[Tsu] Events sa pagpapabuti ng Multi-Cultural Society 2016

このイベントでは多文化共生社会づくりがテーマであり、多国籍の外国人住民が集合しました。

2016/11/14 Monday Kultura at Libangan

image1

Noong October 16, nagtipon-tipon ang madaming multinational residents at nagkaroon ng isang masayang araw sa multicultural coexistence enlightenment event na kung saan palagi itong ginaganap sa Tsu City International Exchange. Ang Mie Prefecture ay binubuo ng multinational society at nagkaroon ng napaka-yaman at diverse na cultural exchage sa pamamagitan ng mga booth sa event na ito.

Sa kasiyahang ito, hindi lang nagdulot ng saya, kundi nagkaroon ng pagkakataon makilala ang Iba’t-ibang uri ng kultura, pagkakaiba ng mga kultura para sa pag-uunawa ng mga tao at magkaroon ng mapayapang pamumuhay kasama ang mga foreign national sa Mie Prefecture.  Nagkaroon din ng pagkakataong makausap ang si Tsu City Mayor na si Mr.Maeba Yasuyuki.

 [Tsu Shi Mayor Maeba Yasuyuki Interview]image15

「Hindi ang lahat ng pagkakaiba ay dahil sa multicultural na lipunan, syempre may pagkakaiba ng nasyonalidad, kasarian, may kapansanan o wala, o di kaya pagkakaiba ng lugar na tinitirhan, subalit may isang lugar na kung saan nakatira ang lahat na tinatawag na Imazu. Sa palagay ko gusto ng mga tao na matamasa ang masaya at stress free na pamumuhay sa isang multicultural na society. Isa pa, ay magkakaroon ng pag-unawa sa isa’t isa, at mapapanatili ang pakiramdam na mapahalagahan ang bawat isa, sa palagay ko ay ito ang bumubuo ng isang magandang samahan sa isang multicultural society, Kaya nagsisikap ako upang maging number one ang Tsu Shi pagdating sa ganitong klaseng society.」

image4Sa simula ng event ay mayroong presentation ng Samba group, na kung saan nabubuo ng mga Japanese at Brazilian nationals, at nakapagbigay ng kasiyahan sa mga kalahok sa pamamagitan ng musika at sayaw.

 [Samba Video (15 Sec.)]

Ang mga miyembro na mga babaeng Japanese ng Samba Group na ito ay napaka-interesado sa kultura ng Brasil kung kaya’t nagkaroon ng mga samba shows sa buong Japan.

 [Samba Group Ms. Ishihama Fusako Interview]

「Gusto ko talaga kasi ang kultura ng Brasil, hindi lang musika kundi marami pang iba katulad ng pagkain, kasaysayan at mga kaugalian, lahat po talaga.」

[Samba Group Japanese Dancer Interview]image16

Paki share po saamin kung ano ang pakiramdam na ikaw ay isang Japanese pero ikaw ay sumasayaw ng Brasilian dance

「Napaka-sarap sa pakiramdam, masaya, talagang napaka-saya na pakiramdam. Sana magkaroon pa ng madaming Hapon na magustuhan ang samba at makisayaw sa amin.」

Nagkaroon ng madaming multicultural presentation sa buong araw.

image2[Stage Announcement 30 Sec]

Nagkaroon ng mga booths at food stalls ang iba’t-ibang bansa sa event na ito. Ang mga dayuhang residente na lumahok sa event na ito ay nagsikap ng mabuti upang mapalaganap ang kani-kanilang mga national cultures at mga pagkain.

[Event appearance video 10 Sec]

Tinanong namin ang mga dayuhang residente tungkol sa Multicultural society. Pakinggan natin ang mga opinyon ng lahat.

[Indonesian Lady(Ms. Dwinda)Interview]image6

Madaming mga residenteng dayuhan ang Tsu Shi. Sa palagay mo ba ang pakikipagkaibigan ng mga foreigners at Japanese ay mahalaga?

「Syempre po mahalaga, Gusto namin na makaranas ng madaming experience dito sa Japan. At ang Tsu Shi ay napakabait saaming mga dayuhan, kaya’t napaka-livable na lugar ito.」

image7[Chinese Man(Mr. Cho Ganto)Interview]

Well, ako po bilang isang miyembro ng dayuhang mag-aaral, unang dumating ako sa Japan sa edad na 18, nag-iisa lang ako at napakalungkot hanggat sa tumagal nagkaroon ako ng madaming kaibigan, kaya’t napaka importante ng kaibigan, at isa pa, ang pagkakaroon ng mga kaibigan dito sa Japan na may Iba’t ibang kultura ay magkakaroon ka din ng iba’t ibang experience, makapag trabaho sa mga internasyonal na kompanya, bilang isang tao dito sa lupa, tingin ko ay ito ang pinaka-magandang paraan para magkaroon ng kaibigan.

[Moldavian Lady(Ms. Stela Kobayashi)Interview]image17

Syempre importante talaga. Pinaka-mabuti po ang maging good friends. Magiging masaya ang mga Japanese, ganon din ang mga foreigners.

Nagkaroon din ng partisipasyon ang Mie Ken Police sa kasiyahan na ito, na-showcase ang mga patrol cars at police motorcycle, hinayaang ding makasakay ang mga participants. Ang representative ng mga police ay may iniwang mensahe para sa mga foreign resident.

image8 [Mie Prefecture Police Mr. Nakanishi Interview]

「Kami ay sa Mie Prefecture Police. Kapag ang mga foreigners ay naging biktima sa isang krimen, na-aksidente ang sasakyan, o di kaya ay nagka-problema, huwag mag atubiling lumapit saamin. Kahit minsan ay nagkakaroon ng hadlang sa lingwahe ay sisikapin naman ng kapulisan na asikasuhin ang inyong hinaing, sapagkat lahat naman ay residente ng Japan kaya’t walang pinagkaiba ang trato namin sa hapon at dayuhan. At isa pa, ang mga patakaran dito sa Japan at sa ibang bansa ay minsan nagkakaiba, minsan ay pwede sa ibang bansa pero mahigpit na ipinagbabawal naman dito, yung mga ganong sitwasyon ay pinapayuhan ko ang mga foreign residents na alamin kung ano ang mga ito para maiwasan ang anumang insidente. Yun lang po.」

Bilang bahagi ng kasiyahan na ito, ginanap ang Tabunka Kyousei wo kangaeru Seminar (Seminar to consider the image9multicutural). Sa pag provide ng impormasyon tungkol sa topic na ito, ay nagbigay ng mga senaryo na kung saan pwedeng makapag-isip ng sama sama tungkol sa importansya ng multicultural society. Nagbigay ng napaka gandang mensahe tungkol sa multicultural society sa Japan ang mga nag attend na participants at mga panelist na nagsilbing coordinator ng seminar.

image10 [(Panelist)Mie Ken Tabunka Kyoseika Satsukawa Leo Interview]

「Unang una, kailangan muna magsimula sa “ano ba ang Tabunka Kyosei”? Ito ay ang mutwal na respeto nga mga tao na may iba’t ibang cultural background at ang multiculturalism ay ang pagrespeto ng magkabilang panig at makapamuhay kasama ang isa’t isa. Ano nga ba ang ginagawa ng isang “cultural background”, ang bawat kultura sa tingin ko ay nagkakaiba. katulad ko, ako ay may iba’t ibang kultura, may Japanese at kultura ng Brasil, ito ang aking pinagmulan na kultura. Siyempre sa tingin ko ay ang background na kultural ng bawat isa ay naiiba. Kaya ang international understanding ay importante dahil multicultural ang lipunan sa Japan. Sa multi-cultural co-existance, pinapaintindi na hindi lahat ng pagkakaiba ay masama, may roon itong madudulot na kabutihan, kaya’t ang Point dito ay ang pag-unawa sa kada kultura.」image12

[(Panelist)Nanmin Now (Refugee Now) Mr. Soda Katsuya Interview]

「Sa pagpapatupad ng multicultural co-existence, upang makalikha ng isang friendly na lipunan ay kinakailangan din tignan ang mga pananaw ng mga minorities, ito at syempre iba pang mga mahalagang bagay, Ngunit para sa mga tao na may maliit na bilang ng mga posisyon sa lipunan, para sa madaling pakikipagsama sa lipunan ay dapat din na magkaroon ng pag-uunawa ang mga majorities ng lipunan. Ito ay isang uri ng point of view dahil sa tingin ko ay nakakagulat na ito ay nakakaligtaan ng iba. Kaya kung itatalakay ito, sa tingin ko isa ito sa magpapayaman at makakabuo ng isang multicultural na lipunan.」

image13[(Panelist)Tsu Shi Shiyakusho Ms. Koga Shirley Interview]

「May mga Iba’t-ibang nationalities na nakatira sa parehong lungsod, katulad ng Brasilians at Filipinos at madami pang ibang nationalities. Kapag nagtulungan ang lahat ng tao ay sa tingin ko ay magkakaraoon ng isang livable at mapayapang lipunan na kung saan nagtutulungan ang bawat isa.」

[(Coordinator)Chikyu No Tomo to Ayumukai Jimukyoku Cho (Walk with Friends of the Earth Secretary General)  Mr. image14Yoneyama Toshihiro Interview]

「Sa pagpasok ng mga tao galing sa iba’t-ibang bansa, ang co-existence ay hindi ganoon kadali, dahil ang kada tao ay may iba’t ibang sitwasyon, dahil ito ay isang reyalidad. Kaya’t nag-iisip kami kung ano ang magandang gawin para mapakinggan, at mag labas ng solusyon, dahil kinakailangan ng mutwal ang pananaw ng mga hapon at taga ibang bansa na mag karoon ng mindset na “Try something to solve together”, kapag wala nito, hindi ito magtatagumpay at masisira ang komunidad sa loob ng Japan. Lahat ay hindi interesado, dito hindi interesado, doon hindi din interesado, kapag ganon, wala talagang mabubuo na magandang lipunan. Kaya’t para makabuo ng magandang lipunan ay kinakailangan ang kooperasyon ng lahat.」

image18

Sa hinaharap, magkakaroon pa ng iba’t-ibang event at seminars upang makabuo ng isang multicultural coexistance na lipunan. Sa mga taong hindi makakasali sa kasalukyan ay sana makasali ulit sa mga susunod na pagkakataon. Siguradong may mga bagong encounters at mga bagong matutuklasan.

Multicultural Understanding Event “Hand in Hand 2016”

2016/11/14 Monday Kultura at Libangan

多文化共生理解イベント開催について

hand-in-hand-2016

Gaganapin ang isang event na naglalayong mapangalagaan ang sense of community sa isang multicultural na lipunan na makapamuhay ng mapayapa ang mga tao na may iba’t-ibang multicultural background. Ang event na ito ay may temang “Enjoy Multicultural Exchange with the 5 Senses” (Gokan de Tanoshimu Kokusai Koryu) na kung saan pwedeng matutunan ang kultura at ma-experience ang  laro ng iba’t-ibang bansa. Mayroong mga workshops, booths, international food stalls, goods na binibenta, stage performances atbp. Habang nage-enjoy sa cultural exchange kasama ang mga tao na may iba’t-ibang multicultural background ay nagkakaroon ng natural na mutuwal na paguunawa sa kada kultura at mga kagawian ng bawat isa. Halina’t makisali sa pagpapalawak ng kaalaman at pagunawa.

Araw at Oras  December 4, 2016 (Sun) 1pm to 4:30pm
Lugar         Ast Tsu 3 floor  Mie Kenmin Koryu Center  (Tsu Shi Hadokoro Machi 700)
Admission fee    Free ※may bayad para sa mga pagkain, mga products atbp.
Nilalaman
<Booth> Brasil, Philippines, Peru, Bolivia, China, Tibet, Korea, Australia, Canada, Japan, at iba pang mga kasiyahan, pakulo, mga experience, at mga booth na maraming binibenta.
<Stage Performance> (about 15 to 20 min each)

1 pm:    Shamisen Performance
2 pm:    Traditional Philippine Dance
3 pm:    Brasilian School EAS  Guitar Performance
4 pm:     Jazz Band Midora Performance

Note: Dahil walang parking space na libre, Pinapaalahanan namin kayo na sariling bayad ang parking fee. Maraming salamat po.

Makipag-ugnayan sa
Mie Shimin Katsudo Volunteer Center
TEL: 059-222-5995 / FAX: 059-222-5971
E-mail: center@mienpo.net
Facebook Page: https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=525587860968627&id=171618769698873&substory_index=0

pannflet-omote

 

pannflet-ura