Bakante para sa Metal Molding Course sa Tsu Technical School – Unang termino ng 2019 三重県立津高等技術学校 金属成形科 2019年度 後期入校生の募集 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2019/07/15 Monday Edukasyon, Karera ※Ang impormasyon sa recruitment sa ibang wika (Japanese, Portuguese, Spanish, English) ay makikita sa ilalim ng pahina. Target na lugar ng trabaho ・ Mga nilalaman ng trabaho Iron structure = welding, machining at thin metal sheets processing Metal pieces production= welding at press working Certification: JIS welding certification (SA-2F basic grade) Certification of skill training course of gas welding na naka-register sa <Mie Labor Bureau Director Registration Teacher Institution (Mie Labor Bureau No. 17-4)> Certification of safety and health special education sa Arc Welding Safety and health special education certificate completion (free grinding, replacement atbp.) (Optional) Slinging skill training course certificate <Registration training institution of Mie Labor Bureau (Mie Labor Bureau No. 20-2)> Bilang ng maaaring sumali: 10 Training period Oktubre 4, 2019 (Biyernes) – Marso 6, 2020 (Huwebes) – 6 na buwan (Maliban sa Sabado, Linggo, mga pampublikong bakasyon at mga araw kung saan hindi isinasagawa ang inirerekomendang pagsasanay) Oras ng Pagsasanay: 8:30 ~ 15:40 Halaga LIBRE ang tuition Sa panahon ng entrance procedure, work expenditure, protective equipment, disaster insurance etc. ito ay nagkakahalaga ng 20,000 yen Sa mga kukuha ng JIS welding license, ang exam fee ay nasa 10,000 yen Sino ang maaaring sumali Yung mga taong motivated upang makakuha ng mga kasanayan at makahanap ng trabaho sa metal forming department at naaangkop sa mga sumusunod: 1 – Isang foreign national na may status of residence na walang restrictions sa pagtatrabaho. ※ Subalit, dapat mayroong daily conversation level sa wikang Japanese at nakakapagsulat at nakakapagbasa ng Hiragana 2 – Para sa mga taong walang work experience o kulang sa experience Vocational training entrance screening Ang mga nais sumali sa pagsasanay ay dapat lumahok sa entrance examination.. Entrance Selection Date Unang screening: Setyembre 6, 2020 (Biyernes) Pangalawang screening: Setyembre 12, 2020 (Huwebes) Pangatlong screening: Setyembre 24, 2019 (Martes) (Mangyaring tandaan na ang pangalawa at pangatlong screening ay hindi maipatutupad kung ang bilang ng mga kalahok ay umabot na sa kapasidad.) Para sa mga nais na makilahok sa entrance exam, mangyaring sumangguni sa Public Employment Security Office (Hello Work). Bilang karagdagan, mangyaring makipag-ugnay sa paaralan bago mag alas-5 ng hapon isang araw bago ang araw ng screening. Ang entrance examination content ay qualification test, hiragana test, individual interview. Mangyaring pumunta sa Tsu technical school ng 9:00 am ng petsa ng opening. Sa araw ng pagsusulit ay siguraduhin na dalhin ang: Pansulat (black ballpoint pen, pencil, eraser) Personal Seal (Hindi tatanggapin ang Shachihata) Residence card (para lamang sa foreign nationals) Hello Work Card and isa sa mga sumusunod: (1) KOYO HOKEN JUKYU SHIKAKUSHA-SHO para sa mga tumatanggap ng seguro sa pagkawala ng trabaho (2) Para sa mga iba pa kaysa sa nabanggit sa itaas, magdala ng identification card (lisensya ng kotse, health insurance card, atbp.) Paraan ng pagpasok (1) Ang school decision notice ay ipapadala lamang sa mga matagumpay na aplikante. (2) I-enclose sa sulat ang decision notice at ipadala ang dokumento na “Para sa mga nagpaplano na pumasok sa paaralan”. Mangyaring magpatuloy ayon sa paraan ng pagpasok na isinasaad sa dokumentong iyon. (3) Hindi maaaring tumugon sa mga katanungan tungkol sa pagtanggap ng entry sa pamamagitan ng telepono atbp. Ang pinakamalapit na public transport JR= 15 min by foot galing sa Takachaya Station Kintetsu= bumaba sa Hisai station, higashi guchi (west exit), sumakay ng bus galing sa Sanko bus patungong Kumozu Koukan-cho o sa Karasu Koen, bumaba sa Takachaya Danchi Mae at lakarin ng 5 minuto. Lugar para sa impormasyon, pagpaparehistro at pagsasagawa ng kurso 〒514-0817 Tsu-shi, Takachaya Komori-cho 1176-2 Mie Kenritsu Tsu Kouto Gijutsu Gakko Kinzoku Seikei-ka Nyukou Tanto: Hiraga, Maeda (Mga taong in charge sa metal modeling course) TEL 059-234-3135 FAX 059-234-3668 Homepage: https://www2.tcp-ip.or.jp/~tsutech/tanki/kinzoku/index.html Impormasyon sa recruitment Japanese version ・ Portuguese version ・ Spanish version ・ English version Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « (2019) Fireworks Festivals sa Mie Alam mo ba ang alert level (ng mga sakuna)? » ↑↑ Next Information ↑↑ (2019) Fireworks Festivals sa Mie 2019/07/15 Monday Edukasyon, Karera 2019年 三重の花火大会 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Kapag sinabing kaganapan tuwing tag-init, ito ay ang Fireworks display. Ginaganap ang Fireworks Festival sa buong Mie Prefecture simula Hulyo hanggang Augusto. Halina’t i-enjoy ang fireworks event sa iba’t-ibang area. Narito ang mga impormasyon ng mga fireworks display ng ilang mga lugar sa magkakasunod-sunod na schedule. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring sumangguni sa Mie Prefectural Tourism Federation website: https://www.kankomie.or.jp/season/detail_56.html *Contact in Japanese only. Dai 67-kai Ise Jingu Hounou Zenkoku Hanabi Taikai Petsa: July 13, 2019 (Sabado) 7:15 p.m. hanggang 9:00 p.m. Lugar: Riverbank ng Miyagawa (malapit sa Watarai Bridge) Detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_5091.html Isa ito sa “Tatlong Malalaking Firework Competitions sa Japan”. Ito ay isang fireworks competition para ipaabot sa itaas ang pagdiriwang ng pang araw-araw na pamumuhay sa night sky ng Ise, ang lungsod ng mga diyos, at para na rin sa mga masters ng hanabi na pinili sa ilang mga rehiyon, ay nabuo itong fireworks festival. *Kapag ang event ay hindi matutuloy dahil sa pag-ulan, bagyo, baha, atbp., ire-reschedule ito sa September 14 (Sabado) at September 15 (Linggo). Tignan ang iba pang impormasyon tungkol sa event sa official website: http://www.city.ise.mie.jp/hanabi/ Ooyodogion Matsuri to Hanabi Taikai Petsa: July 20, 2019 (Sabado) 10:00 a.m. hanggang 10:00 p.m. (ang fireworks ay magsisimula ng 7:00 p.m. hanggang 10:00 p.m.) Lugar: Malapit sa fishing port ng Oyodo sa Taki-gun Meiwa-cho Detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_38128.html Ito ay isang tradisyunal na pagdiriwang na tumagal ng higit sa 260 taon at laging masikip dahil sa maraming mga bisita bawat taon. Sa araw ng pagdiriwang, ang isang nakamamanghang pagdiriwang ng fireworks ay gaganapin sa gabi, na mas nakaka-gana ng mood ng festival. *Ito ay maaaaring ma-postponed kapag masama ang panahon. Contact information: 0596-52-0055 (Meiwa-machi Kanko Kyokai) Numero upang ma-confirm ang araw ng event: 0596-55-4077 (Narihara Kaikan) Dai 64-kai Toba Minato Matsuri Petsa: July 26, 2019 (Biyernes) 6:00 p.m. hanggang 9:00 p.m. (ang fireworks ay magsisimula ng 8:00 p.m. hanggang 9:00 p.m.) Lugar: Near Toba Marine Terminal Detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_5135.html Isang fireworks festival na may view ng dagat at ang kalangitan ng Toba Bay. Tangkilikin ang kamangha-manghang tanawin na dulot ng mga ilaw ng mga fireworks at mga cruise ship na makikita sa mga tubig sa dagat. Magkakaroon din ng mga stalls para sa pagkain at inumin, atbp., Na magbubukas ng hapon. * Ito ay maaaaring ma-postponed kapag masama ang panahon. Official URL : http://r.goope.jp/tobaminatofes Contact information: 0599-25-1373 (Toba Minato Matsuri Executive Committee) Dai 68-kai Tsu Hanabi Taikai 2019 Petsa: July 27, 2019 (Sabado) 7:45 p.m. hanggang 9:00 p.m. Lugar: Coast ng Akogiura sa Tsu Detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_5011.html Ang star fireworks na pinapa-putok galing sa malapit na barko ang isa sa mga sikat na attractions! Ang pag-upo sa beach sand at paglanghap ng amoy ng dagat habang nanonood ng fireworks display ay ang isa sa mga sikat na tradisyon sa tag-init sa siyudad ng Tsu, at napamahal sa mga residente at sa mga tao ng kalapit na siyudad. * Kapag masama ang panahon, ire-reschedule ito sa July 28 (Linggo) or July 29 (Lunes) * Contact Information: 059-229-3234 (Office of the Executive Committee of Tsu Taikai) Numero upang ma-confirm ang araw ng event: 0180-99-3838 Kuwana Suigou Hanabi Taikai Petsa: July 27, 2019 (Sabado) 7:30 p.m. hanggang 9:00 p.m. Lugar: Shores ng Ibigawa Detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_40455.html Simula sa pagpapa-putok ng libo-libong star-shaped fireworks, ang “suichu hanabi” at “niagara” ay nagdi-display ng kanilang kagandahan sa kalangitan. Tuwing event, ang laki at lakas ng pagsabog ng “nishaku hanabi”, isa sa pinaka-malaki sa Tokai region, ay nagpapakita ng kagandahan nito na mistulang parang shower o pinapaulanan nito ang mga tao. * Sa kaso ng pagkansela dahil sa masamang panahon, ang event ay muling ire-reschedule sa ika-28 (Linggo). Numero upang ma-confirm ang araw ng event: 0180-995-987 * May posibilidad na hindi magagamit ang IP phones sa numero na nakasaad sa itaas. Nabarigawa Noryo Hanabi Taikai Petsa: July 27, 2019 (Sabado.) 7:50 p.m. hanggang 9:00 p.m. Location: Shores ng Nabarigawa Shinmachi at Kurokawa district Details: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_35260.html Mga nasa 5,000 fireworks ang ipapaputok para as pagdiriwang ng Nabari city. Halina’t magkaroon ng napakasayang summer memories at mag-enjoy sa fireworks na kumukulay sa night sky! * Sa kaso ng pagkansela dahil sa masamang panahon, ang event ay muling ire-reschedule sa ika-28th (Sunday). Contact information: 0595-63-9148 (Nabari Tourism Association) Official URL: http://www.kankou-nabari.jp/ Hisai Hanabi Matsuri Petsa: August 3, 2019 (Sabado) 6:00 p.m. hanggang 9:00 p.m. (ang fireworks ay magsisimula ng 8:00 p.m. hanggang 9:00 p.m.) Lugar: Hisai garrison ng Self-Defense Land Forces sa siyudad ng Tsu Detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_5022.html Ang lokasyon ng event ay malapit kung saan ilulunsad ang mga paputok, na ilalabas sa kalangitan ng event na kasama ang pagtatanghal ng musika. Huwag kaligtaan ang grand finale!! * Sa kaso ng masamang lagay ng panahon, ang event ay i-rescheduled ng Agosto 4 (Linggo). Contact information: 059-255-8851 (Hisai Hanabi Taikai Executive Committee) Official URL: http://hisai-hanabi.com Numero upang ma-confirm ang araw ng event: 0180-99-3354 Dai 25-kai Ureshino Ookin Matsuri Petsa: August 3, 2019 (Sabado) 5:00 p.m. hanggang 9:10 p.m. (ang fireworks ay magsisimula ng 9:00 p.m. at tatagal lamang ng 5 minutes) Lugar: Parking sa harap ng Ureshino Ground Detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_5019.html Ang Ookin Matsuri ay gaganapin sa Mie-ken Matsusaka-shi Ureshino-cho na may temang “Salamat, Ookin”, kung saan ang mga pamilya ay maaaring magsaya sa mikoshi, bon odori, maliit na zoo, atbp. Ang mga paputok ay ilulunsad sa dulo ng ang event. * Contact information: 0598-48-3804 (Ureshino Ookin Matsuri Executive Committee) Kumano Oohanabi Taikai 2019 Petsa: August 17, 2019 (Biyernes) 7:10 p.m. hanggang 9:30 p.m. Lugar: Shichirimi Plage Detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_5207.html Ito ang pinakamalaking tradisyon tuwing tag-init sa kalye sa Kumano, kung saan 10.000 na mga paputok ang inilulunsad, na ang Onigajo ng Yoshino-Kumano National Park bilang isang background at ang kagandahan ng open sea. * Tingnan ang impormasyon tungkol sa kondisyon ng event, paradahan at bayad na VIP na puwesto sa sumusunod na link * Ang huling desisyon kung ang event ay gaganapin o ipagpapaliban ay ipapahayag sa opisyal na homepage o kumpirmahin sa telepono mula 6 am sa araw ng kaganapan Official URL: http://www.kumano-kankou.info/kumano-fireworks/ Inquiries: 0597-89-0100 (Kumano Tourism Association) Kameyama-shi Sekijuku Noryo Hanabi Taikai Petsa: August 17, 2019 (Sabado) 7:30 p.m. hanggang 9:00 p.m. Lugar: Shores ng Suzukagawa (West Seki Fire Department) Detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_9523.html Huwag kaligtaan ang paglulunsad ng 2,000 na mga paputok at ang napakaraming uri nito! Ang panonood sa mga paputok at ang tanawin ng ilog at ang mga bundok ay dapat niyong makita! Magkakaroon din ng maraming ship stalls sa lugar ng event! * kapag sumama ang panahon, ito ay ire-reschedule sa 18 (Linggo), 24 (Sabado) o 25 (Linggo) ng Agosto. Contact information: 0595-97-8877 (Kameyama City Tourism Association) *Official URL: http://kameyama-yeg.jp/hanabi/ Dai 32-kai Yokkaichi Hanabi Taikai Petsa: August 25, 2019 (Linggo) 7:15 p.m. hanggang 8:30 p.m. Lugar: Yokkaichi-shi Fuso Ryokuchi Park Detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_14747.html Gamit ang pang-industriya na zone ng lungsod bilang isang background sa tanawin ng gabi at paglunsad ng mga paputok sa 3 barges. Ang paglulunsad ng mga paputok na may mga musikal na tema ay napakaganda din! * Walang parking. Gumamit ng pampublikong transportasyon (train, bus, atbp.). 15 min na lakad mula sa JR Tomida Station / 25 min walk mula sa Tomida Station mula sa Kintetsu * Sa kaso ng pagkansela dahil sa masamang panahon, ito ay ire-reschedule sa Setyembre 1 (Linggo). Contact information: 059-354-8405 (Executive Committee of Yokkaichi Hanabi Taikai) Numero upang ma-confirm ang araw ng event: 0180-991-354 Suzuka Genki Hanabi Taikai 2019 Petsa: September 14, 2019 (Sabado) 2:00 p.m. hanggang 9:00 p.m. (ang fireworks ay magsisimula ng 7:30 p.m.) Lugar: Beach and Shiroko Shinko Ryokuchi Park Detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_38813.html Simula sa tuluy-tuloy na paglabas ng mga hanabi “isshakudama” (spherical type 30cm ang lapad), mahigit sa 4,000 na mga paputok ay kukulay sa kalangitan. Sa dulo ay isang show, na kung saan ang mga paputok ay ilulunsad sa ilalim ng tubig. * Walang parking. Gumamit ng pampublikong transportasyon (train, bus, atbp.). 10 min walk mula sa JR Shiroko Station / 15 min walk mula sa Kintetsu Tsuzumigaura Station Contact information: 090-7306-5300 (Suzuka Hanabi Executive Committee) Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp