Ang Japan Tourism Promotion Campaign na “Oideyo! Mie Tabi Campaign” hanggang Marso 2023! 全国旅行支援「おいでよ!みえ旅キャンペーン」を2023年3月まで実施します! Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2023/01/06 Friday Anunsyo, Kultura at Libangan Babaguhin namin ang discount rate, atbp. ng travel discount na “Oideyo! Mie Tabi Campaign” (おいでよ!みえ旅キャンペーン) para sa lahat sa buong bansa hanggang Marso 2023. Kapag ginagamit ang discount, mangyaring magsagawa ng mga pangunahing hakbang upang maiwasan ang impeksyon ng coronavirus. Campaign period Enero 10, 2023 (Martes) hanggang Marso 30, 2023 (Huwebes) (Sa kaso ng tirahan, hanggang Marso 31 (Biyernes) check-out) * Ito ay magtatapos sa sandaling maubos ang badyet. Mga taong eligible para sa discount Mga taong naninirahan sa lahat ng 47 prefecture ng Japan Kundisyon ng paggamit Dapat ipakita ang patunay ng 3 doses ng bakuna sa COVID-19 o (negatibong) resulta ng test sa araw ng paglalakbay. Paraan ng pagpapa-reserve Mangyaring magpa-reserve mula sa accommodation facility travel agency, o sa reservation site ng mga accommodation facilities. Pakitingnan ang website ng bawat kumpanya upang makita kung naaangkop ang discount. Detalye ng discount 20% ng travel price para sa campaign ay ibabawas. Discount limit Mga travel na kinabibilangan ng accommodation at paggamit ng transportasyon tulad ng mga eroplano at mga chartered bus: 5,000 yen bawat tao bawat gabi Mga option sa travel maliban sa nabanggit sa itaas: 3,000 yen bawat tao bawat gabi Day trip 3,000 yen Coupons Ang mga turista sa mga karaniwang araw ay maaaring makakuha ng lokal na coupon na nagkakahalaga ng 2,000 yen. Ang mga holiday tourist ay maaaring makakuha ng lokal na coupon na nagkakahalaga ng 1,000 yen. Contact information (sa wikang Japanese lamang) Office nh “Oideyo! Mie Tabi Campaign” Phone number 050-3354-7655 (9:00 hanggang 18:00) Para sa iba pang detalye, tignan ang Website: https://www.kankomie.or.jp/report/detail_651.html Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Request para sa pagtitipid ng enerhiya at kuryente ngayong winter (Disyembre 1, 2022 hanggang Marso 31, 2023) Matsusaka Consumer Damage Prevention Workshop para sa mga Dayuhang Residente » ↑↑ Next Information ↑↑ Request para sa pagtitipid ng enerhiya at kuryente ngayong winter (Disyembre 1, 2022 hanggang Marso 31, 2023) 2023/01/06 Friday Anunsyo, Kultura at Libangan 今冬(2022年12月1日~2023年3月31日)の省エネ・節電のお願い Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Noong Oktubre 2022, inanunsyo ng pambansang pamahalaan na bagama’t na-secure nito ang enerhiya na kinakailangan para sa matatag na supply sa lahat ng lugar ng bansa, may posibilidad ng kakulangan sa kuryente. Upang makapagbigay ng matatag na kuryente, hinihiling ang power saving at manawagan para sa kooperasyon sa pagtitipid ng enerhiya at pagtitipid ng kuryente sa loob ng makatwirang saklaw. Ang Mie Prefecture ay patuloy na magtatrabaho sa pagtitipid ng enerhiya at kuryente. Nais naming hilingin sa lahat ng mga residente at mga operator ng negosyo na suriin ang kanilang mga pamumuhay at aktibidad sa negosyo at makipagtulungan sa pagtitipid ng enerhiya at kuryente sa loob ng makatwirang saklaw habang binibigyang pansin ang mga hakbang laban sa impeksyon sa coronavirus. Bilang karagdagan, kung may mga matatandang tao, mga sanggol o mga taong may mahinang kalusugan sa bahay, hangga’t maaari mangyaring makipagtulungan as pagtitipid habang binibigyang pansin ang kanilang kalusugan. Halimbawa ng mga pagsisikap sa pagtitipid ng enerhiya Magsuot ng mga patong-patong ng damit upang mapababa ang temperatura ng silid habang pinapainit. Patayin ang mga hindi ginagamit na ilaw. Iwasang mag-overcooling sa refrigerator, magbukas ng pinto nang mas madalas, at huwag mag-overpack ng pagkain. Contact (sa wikang Japanese lamang) Mie-ken Koyo Keizai-bu Shin Sangyo Fukko-ka Energy Seisaku-han (三重県 雇用経済部 新産業振興課 エネルギー政策班) 〒514-8570 Tsu-shi Komei-cho 13 Email: shinsang@pref.mie.lg.jp Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp