[2015] Mie Citizen’s Day

平成27年4月18日(土)に津市で「県民の日」が開催されます

2015/04/13 Monday Selection, Seminar at mga events

Ang gobyerno ng Mie ay magtatanghal ng isang event para ipagdiwang ang “Mie Citizen’s Day” sa Abril 18 (Sabado) na gaganapin sa Mie Cultural Center (Tsu shi Ishinden Kozubeta), para mas mapalawak ang interes at kaalaman ng mga mamamayan sa lugar na kanilang kinalakihan.

Kahit sino ay maaring dumalo, kaya’t halina at makisaya. (Hindi kailangan ang reserbasyon)

Petsa: Abril, 18, 2015 (Sabado) 10:00~16:00
Lugar: Mie Cultural Center (Tsu shi Ishinden Kozubeta 1234)
Bayad: Libre

Schedule

・Panimula (Festival Plaza 10:00~10:20
Mie University 「Gotsu Group」Yosakoi Presentation

・Exhibits・Pagsubok・Tindahan (10:00~16:00)
– Exhibit ng robot na gawa ng mga estudyante
– Health check, Konsultasyon kung paano makapasok sa unibersidad
– Simulator Vehicle kung saan maaring masubukan ang pag-uga ng lindol
– Mga pagkaing gawa sa local ng produkto
– Pagbebenta ng mga handicrafts at pagtikim ng mga pagkain
– Pagsubok gumawa ng wood craft

・Stage event (Middle Hall 13:00~14:00)
Traditional music presentation mula sa Kogakkan University at Symphonic Band Mula Mie University

・Commemorative Lecture (Middle Hall 14:00~15:30)
Paksa: 「Sa pag-abot sa isang pangarap~Hindi magtataksil ang pagsisikap」
Speaker: Utsugi Taeko (Former coach ng Japan Women’s Softball Team)

Para maging maayos ang paligid, hanggat maari ay gumamit ng public transportation. ( Inaasahan na sa araw na ito ay puno ang parking area)
Maaring mabago ang schedule kung sakaling umulan
Maaring maisara ang mga tindahan at iba pang aktibidad sakaling maubos ang mga paninda at ginamit na materyales.

Iba pang ktibidad

Libreng bayad sa mga pasilidad ng gobyerno
Kasabay sa pagdiriwang ng “Mie Citizen’s Day” ang ilang exhibits sa “MieMu” ay magiging bukas sa publiko ng libre at ang ilang pampublikong pasilidad ay (magkakaron ng discount sa pagpasok)
Alamin ang detalye sa mga pasilididad na ito. (listahan ng mga pasilidad)

kenmin-no-hi1 kenmin-no-hi2

One coin concert vol. 57 Aura Veris

2015/04/13 Monday Selection, Seminar at mga events

2015年4月17日(金)津市でコインコンサートvol.57開催

One coin concert  vol. 57 Aura Veris

Aishu no Hibari Sound

one coin concert vol.57

 

Piano: Hayashi Soyoka

Cello: Hayashi Haruka

Ang one coin concert series ay nagkakahalaga ng 「500 yen」na magtatagal ng「1 oras」. Ito ay isang casual concert kung saan 「masisiyahang making sa mga maiikling tugtog」「habang nakikipag-usap」.

Petsa: Abril 17, 2015

Simula ng bukas ng venue: 10:45  Simula ng Performance 11:30  Tapos ng Performance 12:30

Lugar: Mie Cultural Center – Large Hall

Amount: Free seats 500 yen

Ticketing:  walang pre-selling ng ticket:  Direktang bumili sa venue.

Babysitting:  Edad 0 ~ bago mag-elementarya (first come, first serve, kailangang magpa-reserba para dito)

Detalye: http://www.center-mie.or.jp/bunka/event/detail/2434 (Homepage ng Mie Cultural Center)

one coin concert vol.57- fernte

 

one coin concert vol.57- verso