: 0599-25-1373 (Toba Minato Matsuri Executive Committee)

 

 Dai 68-kai Tsu Hanabi Taikai 2019

Petsa: July 27, 2019 (Sabado) 7:45 p.m. hanggang 9:00 p.m.

Lugar: Coast ng Akogiura sa Tsu

Detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_5011.html

Ang star fireworks na pinapa-putok galing sa malapit na barko ang isa sa mga sikat na attractions! Ang pag-upo sa beach sand at paglanghap ng amoy ng dagat habang nanonood ng fireworks display ay ang isa sa mga sikat na tradisyon sa tag-init sa siyudad ng Tsu, at napamahal sa mga residente at sa mga tao ng kalapit na siyudad.

* Kapag masama ang panahon, ire-reschedule ito sa July 28 (Linggo) or July 29 (Lunes)

* Contact Information: 059-229-3234 (Office of the Executive Committee of Tsu Taikai)

Numero upang ma-confirm ang araw ng event: 0180-99-3838

 Kuwana Suigou Hanabi Taikai

Petsa: July 27, 2019 (Sabado) 7:30 p.m. hanggang 9:00 p.m.

Lugar: Shores ng Ibigawa

Detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_40455.html

Simula sa pagpapa-putok ng libo-libong star-shaped fireworks, ang “suichu hanabi” at “niagara” ay nagdi-display ng kanilang kagandahan sa kalangitan. Tuwing event, ang laki at lakas ng pagsabog ng “nishaku hanabi”, isa sa pinaka-malaki sa Tokai region, ay nagpapakita ng kagandahan nito na mistulang parang shower o pinapaulanan nito ang mga tao.

* Sa kaso ng pagkansela dahil sa masamang panahon, ang event ay muling ire-reschedule sa ika-28 (Linggo).

Numero upang ma-confirm ang araw ng event: 0180-995-987

* May posibilidad na hindi magagamit ang IP phones sa numero na nakasaad sa itaas.

Nabarigawa Noryo Hanabi Taikai

Petsa: July 27, 2019 (Sabado.) 7:50 p.m. hanggang 9:00 p.m.

Location: Shores ng Nabarigawa Shinmachi at Kurokawa district

Details: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_35260.html

Mga nasa 5,000 fireworks ang ipapaputok para as pagdiriwang ng Nabari city. Halina’t magkaroon ng napakasayang summer memories at mag-enjoy sa fireworks na kumukulay sa night sky!

* Sa kaso ng pagkansela dahil sa masamang panahon, ang event ay muling ire-reschedule sa ika-28th (Sunday).

Contact information: 0595-63-9148 (Nabari Tourism Association)

Official URL: http://www.kankou-nabari.jp/

Hisai Hanabi Matsuri

Petsa: August 3, 2019 (Sabado) 6:00 p.m. hanggang 9:00 p.m. (ang fireworks ay magsisimula ng 8:00 p.m. hanggang 9:00 p.m.)

Lugar: Hisai garrison ng Self-Defense Land Forces sa siyudad ng Tsu

Detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_5022.html

Ang lokasyon ng event ay malapit kung saan ilulunsad ang mga paputok, na ilalabas sa kalangitan ng event na kasama ang pagtatanghal ng musika.  Huwag kaligtaan ang grand finale!!

* Sa kaso ng masamang lagay ng panahon, ang event ay i-rescheduled ng Agosto 4 (Linggo).

Contact information: 059-255-8851 (Hisai Hanabi Taikai Executive Committee)

Official URL: http://hisai-hanabi.com

Numero upang ma-confirm ang araw ng event: 0180-99-3354

Dai 25-kai Ureshino Ookin Matsuri

Petsa: August 3, 2019 (Sabado) 5:00 p.m. hanggang 9:10 p.m. (ang fireworks ay magsisimula ng 9:00 p.m. at tatagal lamang ng 5 minutes)

 Lugar: Parking sa harap ng Ureshino Ground

 Detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_5019.html

Ang Ookin Matsuri ay gaganapin sa Mie-ken Matsusaka-shi Ureshino-cho na may temang “Salamat, Ookin”, kung saan ang mga pamilya ay maaaring magsaya sa mikoshi, bon odori, maliit na zoo, atbp. Ang mga paputok ay ilulunsad sa dulo ng  ang event.

* Contact information: 0598-48-3804 (Ureshino Ookin Matsuri Executive Committee)

Kumano Oohanabi Taikai 2019

Petsa: August 17, 2019 (Biyernes) 7:10 p.m. hanggang 9:30 p.m.

Lugar: Shichirimi Plage

Detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_5207.html

Ito ang pinakamalaking tradisyon tuwing tag-init sa kalye sa Kumano, kung saan 10.000 na mga paputok ang inilulunsad, na ang Onigajo ng Yoshino-Kumano National Park bilang isang background at ang kagandahan ng open sea.

* Tingnan ang impormasyon tungkol sa kondisyon ng event, paradahan at bayad na VIP na puwesto sa sumusunod na link

* Ang huling desisyon kung ang event ay gaganapin o ipagpapaliban ay ipapahayag sa opisyal na homepage o kumpirmahin sa telepono mula 6 am sa araw ng kaganapan

Official URL: http://www.kumano-kankou.info/kumano-fireworks/

Inquiries: 0597-89-0100 (Kumano Tourism Association)

Kameyama-shi Sekijuku Noryo Hanabi Taikai

Petsa: August 17, 2019 (Sabado) 7:30 p.m. hanggang 9:00 p.m.

Lugar: Shores ng Suzukagawa (West Seki Fire Department)

Detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_9523.html

Huwag kaligtaan ang paglulunsad ng 2,000 na mga paputok at ang napakaraming uri nito!  Ang panonood sa mga paputok at ang tanawin ng ilog at ang mga bundok ay dapat niyong makita!  Magkakaroon din ng maraming ship stalls sa lugar ng event!

* kapag sumama ang panahon, ito ay ire-reschedule sa 18 (Linggo), 24 (Sabado) o 25 (Linggo) ng Agosto.

Contact information: 0595-97-8877 (Kameyama City Tourism Association)

*Official URL: http://kameyama-yeg.jp/hanabi/

Dai 32-kai Yokkaichi Hanabi Taikai

Petsa: August 25, 2019 (Linggo) 7:15 p.m. hanggang 8:30 p.m.

Lugar: Yokkaichi-shi Fuso Ryokuchi Park

Detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_14747.html

Gamit ang pang-industriya na zone ng lungsod bilang isang background sa tanawin ng gabi at paglunsad ng mga paputok sa 3 barges.  Ang paglulunsad ng mga paputok na may mga musikal na tema ay napakaganda din!

* Walang parking.  Gumamit ng pampublikong transportasyon (train, bus, atbp.).

15 min na lakad mula sa JR Tomida Station / 25 min walk mula sa Tomida Station mula sa Kintetsu

* Sa kaso ng pagkansela dahil sa masamang panahon, ito ay ire-reschedule sa Setyembre 1 (Linggo).

Contact information: 059-354-8405 (Executive Committee of Yokkaichi Hanabi Taikai)

Numero upang ma-confirm ang araw ng event: 0180-991-354

Suzuka Genki Hanabi Taikai 2019

Petsa: September 14, 2019 (Sabado) 2:00 p.m. hanggang 9:00 p.m. (ang fireworks ay magsisimula ng 7:30 p.m.)

Lugar: Beach and Shiroko Shinko Ryokuchi Park

 Detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_38813.html

Simula sa tuluy-tuloy na paglabas ng mga hanabi “isshakudama” (spherical type 30cm ang lapad), mahigit sa 4,000 na mga paputok ay kukulay sa kalangitan.  Sa dulo ay isang show, na kung saan ang mga paputok ay ilulunsad sa ilalim ng tubig.

* Walang parking.  Gumamit ng pampublikong transportasyon (train, bus, atbp.).

10 min walk mula sa JR Shiroko Station / 15 min walk mula sa Kintetsu Tsuzumigaura Station

Contact information: 090-7306-5300 (Suzuka Hanabi Executive Committee)


  • tweet
Bakante para sa Metal Molding Course sa Tsu Technical School - Unang termino ng 2019 (July/2019) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura

Related Articles
  • 2019年度三重県職員の業務説明会を開催します
    2019 Business Explanatory Meeting ng Mie Prefecture Officials

    2019/11/18 Monday

  • 多文化共生理解イベント Hand in Hand 2019
    Hand in Hand 2019 – Multicultural Awareness Event (*Ang aplikasyon na ito ay sarado na dahil naabot na namin ang kapasidad ng aplikante)

    2019/11/13 Wednesday

  • 花粉症について
    Ano ang Kafunsho?

    2019/11/11 Monday

  • 令和2年度(2020年)三重県立高等学校外国人生徒等の特別枠入学者選抜について
    2020 Special Screening sa High School Admissions ng Mie Prefectural High School para sa mga Non-Japanese Students

    2019/11/11 Monday

More in this Category
  • 2019年度三重県職員の業務説明会を開催します
    2019 Business Explanatory Meeting ng Mie Prefecture Officials

    2019/11/18 Monday

  • 多文化共生理解イベント Hand in Hand 2019
    Hand in Hand 2019 – Multicultural Awareness Event (*Ang aplikasyon na ito ay sarado na dahil naabot na namin ang kapasidad ng aplikante)

    2019/11/13 Wednesday

  • 11月・12月は県税の「差押強化月間」です
    Ang Nobyembre at Disyembre ay ang Prefectural Tax “Seizure Strengthening Month”

    2019/10/31 Thursday

  • インスタグラム #visitmieキャンペーン ~色とりどりの三重県の魅力を発信して賞品をゲットしよう~
    Instagram #visitmie Campaign – Mag-post ng mga attractions ng Mie Prefecture at manalo ng prizes!

    2019/10/23 Wednesday


Seminar at mga events

  • 2019 Business Explanatory Meeting ng Mie Prefecture Officials
    2019 Business Explanatory Meeting ng Mie Prefecture Officials

    2019/11/18 Monday

  • Hand in Hand 2019 – Multicultural Awareness Event (*Ang aplikasyon na ito ay sarado na dahil naabot na namin ang kapasidad ng aplikante)
    Hand in Hand 2019 – Multicultural Awareness Event (*Ang aplikasyon na ito ay sarado na dahil naabot na namin ang kapasidad ng aplikante)

    2019/11/13 Wednesday

  • 2019 Second semester ng “Japanese para sa trabaho” (Libreng Japanese language course)
    2019 Second semester ng “Japanese para sa trabaho” (Libreng Japanese language course)

    2019/08/05 Monday

  • (2019) Pagsasanay language support sa oras ng mga sakuna
    (2019) Pagsasanay language support sa oras ng mga sakuna

    2019/08/01 Thursday

Alamin ang Mie

  • Halina’t kilalanin ang Mie ~ Ang orihinal na tanawin sa Japan, ang magandang tanawin ng Ise Shima ~
    Halina’t kilalanin ang Mie ~ Ang orihinal na tanawin sa Japan, ang magandang tanawin ng Ise Shima ~

    2018/02/14 Wednesday

  • Tayo na’t kilalanin ang Mie: Nabana no Sato
    Tayo na’t kilalanin ang Mie: Nabana no Sato

    2017/02/07 Tuesday

  • Alamin ang Mie: Matsusaka City
    Alamin ang Mie: Matsusaka City

    2019/06/18 Tuesday

  • Alamin Natin ang Kagandahang Taglay ng Mie
    Alamin Natin ang Kagandahang Taglay ng Mie

    2015/04/21 Tuesday

Nilalaman

  • 2019 Business Explanatory Meeting ng Mie Prefecture Officials
    2019 Business Explanatory Meeting ng Mie Prefecture Officials

    2019/11/18 Monday

  • 2020 Special Screening sa High School Admissions ng Mie Prefectural High School para sa mga Non-Japanese Students
    2020 Special Screening sa High School Admissions ng Mie Prefectural High School para sa mga Non-Japanese Students

    2019/11/11 Monday

  • Mag-ingat kapag bibili ng mga parallel imports at personal imports
    Mag-ingat kapag bibili ng mga parallel imports at personal imports

    2019/11/06 Wednesday

  • Ang Nobyembre at Disyembre ay ang Prefectural Tax “Seizure Strengthening Month”
    Ang Nobyembre at Disyembre ay ang Prefectural Tax “Seizure Strengthening Month”

    2019/10/31 Thursday

Copyright - Mie Info Impormasyong Pang-pamahalaan sa ibat-ibang wika
  • Tungkol sa Mie Info
  • Makipag-ugnayan sa amin
  • Patakaran ng Website