(Enero/2022) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura

(2022年1月)県営住宅の定期募集

2022/01/06 Huwebes Anunsyo, Paninirahan

Panahon ng aplikasyon para sa buwan ng Enero
Enero 4 (Miyerkules) ~ Enero 31 (Lunes), 2022

Maaring malaman sa website na nasa ibaba ang mga detalye tungkol sa basic information ng pabahay (katulad ng lugar, sukat, upa at iba) at kung paano mag-apply para dito.

I-click dito upang makita ang PDF file (Japanese Version)

I-click dito upang makita ang PDF file (Portugues Version)

I-click dito upang makita ang PDF file (Spanish Version)

Ang impormasyon tungkol sa mga pamantayan sa pagiging karapat-dapat at mga patakaran at regulasyon sa pabahay ng prefectural ay maaari ding matagpuan ang pag-click dito (sa japanese lang).

*Ang mga aplikante na hindi makakatugon sa bilang ng aplikasyon para sa periodic recruitment ay tatanggapin simula sa araw pagkatapos ng lottery date na may first come first serve basis hanggang ika-unang Miyerkules ngbuwan pagkatapos ng buwan na mabuo ang bilang ng mga na-solicit na aplikasyon. Ang deadline para sa recruitment ay hanggang Enero 31.

Schedule ng Aplikasyon (Taon-taon ay pareho ang panahon ng pag-apply)

Buwan ng Aplikasyon Panahon ng pag pasa ng aplikasyon sa Post office  Araw ng bunutan  Araw ng pag-upa 
Abril Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 30 ng buwan Kalagitnaan ng Mayo Hulyo 1
Hulyo Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Augusto Oktubre 1
Oktubre Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Nobyembre Enero 1
Enero Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Pebrero Abril 1

※Ang araw ng simula ng pagpasa ng aplikasyon ay matatapat sa unang araw ng Martes o Biyernes ng buwang nakasaad sa itaas.

 Makipag-ugnayan sa:

Mie Ken Kendo Seibi-bu Jutaku Seisaku-ka Kou’ei Jutaku-han TEL: 059-224-2703 (*Sa wikang hapon lamang)

Ang contact information sa bawat rehiyon ay ang mga sumusunod

(1) Hokusei Bloc (Kuwana city, Kawagoe district, Yokkaichi city, Suzuka city) TEL: 059- 373- 6802

(2) Chusei Iga Bloc (Tsu city, Iga city) TEL: 059-221-6171

(3) Nansei-Higashi Kishu Bloc (Matsusaka city, Ise city, Owase city, Kumano city) TEL: 059-222-6400

Isang topic exhibition ang gaganapin na pinamagatang: “Isipin natin ang mga sinaunang kasangkapan”

2022/01/06 Huwebes Anunsyo, Paninirahan

トピック展「昔の道具を考える」を開催します

Magkakaroon ng eksibisyon ng mga kasangkapang ginagamit sa pang-araw-araw na buhay na nagbago pagkatapos ng pagpasok ng kultura at materyales na dinala mula sa Europa patungong Japan sa simula ng Meiji Era noong 1868.

  1. Petsa: Enero 4, 2022 (Martes) hanggang Pebrero 13 (Linggo), sarado tuwing Lunes. Kung ang Lunes ay isang pampublikong holiday, ang museo ay magsasara sa susunod na araw.
  2. Opening hours: 9 am hanggang 5 pm (pahihintulutan ang pagpasok hanggang 30 minuto bago ang oras ng pagsasara)
  3. Lugar: Mie General Museum (MieMu) 3F Special Exhibition Hall (Kikaku Tenji-shitsu)
  4. Entrance fee: Adults: ¥520, Students: ¥310, High school students at mas bata pa: Libre

Mga kaugnay na events: Ang entrance sa event 1 at 2 na nakasaad sa ibaba ay libre.

  1. Mini-lecture at presentation kung paano gamitin ang mga kasangkapan
  • Nilalaman: Ang mga tagapangasiwa ng museo ay magpapaliwanag sa mga pangunahing punto ng eksibisyon at kung paano gamitin ang mga kasangkapan na ngayon ay itinuturing na rare.
  • Petsa: Enero 10 (Lunes) hanggang Pebrero 11, 2022 (Biyernes), mula 1:30pm hanggang 3:00pm
  • Lugar ng Classroom (lecture room) sa ikatlong palapag
  • Maximum capacity: 54 katao araw-araw (ang booking on site ay ayon sa pagkakasunod-sunod ng pagdating)
  1. Gumawa tayo ng transparent na mga sabon para mawala ang coronavirus! (kinakailangan ang pre-registration)
  • Mga Nilalaman: Alamin ang mga sikreto kung paano gawing epektibo ang sabon sa paglaban sa mga impeksyon.
  • Petsa: Pebrero 13, 2022 (Linggo), mula 10 am, 11 am, 1 pm at 2 pm (bawat session ay tatagal ng humigit-kumulang 1 oras)
  • Lokasyon: Experiment room (jisshu-shitsu) sa ikalawang palapag
  • Maximum capacity: 24 katao bawat session
  • Paano magparehistro: Kumpletuhin ang online na aplikasyon o magpadala ng sulat bago ang Enero 23, 2022 (Linggo)

*Punan ang online form gamit ang sumusunod na link: https://www.bunka.pref.mie.lg.jp/MieMu/84927046739.htm

* Magrehistro sa pamamagitan ng sulat (Oufuku Hagaki – 往復はがき)

〒514-0061 Mie-ken Tsu-shi Isshinden Kozubeta 3060
Mie Prefectural Museum “Soap Workshop” Section (Mie General Museum – MieMu) Sekken Workshop-gakari (三重県総合博物館「せっけんワークショップ」係)

* Mangyaring tandaan na kung mayroong malaking bilang ng mga aplikante, isang lottery ng mga kalahok ang gaganapin.

Contact (sa wikang Japanese lamang).

Mieken Sougo Hakubutsukan (三重県総合博物館) – MieMu

Tsu-shi Isshinden Kozubeta 3060

TEL: 059-228-2283