Isang topic exhibition ang gaganapin na pinamagatang: “Isipin natin ang mga sinaunang kasangkapan”

トピック展「昔の道具を考える」を開催します

2021/12/21 Martes Anunsyo, Kultura at Libangan

Magkakaroon ng eksibisyon ng mga kasangkapang ginagamit sa pang-araw-araw na buhay na nagbago pagkatapos ng pagpasok ng kultura at materyales na dinala mula sa Europa patungong Japan sa simula ng Meiji Era noong 1868.

  1. Petsa: Enero 4, 2022 (Martes) hanggang Pebrero 13 (Linggo), sarado tuwing Lunes. Kung ang Lunes ay isang pampublikong holiday, ang museo ay magsasara sa susunod na araw.
  2. Opening hours: 9 am hanggang 5 pm (pahihintulutan ang pagpasok hanggang 30 minuto bago ang oras ng pagsasara)
  3. Lugar: Mie General Museum (MieMu) 3F Special Exhibition Hall (Kikaku Tenji-shitsu)
  4. Entrance fee: Adults: ¥520, Students: ¥310, High school students at mas bata pa: Libre

Mga kaugnay na events: Ang entrance sa event 1 at 2 na nakasaad sa ibaba ay libre.

  1. Mini-lecture at presentation kung paano gamitin ang mga kasangkapan
  • Nilalaman: Ang mga tagapangasiwa ng museo ay magpapaliwanag sa mga pangunahing punto ng eksibisyon at kung paano gamitin ang mga kasangkapan na ngayon ay itinuturing na rare.
  • Petsa: Enero 10 (Lunes) hanggang Pebrero 11, 2022 (Biyernes), mula 1:30pm hanggang 3:00pm
  • Lugar ng Classroom (lecture room) sa ikatlong palapag
  • Maximum capacity: 54 katao araw-araw (ang booking on site ay ayon sa pagkakasunod-sunod ng pagdating)
  1. Gumawa tayo ng transparent na mga sabon para mawala ang coronavirus! (kinakailangan ang pre-registration)
  • Mga Nilalaman: Alamin ang mga sikreto kung paano gawing epektibo ang sabon sa paglaban sa mga impeksyon.
  • Petsa: Pebrero 13, 2022 (Linggo), mula 10 am, 11 am, 1 pm at 2 pm (bawat session ay tatagal ng humigit-kumulang 1 oras)
  • Lokasyon: Experiment room (jisshu-shitsu) sa ikalawang palapag
  • Maximum capacity: 24 katao bawat session
  • Paano magparehistro: Kumpletuhin ang online na aplikasyon o magpadala ng sulat bago ang Enero 23, 2022 (Linggo)

*Punan ang online form gamit ang sumusunod na link: https://www.bunka.pref.mie.lg.jp/MieMu/84927046739.htm

* Magrehistro sa pamamagitan ng sulat (Oufuku Hagaki – 往復はがき)

〒514-0061 Mie-ken Tsu-shi Isshinden Kozubeta 3060
Mie Prefectural Museum “Soap Workshop” Section (Mie General Museum – MieMu) Sekken Workshop-gakari (三重県総合博物館「せっけんワークショップ」係)

* Mangyaring tandaan na kung mayroong malaking bilang ng mga aplikante, isang lottery ng mga kalahok ang gaganapin.

Contact (sa wikang Japanese lamang).

Mieken Sougo Hakubutsukan (三重県総合博物館) – MieMu

Tsu-shi Isshinden Kozubeta 3060

TEL: 059-228-2283

Pagpapalawig ng Panahon at Pagbabago sa Mga Pamamaraan sa Pagpaparehistro para sa Libreng PCR test para Labanan ang Coronavirus

2021/12/21 Martes Anunsyo, Kultura at Libangan

新型コロナウイルス感染症拡大防止のために無料PCR検査事業の申込期間を延長するとともに実施方法等を変更します

Napakaraming paggalaw ng mga tao sa panahon ng holiday ng Bagong Taon.  Kaya naman, pahahabain ng gobyerno ang registration period para sa PCR testing hanggang Pebrero 10, 2022 (Huwebes) para mas maraming residente ang makatanggap ng testing.

Maglalagay din ang mga booth sa loob ng mga commercial establishments, atbp., para sa pamamahagi ng mga test kits.

Gayunpaman, hindi magbibigay ng negative test certificates.

  1. Panahon ng registration

Hanggang Pebrero 10, 2022 (Huwebes)

*Limit ng hanggang 1 test bawat buwan para sa bawat aplikante

  1. Sino ang maaring makakakuha

Mga taong walang sintomas na naninirahan, nagtatrabaho o nag-aaral sa Mie.

Asymptomatic na mga taong nagpaplanong pumunta sa Mie

*Ang mga taong may sintomas na lagnat, ubo, atbp. ay hindi makakatanggap ng testing.

  1. Paraan ng testing
  • Tungkol sa test

PCR testing gamit ng saliva o laway

  • Test fee

Libre

  • Paano kumuha ng test

Magpa-register para sa test gamit ang homepage

Tanggapin ang kit (posibleng matanggap ang kit sa iyong tahanan, lugar ng trabaho o iba pang mga establisyimento, o sa mga booth

Ang aplikante mismo ang dapat kumuha ng sample (laway) sa kanyang sarili

Ilagay ang test kit sa mailbox sa itinatag na paraan

Ang mga sample ay susuriin ng mga institusyong medikal

Ang mga resulta ay ipapadala sa tahanan o lugar ng trabaho ng aplikante at iba pang mga establisyimento.

  1. Paano magparehistro
  • Magrehistro sa pamamagitan ng homepage (sa wikang Japanese lamang).

Para sa pangkalahatang publiko : http://www.mwt-mice.com/events/miepcrtest

Para sa mga opisina at establisyimento na may higit sa 10 tao na inaasahang kukuha ng test: https://www.mwt-mice.com/events/miepcrtest-office/login

* Ang mga opisina at establisyimento na kaunti sa 10 na empleyado ay maaaring magparehistro gamit ang form para sa pangkalahatang publiko.

  • Posible ring magparehistro sa mga booth na naka-install sa mga commercial establishments

Ang mga lokasyon at petsa kung kailan ilalagay ang mga booth ay ipapaalam sa homepage 1 linggo bago ang araw ng pag-install.

https://www.pref.mie.lg.jp/KANSENJO/HP/m0348600003_00006.htm

* Magkakaroon ng kumpirmasyon ng pagkakakilanlan kapag ang mga test kit ay ipinamahagi sa mga booth, kaya dalhin ang iyong driver’s license o iba pang dokumento ng pagkakakilanlan.

  • Posible ring magparehistro sa pamamagitan ng FAX at mail. Para sa karagdagang detalye, kumonsulta sa opisina.
  1. Makipag-ugnayan sa

Shingata Coronavirus Kansen-sho Kakudai Boushi ni Muketa Muryo PCR Kensa Jigyo Jimukyoku

TEL: 059-213-3810 (As wikang Japanese lamang)

Operating hours: mula 10 am hanggang 5:30 pm

(*Mago-operate din sila tuwing Sabado, Linggo, at holiday Maliban sa pagitan ng Enero 1, Sabado, at Enero 3, Lunes)

  1. Mga karagdagang detalye
  • Kung nagpositibo ka, makakatanggap ka ng referral mula sa mga institusyong medikal. Kumuha ng appointment online o sa pamamagitan ng telepono (walang kinakailangang gastos sa medikal).
  • Kahit na negatibo ang resulta, hindi ito ganap na nagpapatunay na hindi ka nahawaan ng coronavirus, kaya patuloy na sumunod sa mga hakbang sa pag-iwas.

Libreng PCR test flyer