Japan Pension Service: Kahilingan na magpasa ng residence certificate 日本年金機構の住民票住所申出書について Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2015/06/02 Tuesday Anunsyo, Selection Para sa mga taong nakatanggap ng form mula sa 「Japan Pension Service」hinihiling nila na magpasa ng residence certificate, sulatan ang form katulad nang nasa sample gamit ang itim o asul na ballpen at ihulog ito sa post office. Kung sakaling hindi ninyo ito kayang isulat sa Hapon, ipasulat ito sa taong marunong magsulat ng Hapon. Kung aasikasuhin ang prosesong ito, pagkakalooban kayo sa sariling numero o (※)「My Number」na magagamit ninyo sa pag-aapply at pagpapabayad ng pensyon. Sa mga empleyadong hindi pa nagpapasa ng papeles na ito, maaring kuwestyonin ng inyong kompanya ang tungkol sa inyong address. (※)Ang bawat taong may residence certificate ay pinagkakalooban ng kanyang sariling numero o My Number para mas maging matiwasay ang pamamahala ng mga impormasyon ng social security insurance, buwis at iba pang pamamaraan tungkol sa kalamidad. Sa Oktubre 2015 ay ipapadala sa inyo ang inyong sariling numero at maari ng simulan ang paggamit nito sa taong 2016 ng Enero. Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Kaugalian ng mga Hapon – Pakikisalamuha Sa Kalapit Bahay Sisimulan na ang sistema ng “My Number” para sa (social security insurance at buwis) » ↑↑ Next Information ↑↑ Kaugalian ng mga Hapon – Pakikisalamuha Sa Kalapit Bahay 2015/06/02 Tuesday Anunsyo, Selection 近隣住民との付き合いの大切さ Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Sa kasamaang palad , masasabing kakaunti lamang ang bilang ng mgadayuhang may magandang pakikitungo sa kanilang mga kapitbahay na Hapon, kahit pa sabihing matagal na silang naninirahan dito sa Japan. Maari nating simulan ang magandang pakikitungo sa ating mga kapitbahay kung aalamin natin ang kultura ng lugar at ang kanilang mga kaugalian. Halimbawa na lang sa paglilipat ng bahay, isa sa mga kaugalian ng Hapon ang personal na magbigay ng regalo bilang tanda ng kanilang pagbati at pagpapakilala. Alamin at tingnan natin kung paano ang tamang pagbati sa unang pagkakataon na bibisita tayo sa bahay ng kapitbahay nating Hapon. Yoshida Fujita – Sino yan? – Mawalang galang na po. Kakalipatkolangsa kabilang bahay, ako po si Fujita. – Magandang araw. – Magandang araw po. Pasensya na po sa abala. – Anong maipaglilingkod ko sayo. – Kakalipatlangponaminsakabilangbahay at naisposana naming magpakilala. Akoposi Fujita. Kasamakosabahayangakingasawa at anaknanasa junior highschool. – Ikinagagalakkopo na makilala kayo. – Ikinagagalak ko rin na makilala ka. – Tanggapin nyopo ito. – Maraming salamat at nag-abalaka pa. – Walang anuman po. – Kung may problema ka, huwag kang mag-atubiling magtanong. – Salamat po sa pagtanggap. – Salamat din. – Maraming salamatulit. Magpapaalam na po ako. – Pasensya na. – Aalis na po ako. Panoorin natin kung ano ang dapat gawin kapag pinapasok tayo sa loob ng bahay ng ating kapitbahay. Yoshida Fujita – Sino yan? – Paumanhinpo, akopo si Fujita. – Hello, magandangaraw. Welcome. – Magandangaraw. Pasensya na po sa abala. – Halika ka, pasok ka. – Sige po, mawalang galang na po. – Tara, pasok ka sa loob. – Maraming salamat po. – Halika dito. – Maraming salamat po ulit. Pagkatapos tanggalin ang sapatos, ayusin ito ng paharap sa pintuan. Paalala lang na hindi maganda para sa mga Hapon na iharap ang likod ng puwitan habang inaayos ang sapatos. Yoshida Fujita – Ito.. uminom ka ng chaa. – Salamat po. Pasensya na po, wala po akong masyadong alam sa salitang Hapon at maging sa kultura nito, maari bang turuan ninyo ako ng tamang paraan? – Hindi naman ito masyadong mahirap. Tara uminomtayo. – Maramings salamat po. – Hawakan mo ito sa kanang kamay at pagkatapos ay ilagay mo dito ang kaliwang kamay mo. At inumin mo nang dahan dahan. – Oo nga. – Masarap po. – Maraming salamat! – (Sa pagbisita) Ano po ba ang nararapat na pag-usapan? – Alam mo gusto-gustong pag-usapan ng mga Hapon ang tungkol sa klima. – Tungkol sa klima!- Ang ganda po ng panahon ngayon! – Oo nga! Medyo papainit na ang panahon. – Oo nga po. Kapag ganitong maganda ang panahon, marami pong masayang bagay ang puwedeng gawin! – Oo nga. Nakapunta ka na ba sa hanami? – Opo, nagpunta na kami sa hanami. – Saang hanami kayo nagpunta? – May magandang park na malapit sa train station ng Tsu, doon kami nagpunta sa malapit sa park kasama ko po ang pamilya ko. – Maganda ba? – Opo, maganda. – Nagdala ba kayo ng baong pagkain? – Hindi po kami nakapagdala ng pagkain nong araw na’yon. – Ganun ba. Marami bang Hapon ang naroroon? – Opo, marami pong Hapon ang nandoon. Gawin nating paksa ng usapan ang tungkol sa klima, lugar na gustong puntahan opang araw-araw na pamumuhay na ginagawa natin sa sarili nating bansa. May ilang ding mga dayuhan na nagsisikap unawain ang kultura ng bawat isa upang makabuo ng isang magandang relasyon sa kanilang mga kapitbahay na Hapon. Pakinggan natin ang kuwento ng isang dayuhang Brazilyano na nakatira sa lungsod ng Suzuka. 「Interbyu sa bahay ng isang Brazilyano」 Humberto 「Hindi man ako magaling magsalita ng Hapon, maayos ang pakikisama ko sa mga Hapon. Hanggat nagkakaintindihan kami, maayos ang samahan namin. Kapag may problema kami ng anak ko, palagi nila kaming tinutulungan. Cristina 「Kapag may sulat galing sa post office na hindi ko mabasa ang kanji, parati akong tinuturuan ng katabi kong kapitbahay na Hapon. At kapag may pumuntang Hapon na hindi ko kakilala, maari ko syang pakiusapan na tulungan akong makipag-usap. Paminsan-minsan ay dumaraan sila sa bahay para lang alamin kung may problema ba kami o nangangailangan ba kami ng tulong. Napakabait nilang tao. Sa palagay ko napakaimportante talaga kung maganda ang pakikitungo natin sa ating mga kapitbahay. Hindi tayo makakabuo ng maayos na pakikitungo kung sa araw araw na nakikita natin sila sa labas ay hindi natin sila babatiin bago man lang tayo pumasok sa trabaho. At para mas lalo pang tumibay ang pakikisama natin sa kanila, importanteng makisama tayo sa mga event na ginagawa nila sa komunidad. Humberto 「Kahit alam nila na hindi ako marunong magsalita ng Hapon, talagang kinakausap nila ako at dahil dito, gustong gusto ko talaga ang mga kapitbahay kong Hapon.」 Napaka importante ng pagbuo ng magandang relasyon sa komunidad na ating tinitirahan. Dahil sa pakikipaglapit natin sa ating mga kapitbahay, maari nila tayong matulungan sa oras ng kagipitan, maari din tayong makipagpalitan ng kaalaman sa lenguwahe at kaugalian at maari ding tayong makabuo ng isang malakulturang event sa loob ng ating komunidad. Dahil sa karamihan nang mga dayuhang residente ay kulang sa kaalaman tungkol sa kultura ng Hapon, kadalasang humahantong ito sa pag-iwas na makipagmabutihan sa kanilang mga kapitbahay na Hapon. Pero sana ay subukan nating makisalamuha ng may ngiti at makipagtulugan sa mga event nakanilang ginagawa. Maari ito ang maging simula ng isang magandang samahan sa ating mga kapitbahay. Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp