Nais mo bang magpa-HIV test?

HIV検査を受けてみませんか?

2024/08/07 Wednesday Anunsyo, Kalusugan

Lahat ng mga health center (hokenjo) sa Mie Prefecture ay nag-aalok ng mga konsultasyon sa AIDS at HIV testing.

Bilang karagdagan sa pagsusuri sa HIV, maaari ka ring magpa-test para sa hepatitis B, hepatitis C at syphilis virus.

Kung nag-aalala ka tungkol sa iyong kalusugan, gamitin ang pagkakataong ito upang magpa-test.

  • Ang test ay anonymous at libre

Available ang mga konsultasyon sa mga karaniwang araw mula 8:30 am hanggang 5:00 pm.

Suriin ang chart sa ibaba para sa mga petsa at oras ng testing.

  • Ano ang HIV at AIDS?

Ang impeksyon sa HIV ay hindi nangangahulugang AIDS.

Ang AIDS ay isang sakit kung saan ang immune system ay humina dahil sa impeksyon sa HIV, at sa kalaunan ay nagkakaroon ng malubhang sakit.

  • Ano ang kasalukuyang kalagayan ng HIV at AIDS?

Ang pagsisimula ng mga sintomas ng AIDS ay maiiwasan sa pamamagitan ng maagang pagtuklas ng impeksyon at pagsisimula at pagpapatuloy ng paggamot, salamat sa mga pagsulong ng medikal.

  • Anong uri ng pagsusuri ang HIV test?

Ang pagsusuri ay isinasagawa sa sumusunod na pagkakasunud-sunod: pagtanggap, konsultasyon bago ang pagsusulit at pagkolekta ng dugo (ilang mls).  Ang resulta ay iniulat pagkatapos ng 1 linggo.

  • Kailan ginagawa ang pagsusuri sa HIV?

Ang mga unang yugto ng impeksyon sa HIV ay maaaring hindi matukoy ng pagsusuri.  Kung gusto mong makatiyak kung ikaw ay nahawaan o hindi, magpasuri ng hindi bababa sa tatlong buwan pagkatapos ng posibleng impeksyon.

Health Centers Telephone (sa wikang Japanese lamang) Araw ng examination at oras (Sarado tuwing Holiday at  New Year holiday sa pagitan ng December 28 at January 3)
Kuwana Hokenjo 0594-24-3625 Tuwing Martes 1:00 pm hanggang 2:30 pm
Suzuka Hokenjo 059-382-8672 Tuwing Martes  Mula 9am hanggang 10:30am
Tsu Hokenjo 059-223-5184 Tuwing Martes  Mula 3pm hanggang 4.30pm
Matsusaka Hokenjo 0598-50-0531 Tuwing una at ikatlong Martes ng buwan *  Mula 1:00 pm hanggang 2:30 pm
Ise Hokenjo 0596-27-5137  Tuwing ikalawa at ikaapat na Martes ng buwan *  Mula 9am hanggang 11am
Iga Hokenjo 0595-24-8045  Tuwing una at ikatlong Martes ng buwan *  Mula 9am hanggang 11am
Owase Hokenjo 0597-23-3454  Tuwing ikalawa at ikaapat na Martes ng buwan  Mula 9am hanggang 10am
Kumano Hokenjo 0597-89-6115  Tuwing ikalawa at ikaapat na Martes ng buwan *  Mula 1:00 pm hanggang 2:30 pm
Yokkaichi Hokenjo 059-352-0595 Tuwing Miyerkules mula 1pm hanggang 3pm Ikaapat na Miyerkules ng buwan, mula 5:30pm hanggang 7pm

* Kinakailangan ang pagpapareserba

Mangyaring tawagan ang MieCo (Mie Consultation Support Center para sa mga Dayuhan) para sa konsultasyon sa mga wikang banyaga

Numero ng telepono: 080-3300-8077

Mga Oras: Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m. hanggang 4:00 p.m. (sarado tuwing Sabado, Linggo, pambansang pista opisyal, at mga pista opisyal sa katapusan ng taon at Bagong Taon)

Libreng Bakuna at Antibody Test para sa Rubella o Tigdas

2024/08/07 Wednesday Anunsyo, Kalusugan

無料で風しん抗体検査と予防接種が受けられます

Mga karagdagang hakbang para sa Rubella

Mula Mayo 2025, ang antibody test at pagbabakuna para sa rubella ay ihahandog ng libre sa mga lalaki na ipinanganak sa pagitan ng ika-2 ng Abril, 1962 at ika-1 ng Abril, 1979, na hindi kailanman sumailalim sa routine vaccination.

Para sa higit pang mga detalye, mangyaring magtanong sa counter na in-charge sa inyong munisipyo.

Rubella Antibody testing para sa mga babaeng nagpa-planong mag buntis.

Ang pagsusuri ng antibody ng Rubella para sa mga kababaihang nagpa-plano na mag buntis ay isasagawa sa Mie Prefecture mula Mayo 7, 2019 hanggang Pebrero 28, 2020.

Para sa higit pang mga detalye, mangyaring tingnan ang sumusunod na URL (Japanese only).

http://www.pref.mie.lg.jp/YAKUMUS/HP/84972012623.htm

Reference

MieInfo past article on Rubella

https://mieinfo.com/ja/jouhou/kenkou/fuushin-rubella-2018-10/index.html

Mangyaring tawagan ang MieCo (Mie Consultation Support Center para sa mga Dayuhan) para sa konsultasyon sa mga wikang banyaga

Numero ng telepono: 080-3300-8077

Mga Oras: Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m. hanggang 4:00 p.m. (sarado tuwing Sabado, Linggo, pambansang pista opisyal, at mga pista opisyal sa katapusan ng taon at Bagong Taon)