[Tsu] Pagsasanay sa Evacuation Shelter

2015年11月28日(土)に津市で「外国人のための避難所訓練」が開催されます

2015/10/06 Tuesday Seminar at mga events

“Palawakin ang kaalaman tungkol sa Evacuation”
(Lektura)

Ang   topograpiya   ng   lupa   at   kalamidad ng  Tsu  City,  aksyon  na  dapat  gawin  sa  oras ng kalamidad, matuto at maghanda, at kung paano mapoprotektahan ang buhay sa oras ng  kalalamid.

“Para sa oras ng emergency”
(Lifesaving training para sa mga dayuhang residence)

Mapag-aralan ang  paraan       ng    chest compression  at  AED  at  magkaroon  ng  sapat na kaalaman na kapaki-pakinabang sa oras ng emergency.

Kailan: Nobyembre, 28 2015 (sabado)
Hours: alas 6:30PM ~ 8:30PM (oras ng tanggapan 6PM)
Lugar: Tsu-shi, Takajaya Shimin Center
(〒514-0819 Tsu-shi, Takajaya 4 chome 37-59)
10 mins walk from  JR-Takajaya Station
Free parking

Implementation and application:
Mie International Exchange Foundation (MIEF)
〒514-0009 Tsu-shi, Hadokoro-cho 700, UST Tsu 3F
Tel: 059-223-5006
Email: mief@mief.or.jp
URL: http://www.mief.or.jp

FIL-frente

 

FIL-verso

MAP – Mie Kodomo no Shiro

2015/10/06 Tuesday Seminar at mga events

三重県松阪市 「三重県立みえこどもの城」 についての紹介ビデオ

Image1Dito sa Mieken, maraming mga pasyalang pambata ang naghahandog ng masasayang aktibidad para mas lalong masiyahan ang mga bata.

Isa na rito ang「Mieken Ritsu Mie Kodomo no Shiro.」Matatagpuan ito sa Lungsod ng Matsusaka at dito mararanasang mag-enjoy ang buong pamilya dahil sa iba’t ibang uri ng event na matatagpuan sa lugar na ito.

Sa videong ito ay ipapakilala namin sa inyo ang ilang pangunahing attraction na mayroon sa pasilidad ng Mie Kodomo No Shiro.

Panoorin ang video.

 

Sa ika-3 palapag matatagpuan ang “Art Space at Dome Theater.”

Image6Art  Science Space

Sa lugar na ito ay maaring subukan ng mga bata ang sining sa paglililok at iba pang sining na may kinalaman sa agham.  Sa tulong ng mga nagtuturong staff, maaring maipakita ng mga bata ang kanilang angking talino sa sining.

Sa tanggapan sa ika-1 palapag,  nakasaad ang mga impormasyon tungkol sa handicraft na gagawin sa araw na iyon. Kung nais sumali, bumili ng mga kinakailangan materyales sa automatic vending machine na katabi ng tanggapan. Maaaring iuwi ang mga natapos na likha. Isa ito sa mga nakakaaliw na lugar sa pasilidad.

Dito rin sa art space na ito ay may clay corner kung saan maaring sumubok ng libre  ang kahit na sino.

 

Image1Dome Teather (Planetarium

Ang dome theater ang masasabing pinaka main attraction ng Mie Kodomo no Shiro.  Dito ay maaring makapanood ng mga pelikula, makita ang mga bituin at planeta sa planetarium at mga impormasyon tungkol sa kalawakan na makakadagdag sa kaalaman ng mga bata.

Ito marahil ang pinakamalaking dome sa Mie dahil kayang makapasok ang 220 katao sa loob nito. Ang bayad sa panonood ng pelikula ay 400 yen para sa matanda, 200 yen para sa mga batang mula elementarya ~ high school at 100 yen para sa mga batang may edad na mahigit 3 taon gulang   Mura na, masaya pa at  makakatipid ka talaga.

 

Sa ika-2 palapag matatagpuan ang playland at stage space.

Image5Play Land (palaruan corner at wall climbing corner)》

Dito sa lugar ng palaruan,  maraming mga ibat-ibang nakakatuwang laruan ang puwedeng paglaruan na siguradong masisiyahan ang mga bata. Sa halagang 200 yen, makakapaglaro ng 45 minutos.

Sa bawat magulang na may kasamang bata, 1 tao ang malilibre sa pagpasok sa palaruan. Ang mga batang nasa elementarya hanggang highschool ay maaaring sumubok umakyat sa climbing wall.  Unti unti ang pagtaas ng level sa pag-akyat hanggang sa maakyat mo na ang ang pinakatuktok na level.  Magdala ng indoor shoes o espesyal na sapatos para masigurong hindi madumihan ang talampakan ng bata.

Image7Stage Space (Lugar para sa paglalaro)》

Dito sa lugar na ito ginaganap ang mga event ng musika at sayawan.  Hindi lang pagsasayaw, may mga event din na maaring salihan para magsaya.

Kung walang event na magaganap, ang corner na ito ay nilalagyan ng mga laruan para malayang makapaglaro ang mga bata.  Maari ding magpahinga sa lugar na ito.

Sa loob ng pasilidad, tanging mga inumin at ice cream lamang ang mabibili sa vending machine, kaya’t kung nagbabalak manatili dito ng buong araw, iminumungkahi na magdala ng baong pagkain.

 

Sa ika-1 palapag matatagpuan ang event hall at playroom.

Image3Event Hall(Exhibit Space)》

Sa event hall ginaganap ang ibat-ibang exhibit at event na naaayon sa panahon.

Dito sa lugar na ito isinasagawa ang mga aktibidad na maaring subukan ng mga bata at sa tuwing pasko ay kakikitaan ito ng mga christmas illumination.

Bukas din ito sa tanghali kaya’t iminumungkahi din ito sa mga pamilyang may kasamang maliliit na anak.

 

 

Image4Playroom at Kapla room

Dito sa lugar na ito, mula bata hanggang matanda ay maaaring maglaro ng Kapla or coupler, kayat habang nagsasaya ay pinapalawak din nito ang inyong imahinasyon.  Ang 「Kapla」 ay isang laruang kahoy na pinagpapatong-patong para makabuo ng hugis tulad ng tulay, gusali, tore at iba pang mga likha.

Pinagyayabong nito ang kakayahan ng konsentrasyon at imahinasyon.  May libro dito na naglalarawan ng  mga halimbawa ng likha.   Maaari kayong makapag-enjoy kahit walang bayad.

Ang ipinakilala namin sa inyo ngayon ay ang Mie Kodomo no Shiro.  Sa ibang kahulugan, ang Mie Kodomo no Shiro ay 「isang kastilyong itinayo para sa mga batang naninirahan sa Mie.」 Ito ay isang espesyal na lugar para sa mga bata dahil dito nila maaaring ma-enjoy ang karanasang hindi pa nila nararanasan magpahanggang ngayon.  Sa pamamagitan ng pagsubok sa mgahandicraft, panonood ng pelikula at planetarium panibagong kaalaman ang kanilang mapupulot.

Interview sa tagapamahala ng Mie Kodomo no Shiro

「Ang planetarium na may laking 22 meter ang pinakamalaking dome dito sa prefectura kung saan masisiyahang tingnan ng mga bata ang kagilas gilas na ganda ng mga bituin sa kalangitan.

Bukod dito, maaaliw din ang mga bata sa mga event na nagbabago  kada linggo katulad ng art at science space at maging ang 7 meter na taas ng climbing wall ay nakakatuwa din.」

Maari kang bang magbigay ng mensahe sa mga dayuhan bilang huling salita.

「May mga empleyadong nakatalaga sa iba’t ibang lugar ng pasilidad ng Kodomo no Shiro. Buong puso  naming kayong paglilingkuran, kayat huwag mag-atubiling pumasyal dito.」

Para sa detalye, bisitahin ang homepage ng Mie Kodomo no Shiro: http://www.mie-cc.or.jp/map/