Elementary at Middle School Life (1)

[教育シリーズ④]小学校・中学校での生活(パート1)

2013/12/10 Tuesday Edukasyon, Edukasyon

Elementary at Middle School Life (1)

Ang isang araw sa paaralan

Ang haba ng lesson, ang mga araw ng pag punta sa paaralan, mga araw kung kailan bukas ang paaralan at ang mga araw ng school year ay nag-iiba depende sa kada paaralan. Ang isang school day ay maaaring may apat hanggang anim na lesson (Sa elementary school, ang isang lesson ay mahigit 45 minutes, at sa middle school na lesson naman ay nasa 50 minutes).japanese-school-guide 01

[ Pananghalian ]

Sa elementary school, ang lahat ng estudyante ay binibigyan ng lunch kung saan kinakain nila ito ng sabay sabay. Sa middle school naman ay may dalawang klase ng paaralan na kung saan ang isa ay nagbibigay ng lunch at ang isa naman ay kinakailangang magdala ng sariling lunch galing sa kanilang bahay.

*Ang school dinner fees ay babayaran ng mga magulang o guardian ng estudyante (Ang karaniwang bayad ay nasa 3,500 yen hanggang 4,000 yen kada buwan).

[ Oras ng paglilinis ]

Sa mga Japanese schools, ang lahat ng mga estudyante at mga teachers ay may responsibilidad na linisin ang kanilang classrooms at hallways na ginagamit araw-araw.japanese school clean 01

[ After school club activities ]

Sa middle school, ang mga estudyante ay maaaring makapili na sumali sa mga sports at culture clubs na kung saan nagsisimula ito pagkatapos ng klase sa eskwelahan.

Mga bagay na kailangan sa school

[ Elementary Schools ]

Damit at mga kagamitan

Ransel backpack, name badge, sports clothes, indoor shoes (at bag na paglalagyan nito), gym shoes, swimming costume, swimming cap, atbp.

Gamit sa pag-aaral

Textbooks, notebooks, desk pad plastic sheet (shitajiki), pencil case, pencil, eraser, scissors, glue, ruler, coloured pencil, painting set, calligraphy set, pianica, recorder, atbp.

Atbp.

Lunch bag, toothbrush set, flask, atbp.

Mga bagay na kailangan sa school 《Middle School》

Uniform, school bag, outdoor shoes na gagamitin papuntang school, name badge, sports clothes, slippers, gym shoes, swimming costume at swimming cap, textbook, notebook, document collection, dictionary, writing stationary.japanese-school-students 01

 

*Ang listahan na ito ay isang example lamang sapagkat sa kada paaralan ay may iba’t-ibang mga bagay na kakailanganin ang mga estudyante. Mangyaring magtanong sa bagong eskwelahan tungkol sa mga detalye ng mga kagamitan na kakailanganin ng inyong anak

*Ang textbooks sa elementary at middle school ay libre.

*Mangyaring lagyan ng pangalan ang lahat ng kagamitan ng inyong anak.

*Ang impormasyon ng video na ito ay base sa impormasyong galing sa Mie Prefectural Board of Education documents:

Elementary school at Junior high school

2013/12/10 Tuesday Edukasyon, Edukasyon

[教育シリーズ③] 小学校・中学校

Image2Sa Japan, ang edukasyon na anim na taon sa Elementary school at tatlong taon ng Junior high school ay compulsory. Ang school life ay mai-involve sa Japanese customs, events at mga patakaran. Mangyaring pangahalagahan ito at hikayatin ang inyong anak na mag-enjoy sa school life na walang stress.

Ang sistema ng edukasyon sa Japan

School age

Ang ibig sabihin ng school age ay ang edad na kung saan ang bata ay may anim na taong gulang na makakapasok sa elementary school at doseng taong gulang na makakapasok sa Junior high school. Sa Japan, ang estudyante ay nasasakop ng kada-grade na naaayon sa kanilang edad. Ang mga estudyanteng banyaga ay siguradong makaka-transfer sa isang grade na sang-ayon sa kanilang edad.

Pre-school education

Fees

National/Public schools Ang entrance fees, tuition fees at textbooks ay ihahandog ng walang bayad para sa estudyante ng elementary at junior high. Ngunit, ang teaching materials katulad ng textbooks, school supplies, lunch, excursions at uniforms ay kailangang bayaran ng sariling gastos.
Private

schools

 

Ang entrance fees at tuition fees ay kailangang bayaran ng sariling gastos.

 

Paraan ng pagpasok

Kapag ninanais ipasok ang anak sa Public Elementary School, ikaw ay pinapayuhang bumisita sa inyong Municipal Administrative Office o di kaya sa Board of Education at ipaalam ang inyong intension na ipasok ang anak sa eskwelahan ng Japan.Image1

Doon ay mabibigyan kayo ng application form na “Nyugaku Shinsei Sho”. Punan ang application form kasama ang kinakailangan na mga data at ipasa ito sa parehong service desk.

Kapag ninanais naman na ipasok ang anak sa National o Private Elementary School or Junior High School, mangyaring dumiretsong mag-apply sa kada paaralan.

Sa mga naka-register sa Jyuminhyou (Basic Registration of Residents), ang school entrance guide ay ipapadala sa mga magulang/guardians ng mga bata na papasok sa eskwelahan sa dadating na school year. Kapag hindi nakatanggap ng entrance guide sa gitna ng umpisa ng taon hanggang Febuary, Mangyaring kumunsulta sa municipal administrative office o sa Board of Education.

 Paraan ng pag-transfer (Pagkatapos ng entrance)

Kapag ninanais na i-transfer ang anak sa public elementary school o junior high school, bumisita sa inyong Municipal Administrative Office at isagawa ang mga hakbang ng pagtransfer at ang anak ay mata-transfer na sa tinakdang paaralan sa tinakdang araw. Sa kabuuan, ang bata ay mata-transfer sa grade ayon sa kanyang edad. Subalit, may posibilidad din na malagay ang anak ng temporary sa mas mababang grade dahil sa mga kalagayan katulad ng pagkukulang sa abilidad sa salitang hapones. Kapag may katanungan tungkol dito, mangyaring kumunsulta sa Board of Education ng inyong municipal administrative office o sa mga teachers ng mga eskwelahan.

Kapag ninanais na ipasok ang anak sa National o Private School, mangyaring mag inquire diretso sa mga respective schools.

School life (Kapag ang bata ay hindi pa sanay magsalita ng Japanese Language)

Ang mga klase ay ituturo sa wikang Japanese. Kaya’t, maraming mga elementary schools at junior high schools na magkakaroon ng Japanese Education Program para sa Japanese learners.

School life (school activities)

May mga activities sa school katulad ng gym,school excursions, study trip, at iba pang mga activities. Ang school ay magpapadala sa mga estudyante ng mga materyales ng impormasyon ukol sa bawat activities. Kailangang basahin ang mga impormasyon at i-check ang nilalaman para makasali ang inyong anak sa mga activities.

 PTAs

Ang bawat eskwelahan ay magkakaroon ng Board of Education ng mga magulang at mga guro na tinatawag na PTAs (Parent-Teacher Associations). Ito ay isang organisasyon kung saan gumagawa ng mga activities ang mga magulang at teachers para sa kapakanan ng kanilang mga anak.

Children’s Club (gakudo clubs)

Ang Children’s Club ay para sa mga bata na nasa mababang grades ng elementary school na walang magulang na magaalaga tuwing daytime. May inihandang lugar para sa mga bata para sa after school hours at naglalayong mapangalagaan ang pisikal, emosyonal na kalusugan ng bata sa pamamagitan ng mabuting paglalaro. Para sa iba pang impormasyon, magtanong sa Municipal Office ng inyong syudad.

 Pagkatapos ng graduation sa junior high school

Mayroong iba’t ibang pagpipilian para sa junior high school graduates patungo sa kanilang pag-aaralan. Maaari silang magaral sa high school o specialized high school, o di kaya ay mag-aral sa specialized training schools, miscellaneous schools o vocational training schools. Maaari din silang pumili na magtrabaho habang nag-aaral under ng Part-time System o sa Correspondence Course.

[Source]

Counsel of Autonomous Bodies for Internationalization

http://www.clair.or.jp/tagengo/index.html