Sisimulan na ang sistema ng “My Number” para sa (social security insurance at buwis)

2015年10月から、あなたにもマイナンバーが通知されます。

2015/06/02 Tuesday Anunsyo, Selection

My.Number-destaque

  • Simula sa Oktubre 2015 ang bawat mamamayan ay pagkakalooban ng 12 numero na gagamitin niya bilang kanyang sariling numero.
  • Ang paggamit ng sariling numerong ay sisimulan sa taong 2016 ng Enero para sa pagpoproseso ng social security insurance, buwis at mga pamamaraan tungkol sa kalamidad
  • Bukod sa mga layuning itinakda ng batas hinggil sa paggamit ng sariling numero, hindi ito maaring gamitin sa ibang paraan o ipagamit sa ibang tao.
  • Pag-ingatan mabuti ang inyong sariling numero dahil ito ay pang-habambuhay.
【Para sa mga katanungan tungkol sa My Number】
Tumawag sa 0570-20-0178 (Nationwide )
Bukas ng pangkaraniwang araw mula 9:30 17:30

  • Para sa serbisyo ng ibang wika: Ingles, Intsik, Koreano, Espanol at Portuges tumawag sa numerong ito 0570-20-0291
  • Para sa mga gumagamit ng cellular at hindi maka-contact sa numerong nakasaad sa itaas, tumawag sa numerong ito 050-3816-9405

Para sa mga detalye, tingnan ang homepage ng Naikaku Kanbo.
http://www.cas.go.jp/jp/seisaku/bangoseido/

English: http://www.cas.go.jp/jp/seisaku/bangoseido/english.html

My.Number-ENG

Japan Pension Service: Kahilingan na magpasa ng residence certificate

2015/06/02 Tuesday Anunsyo, Selection

日本年金機構の住民票住所申出書について

Japan-Pension

Para sa mga taong nakatanggap ng form mula sa 「Japan Pension Service」hinihiling nila na magpasa ng residence certificate, sulatan ang form katulad nang nasa sample gamit ang itim o asul na ballpen at ihulog ito sa post office.

Kung sakaling hindi ninyo ito kayang isulat sa Hapon, ipasulat ito sa taong marunong magsulat ng Hapon.

Kung aasikasuhin ang prosesong ito, pagkakalooban kayo sa sariling numero o

(※)「My Number」na magagamit ninyo sa pag-aapply at pagpapabayad ng pensyon.

Sa mga empleyadong hindi pa nagpapasa ng papeles na ito, maaring kuwestyonin ng inyong kompanya ang tungkol sa inyong address.

(※)Ang bawat taong may residence certificate ay pinagkakalooban ng kanyang sariling numero o My Number para mas maging matiwasay ang pamamahala ng mga impormasyon ng social security insurance, buwis at iba pang pamamaraan tungkol sa kalamidad.

Sa Oktubre 2015 ay ipapadala sa inyo ang inyong sariling numero at maari ng simulan ang paggamit nito sa taong 2016 ng Enero.