
Noong Mayo 25 (Lunes), inangat ang State of Emergency ng mga lalawigan na nasa ilalim ng Special Alert (Hokkaido, Saitama, Chiba, Tokyo at Kanagawa). Dahil dito, ang buong teritoryo ng Japan ay tumigil na sa State of Emergency. Mula noong Abril 25, wala ng mga bagong kaso sa Mie Prefecture.
Dahil dito, ang mga patnubay sa State of Emergency para as Mie Prefecture Besyon 2 (Mieken Kinkyu Jitai Sochi – 三重県緊急事態措置 ver 2) ay inipon. Ang mga pangunahing pagbabago mula sa nakaraang mga patnubay ay ilalarawan sa ibaba.
- Sa lahat ng mamamayan ng lalawigan
Mayo 26-31:
Iwasan ang paglalakbay sa ibang mga probinsya maliban na laman kung talagang kinakailangan.
Junyo 1-18:
Iwasan ang paglalakbay sa Hokkaido, Saitama, Chiba, Tokyo at Kanagawa lalawigan maliban nalang kung talagang kinakailangan. Tungkol sa mga paglalakbay sa ibang mga lalawigan, hinihiling ng gobernador sa mga mamamayan na igalang ang mga patakaran ng bagong pang-araw-araw na buhay o “ang new normal”, ito ay ang:
1 Alamin ang mga pangunahing pamamaraan ng pagpigil sa coronavirus
2 Iwasan ang nakapaloob at masikip na mga lugar
3 Panatilihin ang social distancing
Pagkatapos ng Hunyo 19:
Igalang ang mga patakaran ng bagong pang-araw-araw na buhay o “ang new normal” kapag naglalakbay sa anumang lalawigan.
- Sa lahat ng mamamayan ng ibang mga lalawigan
Mayo 26-31:
Iwasang pumunta sa Mie Prefecture maliban kung talagang kinakailangan
Hunyo:1-18
Kung nakatira ka sa Hokkaido, Saitama, Chiba, Tokyo o Kanagawa, iwasang pumunta sa Mie Prefecture maliban nalang kung talagang kinakailangan
Pagkatapos ng Hunyo 19:
Igalang ang mga patakaran ng bagong pang-araw-araw na buhay o “ang new normal” at sundin ang mga tagubilin ng gobyerno kapag naglalakbay sa loob ng lalawigan kung saan ka nakatira
Orihinal na mensahe mula sa Gobernador na makikita sa Homepage ng Lalawigan (sa wikang Japanese lamang)
https://www.pref.mie.lg.jp/YAKUMUS/HP/m0068000067_00021.htm
Ang mga patnubay sa State of Emergency para as Mie Prefecture Besyon 2 (Mieken Kinkyu Jitai Sochi – 三重県緊急事態措置 ver 2) ay makikita sa Mie Government Office website (sa wikang Japanese laman)
https://www.pref.mie.lg.jp/common/content/000892193.pdf
