Pre-school education

[教育シリーズ②] 就学前教育

2013/11/11 Monday Edukasyon, Edukasyon

Ang pre-school na edukasyon para sa mga batang nasa under school age ay ibinibigay sa Kindergarten.pre ensino filipino

 Kindergarten (Youtien)

Ang Kindergarten ay educational institution na ipinahayag sa pamamagitan ng batas ng  pang-edukasyon at naglalayon sa mga batang may edad na tatlo at pataas hanggang ang bata ay dumating sa edad na papasok ng elementarya. Sa mga institusyong ito, ang mga bata ay makatanggap ng edukasyon sa pamamagitan ng mga mahalagang punto ng pre-school (nakasaad sa pamamagitan ng Ministry of Education). May mga pambansa, pampubliko at pribadong Kindergarten na pinapatakbo sa pamamagitan ng pambansang pamahalaan, mga lokal na pamahalaan, at mga legal na entidad ng edukasyon.

Pang-publikong kindergarten Pang-pribadong kindergarten
Bukas para sa Mga bata na may edad 3 taong gulang hanggan dumating sa edad na papasok sa elementary school at nakatira malapit kung saan papasok na eskwelahan (ang edad ng enrollment ay depende sa syudad, munisipalidad at institusyon) Mga bata na may edad 3 taong gulang hanggan dumating sa edad na papasok sa elementary school  (depende sa institusyon)
Horas ng pasok Ang basic na period ay 4 na oras

*Epektibong oras ng child care (ang epektibong oras ay depende sa institusyon)

 

 

 

Ang basic na period ay 4 na oras

*Epektibong oras ng child care

(ang epektibong oras ay depende sa institusyon)

 

 

Enrollment period Para sa enrollment, makipag-ugnayan sa Secretary of Education ng inyong munisipalidad o dumeretso sa institusyon kung saan ninanais i-enroll ang anak. Dumeretso sa institusyon kung saan ninanais i-enroll ang anak.(ang enrollment period ay simula sa september hanggan sa umpisa ng november)
Emission at resibo ng enrollment form Para sa enrollment, makipag-ugnayan sa Secretary of Education ng inyong munisipalidad o dumeretso sa institusyon kung saan ninanais i-enroll ang anak. Dumeretso sa institusyon kung saan ninanais i-enroll ang anak.
Bayarin Child care fee (Ang bayarin ay depende sa munisipalidad kung saan nakatira) Enrollment fee, child care fee, maintenance facilities fee, atbp ( Dumeretso sa institusyon kung saan ninanais i-enroll ang anak.)
School region Ang syudad o munisipalidad kung saan nakatira. Walang partikular na limitasyon
Atbp Ang paghatid-sundo ng mga magulang at pag-prepare ng pananghalian ay kinakailangan. Para sa iba pang mga detalye, kumunsulta sa Board of Education ng inyong munisipalidad kung saan nakatira o dumeretso sa institusyon kung saan ninanais i-enroll ang anak). Ang ilang mga munisipyo ay nagbibigay ng subsidies, tulad ng tulong sa mga bayarin sa entrance fee at bayarin sa child care fee, ang pribadong kindergarten ay pinamamahalaan sa ilalim ng iba’t-ibang prinsipyo ng edukasyon, para sa ibang detalye kumunsulta sa kindergarten.

Youtien

Nursery schools

Ang nursery schools na tinatawag na HOIKUSHO at HOIKUEN. ay ang lugar kung saan may Child care para sa mga babies na mga few months old hanggang sa dumating ang mga bata sa edad na pwede ng pumasok sa school

Nursery schools (hoikusho, hoikuen)

Ang Nursery schools ay isang institusyon kung saan nagaalaga ng mga babies na may ilang buwan pa lamang at mga bata tuwing umaga at tanghali na hindi maalagaan sa bahay dahil sa trabaho o di kaya may sakit ang mga magulang. Ang halaga ng bayarin ng nursery school ay depende sa halaga ng sahod ng mga magulang. Ang basiko na oras ay 8 hours kada araw.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga ganitong institusyon, kumunsulta sa information desk ng inyong munisipalidad kung saan nakatira.Creche

Daycare-kindergartens  (Nintei-kodomo-en)

Ang Daycare-kindergartens ay ang pinagsamang function kindergarten  at  nursery  schools.  Ang bata ay maaring makatanggap ng pinagsamang pre-school  education  at day-care nagta-trabaho man o hindi ang mga magulang o guardian tuwing umaga. Ang Daycare Kindergarten ay nagbibigay ng kunsultasyon sa lahat ng pamilya ng mga bata at nagkakaroon ng mga group meetings na may partisipasyon ng mga magulang at bata.

Para sa iba pang mga impormasyon tungkol sa mga ganitong institusyon, kumunsulta sa KoritsuNinteiKodomo-en (public institution) ng munisipalidad kung saan nakatira. Para naman sa mga impormasyon tungkol sa pribadong institusyon,  (ShiritsuNinteiKodomo-en) Dumeretso sa institusyon kung saan ninanais i-enroll ang anak.

Ang sistema ng edukasyon sa Japan

2013/11/11 Monday Edukasyon, Edukasyon

[教育シリーズ①] 日本(三重県)の教育制度について

Ang sistema ng edukasyon sa Japan ay binubuo ng kabuuang anim na taon sa elementarya, tatlong taon ng junior high school, tatlong taon ng senior high school at apat na taon ng university (o dalawang taon ng junior college).sistema ensino filipino

Ang Compulsory education

Dahil ito ay compulsary education, kabilang sa 6.3.3.4 na taon ng edukasyon, ang bawat bata ay dapat pumasok at magtapos mula sa isang paaralang elementarya at junior highschool. Ang compulsory education ay isang obligasyon para sa mga mamamayang Hapon. Gayunman, ang mga bata na may edad na 6 hanggang 15  taong gulang na may mga banyagang citizenship ay maaaring pumasok o ilipat sa lokal na paaralang elementarya o junior high school anuman ang kanilang nasyonalidad, na may parehong mga gastos katulad ng mga mamamayang hapon.

Sa paghahanda ng kinabukasan ng inyong anak ay makakadulot ng maganda kapag ipinasok o ilipat ang anak sa isang paaralan. Mangyaring kumunsulta sa Municipal Administrative Office ng lugar kung saan nakatira.sistema ensino filipino

At iba pa

Karamihan sa mga estudyante sa Japan ang nakakapag-aral sa highschool at pagkatapos ay sa unibersidad. Upang maka-pasok sa isang high school o unibersidad, ang mga aplikante ay kailangang kumuha ng entrance examination.

Mayroong mga kindergartens para sa mga under school age na mga bata. May mga espesyal na training schools at miscellaneous school para sa junior highschool at high school graduates na kung saan itinuturo sa kanila ang mga kasanayan at kaalaman na kailangan para sa isang bokasyon. Para naman sa mga bata na may kapansanan ay  may mga paaralan na nagbibigay ng edukasyon sa may mga special needs.

National/public schools at private schools

Ang mga paaralan ay ikinategorya sa tatlong uri ayon sa nasasakupang management. Ang National School ay pinapatakbo sa pamamagitan ng pamahalaan ng national na gobyerno, Ang mga pampublikong paaralan ay pinamamahalaan ng mga lokal na munisipyo, at ang pribadong paaralan ay pinamamahalaan ng mga incorporated educational institutions.

Ang pagpasok sa mga pampublikong elementarya at junior high school bilang isang pangkalahatang prinsipyo ay tinutukoy ayon sa mga distrito ng paaralan kung saan nakatira ang mga mag-aaral, at hindi kinakailangan kumuha ng entrance exam, samantalang ang mga mag-aaral na nais pumasok sa isang pribadong paaralan ay dapat pumasa sa isang entrance exam.

School year, Semester, at bakasyon

Ang school year sa Japan ay nagsisimula sa Abril at nagtatapos sa March ng susunod na taon.

Karamihan sa mga paaralan ay may tatlong semester sa isang school year. Ang first semester ay sa April hanggang July, Ang second semester ay September hanggang December at ang third semester ay January hanggang March. Kada semester ay sinusundan ng isang bakasyon: mga 40 na araw sa summer vacation, dalawang linggo ng winter vacation at ganon din sa spring vacation.

*Sa ibang paaralan, ay binubuo lamang ng dalawang semester sa isang school year. Sa ganitong kaso, ang first semester ay sa April hanggang September at ang second semester ay sa October hanggang March. Bukod sa summer vacation, winter vacation at spring vacation, ay may 4 hanggang 6 days na autumn vacation din na ibinibigay sa pagitan ng dalawang semester.

[Source]

Counsel of Autonomous Bodies for Internationalization

http://www.clair.or.jp/tagengo/index.html