Mga kumpanya kung saan aktibo ang mga dayuhan①: Nakagawa Denso Kabushikigaisha

外国人が活躍する企業① 中川電装株式会社

2018/10/03 Wednesday Impormasyon, Karera

Ang bilang ng mga dayuhan na nagtatrabaho bilang regular na empleyado kahit na sa loob ng Mie prefecture ay tumataas. Anong uri ng mga kumpanya ang pinagta-trabahuan ng mga dayuhang empleyado? Anong uri ng pagbabago ang ginagawa ng mga kumpanya para sa mga dayuhang empleyado upang maging isang aktibong bahagi?

Sa pagkakataong ito, ininterbyu namin ang mga international students na nag-aaral sa mga unibersidad sa Mie Prefecture, si Wang Juan at Yan Yan, kasama ang mga Assistant na si Akamatsu Shigeru at Sugisaki Sae ng Nakagawa Denso Kabushikigaisha sa Matsusaka City.

Ang Nakagawa Denso ay nag-hire ng Vietnamese employees noong 2017 at mga Korean employees noong 2018. Bukod dito, nagtatrabaho din ang mga Vietnamese at Chinese technical intern trainees.

[Interview ng Presidente na si Kawanaka Eisuke ①]

Q: Ano sa palagay mo ang tungkol sa pag-empley ng mga dayuhan?

A: Mayroon kaming 10 hanggang 20 na dayuhang empleyado. Tinatanong namin ang dayuhang empleyado kung n ais nilang manirahan sa Japan o kung nais nilang bumalik sa kanilang bansa sa hinaharap. Gayunpaman, tila ang alinman sa dalawa ay ok sa kanila. Dahil kami ay nagtatrabaho sa iba’t ibang mga bansa. Sa palagay ko ay mabuti na magkaroon ng iba’t ibang (nasyonalidad) na mga tao sa aming pangunahing tanggapan sa Japan.

Kami ay ginabayan sa loob ng pabrika ng head office. Ang pabrika na ito ang may pananagutan sa pagpapaunlad at disenyo ng mga molds para sa precision press processing at mass production ng mga parts ng metal at resin parts at para as kalidad ng produkto.

Naglilikha sila ng mga parts na kailangang sa mga sasakyan at appliances sa bahay, tulad ng mga closer ng pinto, na naga-adjust ng pinto ng mga sasakyan upang awtomatikong buksan at isara sa isang pare-parehong bilis at mga valve upang ayusin ang supply ng tubig ng washing machine.

Hindi lamang as Japan, may mga subsidiaries din sa Korea, China, Thailand at Vietnam.

[Interview as Presidente na si Kawanaka Eisuke ②]

Q: Ano ang sitwasyon ng mga kaakibat sa ibang bansa?

A: Ginawa ko ang aking unang kumpanya sa Korea noong 1972. Sa ngayon, ang presidente ng kumpanyang iyon ay Koreano at ang mga customer ay LG Electronics at Samsung.

 Gusto kong i-target ang parehong sa China at Timog-silangang Asya. Upang magawa iyan, sa tingin ko ay ang pagpunta sa Japan upang mag-train sa Nakagawa, ay makakapag-hubog ng isang taong magtatanghal bilang isang magaling na executive.

[Interview as Executive Officer na si Kurosawa Sei’ichi]

Q: Mayroon bang bagay na dapat ingatan ng mga dayuhan at Hapon kapag nagtatrabaho ng mag kasama?

A: Kapag gumagawa ng isang produkto, kailangang magkaroon ng isang procedure manual. Kung may mga dayuhang manggagawa, kailangan naming turuan sila sa pamamagitan ng paggawa ng bersyon as Japanese, Chinese at Vietnamese. Ito ay ang pinaka maayos na gawin kapag nagtatrabaho nang sama-sama.

Gayundin, dapat palagi nilang gawin ang kanilang trabaho sa parehong saloobin at anyo. Kailangan nilang maunawaan ito at matuto ng wikang Hapon. Gayundin para sa amin, kailangan din namin na malaman ang kanilang wika upang matiyak na hindi magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan.

Bilang karagdagan, nagbibigay sila ng suporta sa pamumuhay upang ang mga dayuhang empleyado ay makapagtrabaho ng kumportable.

[Interview sa Deputy General Manager, Nakagawa Holdings Co., Ltd. na si Ueda Katsunori]

Q: Anong uri ng suporta ang binibigay sa mga dayuhang empleyado?

A: Nagtuturo ako ng wikang Hapon sa mga empleyado na may layunin na makapasa sa Japanese Language Proficiency Test.

Mula sa taong ito, si Mr. Lee Jin Kyu na mula sa Korea na nagtatrabaho bilang regular na empleyado sa Nakagawa Denso Kabushikigaisha ay nagsabi na ang mataas na technical strength ng Nakagawa Denso ang dahilan sa pagpapasiya na sumali sa kumpanya.

[Interview sa regular employer na si Lee Jin Kyu]

A: Nagpasiya ako na nais kong magtrabaho sa kumpanyang ito mula sa pagtingin sa site at sa kawani ng pabrika na gumagawa ng amag.

Q: Mayroon ka bang problema sa pakikipag-usap sa lugar ng trabaho?

A: Gaya ng inaasahan, maraming bagay ang hindi ko maintindihan

Ganon din sa ibang mga Koreano. Kaya sa tingin ko kung hindi namin sisikapin na maunawaan, ang aming trabaho ay hindi maayos na mag-unlad.

Mga kumpanya na may mataas na teknikal na lakas at pagpapalawak sa ibang bansa · · · · · · Mga empleyado na gustong gamitin ang kanilang sariling kakayahan · · · Mga kumpanya na nagbibigay sa mga manggagawa ng isang maayos na kapaligiran ng trabaho at mga lugar ng aktibidad · · ·

Sa Nakagawa Denso Kabushikigaisha, nakita namin ang kalagayan ng mga kumpanya na umuunlad sa pamamagitan ng magandang relasyon sa mga empleyado.

Ang isang artikulo na isinulat ng mga banyagang reporter na si Wang Juan at Yan Yan ay naka-post dito. Ang isang pulong ng ulat ay naka-iskedyul as Disyembre.

Nakagawa Denso Kabushikigaisha
Establishment: July 1977
Head office location: Mie-ken Matsusaka-shi Matsusakiura-cho 163 – 1
URL: www.nakagawa-electric.co.jp

Mga artikulo na sakop ng mga banyagang repórter
www.mief.or.jp/jp/gaikokujinkatsuyaku.html
(中川電装株式会社(Japanese/Chinese)

Business visit report meeting
Petsa at oras: Sabado, Disyembre 8, 2018 (13:30 ~ 15:15)
Lugar: Ust Tsu 3F (Tsu-shi Hadokoro-cho 700)

Ang video na ito ay ginawa gamit ang tulong mula sa CLAIR (Council of Local Authorities for International Relations).

(Oktubre/2018) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura

2018/10/03 Wednesday Impormasyon, Karera

(2018年10月)県営住宅の定期募集

Panahon ng aplikasyon para sa buwan ng Oktubre
Hanggang Oktubre 31, 2018 (Miércoles)

Maaring malaman sa website na nasa ibaba ang mga detalye tungkol sa basic information ng pabahay (katulad ng lugar, sukat, upa at iba) at kung paano mag-apply para dito.

I-click dito upang makita ang PDF file (Japanese Version)
I-click dito upang makita ang PDF file (Portugues Version)
I-click dito upang makita ang PDF file (Spanish Version)

I-check naman ang URL sa ibaba tungkol sa (Kuwalipikasyon ng application ng pag-upa), (mga patakaran sa pag-upa) atbp.
http://www.pref.mie.lg.jp/JUTAKU/HP/35745031344.htm

*Ang mga impormasyon dito ay sa wikang Hapones lamang.

*Ang mga aplikante na hindi makakatugon sa bilang ng aplikasyon para sa periodic recruitment ay tatanggapin simula sa araw pagkatapos ng lottery date na may first come first serve basis hanggang ika-unang Miyerkules ngbuwan pagkatapos ng buwan na mabuo ang bilang ng mga na-solicit na aplikasyon. Ang deadline para sa recruitment ay hanggang Oktubre 31.

Schedule ng Aplikasyon (Taon-taon ay pareho ang panahon ng pag-apply)

Buwan ng Aplikasyon Panahon ng pag pasa ng aplikasyon sa Post office  Araw ng bunutan  Araw ng pag-upa 
Abril Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 30 ng buwan Kalagitnaan ng Mayo Hulyo 1
Hulyo Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Augusto Oktubre 1
Oktubre Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Nobyembre Enero 1
Enero Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Pebrero Abril 1

※Ang araw ng simula ng pagpasa ng aplikasyon ay matatapat sa unang araw ng Martes o Biyernes ng buwang nakasaad sa itaas.

 Makipag-ugnayan sa:

Mie Ken Kendo Seibibu Jutakuka Kanri Group TEL: 059-224-2703

 (*Sa wikang hapon lamang)

Ang contact information sa bawat rehiyon ay ang mga sumusunod

(1) Hokusei Bloc (Kuwana city, Kawagoe district, Yokkaichi city, Suzuka city, Kameyama city) TEL: 059- 373- 6802

(2) Chusei Iga Bloc (Tsu city, Iga city) TEL: 059-221-6171

(3) Nansei-Higashi Kishu Bloc (Matsusaka city, Ise city, Owase city, Mihama district) TEL: 059-222-6400