Para sa mga taong nahihirapang mag-renew ng kanilang driver’s license dahil sa coronavirus

運転免許証の更新期間の延長手続は、令和3年12月28日で終了します。

2021/12/10 Friday Anunsyo, Kultura at Libangan

Maaaring palawigin ng hanggang 3 buwan ang validity period ng driver’s license para sa mga taong nahihirapang mag-renew ng kanilang driver’s license dahil sa coronavirus.

Ang panahon ng pag-renew ng driver’s license extension procedures ay magtatapos sa Disyembre 28, 2021.

Mga hakbang upang mapalawig ang panahon ng pag-renew

  1. Target na mga tao

Ang mga espesyal na hakbang upang mai-extend ang panahon ng pag-renew ng driver’s license ay may bisa para sa mga taong mag-e-expire ang lisensya sa Disyembre 28, 2021.

  1. Request for extension procedures

Kung nahihirapan kang i-renew ang iyong lisensya dahil sa coronavirus at umaangkop sa target na mga tao na nabanggit sa itaas, maaari kang humiling ng extension sa Unten Menkyo Center, mga istasyon ng pulisya o sa “kanbu kouban” (幹部交番), o mga request ng extension sa pamamagitan ng  mail o ng ibang tao.  Posibleng i-extend ang renewal o steering period hanggang 3 buwan pagkatapos ng huling araw ng renewal period kahit hindi nakumpleto ang renewal procedures gaya ng pagkuha ng mga kurso at aptitude test.

Gayunpaman, dapat kang mag request ng extension bago mag-expire inyong validity ng driver’s license.

◆Posibleng ibang tao ang mag request ng extension para sayo (representative – dairinin).

●Posibleng mag request ng extension by mail.

◆Kailangan mong isumite ang mga sumusunod na item upang maging posible na ibang tao ng kumuha para sayo.

Mangyaring sulatan ang dokumento ng aplikasyon para sa extension ng pag-renew (pagsisimula at pagpapatuloy) sa oras ng aplikasyon

Ipadala ang mga sumusunod na item sa Unten Menkyo Center para sa request sa pamamagitan ng mail.

Ilagay ang mga dokumento sa isang sobre at ipadala sa Unten Menkyo Center (tingnan ang seksyong “Contact at Lugar ng request sa pamamagitan ng mail ” na nasa ibaba para sa address).

  1. Request ng extension procedures para as ikalawang beses

Valod ito para sa mga taong nakatanggap na ng mga espesyal na request mula noong huling araw ng panahon para sa pag-renew at pamamahala pagkatapos ng extension ay magtatapos sa Disyembre 28, 2021.

Ang espesyal na kahilingan para sa muling pagbili ng lisensya para sa mga taong nag-expire na ang lisensya sa pagmamaneho ay mananatiling may bisa kahit na pagkatapos ng Disyembre 29, 2021.

Kung hindi mo nagawang makapag renew ng normal o hindi nakapag-apply para sa request sa pagpapalawig ng panahon ng pag-renew at hindi maiiwasang nag-expire ang iyong lisensya dahil sa pandemya, maaari kang makapag renew muli sa pamamagitan ng parehong mga pamamaraan sa pag-renew (hindi na kailangang kunin ang  mga praktikal at akademikong test) kung hindi ka nakapasa ng 3 taon mula nang mag-expire at 1 buwan mula sa araw na natapos ang iyong hindi maiiwasang mga pangyayari.  Gayunpaman, hindi ka makakapagmaneho sa panahon na habang hindi ka pa nakakapag renew, kaya mag-ingat. Ang mga oras ng opisina at mga kinakailangang dokumento, bukod sa iba pang mga detalye, ay iba sa karaniwang pamamaraan ng pag-renew.

Contact at Lugar ng pag request by mail

〒514-8518 Tsu-shi Tarumi 2566 – Unten Menkyo Center Unten Menkyo Kanrigakari

TEL: 059-229-1212 (sa wikang Japanese lamang)

Ang Campaign na “Pumunta sa Anshin Mieria Certified Store, Kumain, at Manalo”!!

2021/12/10 Friday Anunsyo, Kultura at Libangan

「あんしんみえリア認証店へ 行って・食べて・当てようキャンペーン」を実施します!

Ang gobyerno ay magsasagawa ng isang kampanyang pangregalo upang manalo ng mga espesyal na produkto ng Mie prefecture tulad ng Matsusaka-gyu sa pamamagitan ng lottery mula sa mga gumamit ng Anshin Mie-ria certified store.

  1. Period

Nobyembre 10 hanggang Nobyembre 30, 2021, Martes (naka-iskedyul)

  1. Target na mga tindahan

Mga tindahan na may mga sticker ng sertipikasyon

Maaari mong suriin mula dito i-click dito.

  1. Paano sumali

Isang campaign participation card ang ibibigay sa mga customer na gumastos ng higit sa ¥700 (bawat tao) sa mga tindaha na certified Anshin Mie-ria sa panahon ng promosyon.  Punan at isumite ito sa tindahan.

  1. Prizes

Category 1 – Matsusaka-gyu

Category 2 – Iga rice

Category 3 – Decopom

Category 4 – Set ng “Shinju-duke” (真珠漬け)

Categoria 5 – Ise-cha (tea)

Campaign poster -> https://www.pref.mie.lg.jp/common/content/000984973.pdf

Contact

Mie-ken Koyo Keizai-bu Chusho Kigyo – Service Sangyo Fukko-ka

TEL: 059-224-3351