One coin concert vol. 57 Aura Veris

2015年4月17日(金)津市でコインコンサートvol.57開催

2015/04/08 Wednesday Seminar at mga events

One coin concert  vol. 57 Aura Veris

Aishu no Hibari Sound

one coin concert vol.57

 

Piano: Hayashi Soyoka

Cello: Hayashi Haruka

Ang one coin concert series ay nagkakahalaga ng 「500 yen」na magtatagal ng「1 oras」. Ito ay isang casual concert kung saan 「masisiyahang making sa mga maiikling tugtog」「habang nakikipag-usap」.

Petsa: Abril 17, 2015

Simula ng bukas ng venue: 10:45  Simula ng Performance 11:30  Tapos ng Performance 12:30

Lugar: Mie Cultural Center – Large Hall

Amount: Free seats 500 yen

Ticketing:  walang pre-selling ng ticket:  Direktang bumili sa venue.

Babysitting:  Edad 0 ~ bago mag-elementarya (first come, first serve, kailangang magpa-reserba para dito)

Detalye: http://www.center-mie.or.jp/bunka/event/detail/2434 (Homepage ng Mie Cultural Center)

one coin concert vol.57- fernte

 

one coin concert vol.57- verso

(Abril 2015) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura

2015/04/08 Wednesday Seminar at mga events

県営住宅の定期募集について (平成27年4月募集)

(Abril 2015) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura

Panahon ng Aplikasyon: April 3, 2015 (Biyernes) hanggang April 30, 2015 (Huwebes)

Simula Abril 1 ay maaring alamin sa website na nasa ibaba ang mga detalye tungkol sa basic information ng pabahay  (katulad ng lugar, sukat , upa at iba) at kung paano mag-apply para dito.

http://www.pref.mie.lg.jp/JUTAKU/HP/kenju/index.htm

Kahit kailan ay maari ninyong makita sa website na nasa itaas ang tungkol sa mga kuwalipikasyon sa pag-upa at ang mga paalala tungkol sa pag-upa.

Lahat ng impormasyon ay sa salitang Hapon.

Schedule ng Aplikasyon (Taon-taon ay pareho ang panahon ng pag-apply)

Buwan ngAplikasyon Panahon ng pagpasa ngaplikasyon sa post office Araw ng Bunutan Unang araw ng pag-upa
ABril Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 30 ng buwan Kalagitnaan ng Mayo Hulyo 1
Hulyo Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Agosto Oktubre 1
Oktubre Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Nobyembre Enero 1
Enero Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Pebrero Abril 1

Ang araw ng simula ng pagpasa ng aplikasyon ay matatapat sa unang araw ng Martes o Biyernes ng buwang nakasaad sa itaas.  Subalit sa buwan ng Enero, mula Enero 4 ang unang araw na matatapat ng Martes o Biyernes ang simula ng pag-apply.
Sa mga katanungan: Mie Prefecture Land Development Division Housing Section Housing Management Team
Tel: 059-224-2703 ( Sa salitang Hapon lamang maaring makipag-usap)