Tayo na’t kilalanin ang Mie: Nabana no Sato 三重県内の有名な観光スポット「なばなの里」を知ろう! Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2017/02/07 Tuesday Alamin ang Mie, Kultura at Libangan Para sa mga sumusubaybay sa Mie Info, Nandito ako ngayon para ipakita sainyo ang Nabana no Sato. Ang Nabana no Sato ay isang lugar na pwedeng ma-enjoy ng buong taon. Sa loob nito ay madaming magagandang attractions tulad ng Seasonal Flowers, Begonia Garden, Winter Illumination at marami pang iba. Ngayon araw na ito, gusto kong ipakilala sainyo ang mga magagandang lugar na ito sa loob ng Nabana no Sato. Ang Nabana no Sato ay matatagpuan sa Mie Ken Kuwana Shi, Ito ay ang lugar kung saan mae-enjoy ng buong taon ang mga magagandang bulaklak ng kada season ng buong taon katulad ng tulips, roses, daffodils at iba pang mga halaman at bulaklak. Makikita ang mga iba’t-ibang uri ng bulaklak at halaman sa 9,000㎡ na greenhouse, ang Begonia Garden naman na may 12,000 trees ay nakatanim sa isang espesyal na lugar. Ang Begonia Garden ay nahahati sa ilang mga lugar, at sa kada lugar nito ay may maraming klase ng begonias na namumulaklak. Ang pagiging makulay nito, kagandahan at mahalimuyak na amoy ay syang nakaka-akit ng madaming mga bisita. Tignan po natin ang mga ito. Ang season ng pinaka-maraming namamasyal ay tuwing winter na kung saan ginaganap ang illumination. Dito sa Nabana no Sato, mae-enjoy ninyo ang pinaka-malaking illumination ng Japan na kung saan ang lugar ay binubuo ng millions na LED lights. Ang illumination period ay ginaganap kada taon simula sa Oktubre hanggang Mayo. Ang illumination ng 2016 ay nagsimula ng October 15 hanggang May 7, 2017. Maaari nyong i-check ang schedule sa official site ng Nabana no Sato. Ang masterpiece nito ay ang 200 meters na haba na “Tunnel of Light” na binubuo ng matitingkad na kulay ng bulb na may motif ng cute na petals at ang malawak na ground na naging engrandeng illumination na sea of light. Mayroon ding mobile observatory na pwedeng sakyan at makita ang view ng buong garden. Mararating ninyo ang theme area pagkatapos ninyong dumaan sa “Tunnel of Light”. Maaaring matunghayan ang light show na may music ng 2016 na may temang “Earth”. Sa engrandeng illumination na ito ay matutunghayan ang mga Iba’t-ibang magagandang scenery ng mundo na gustong mapuntahan ng mga tao at ipapakita ito ng sunod-sunod. The Americas Monument Valley Antartica African Continent Eurasia Continent Plitvice Lakes National Park Tanada “Rice Terraces” (Japan) Pagkatapos dumaan sa theme area, ay makakarating sa isa pang magandang light tunnel na may temang “Autumn”. Ito ay katulad ng autumn leaves at nag-iiba ang kulay na magkasunod na kulay green, orange at red. Ang symbol tree na”Twin Tree”, na matatagpuan malapit sa chapel ay napiling Christmas tree ng Japan noon 2015. Ito ay may dekorasyon sa mga sangay nito ng LED light bulb at kasabay ng illumination ay ang malagong dahon nito. Maaari din na magwedding ceremony sa chapel na ito. Ang “Hikari no Taiga” ay isang kakaibang illumination sa buong bansa, ito ay nagre-representa ng elegante at delicate river at ang daloy ng masiglang waterfalls. Mae-enjoy ninyo ang kagandahan ng iba’t-ibang pagbabago ng daloy ng river na may dynamic na effect kasabay ng BGM (Back Ground Music). Bukod pa dito, Ang park ay may higit na 10 restaurants at mae-enjoy ninyo kasama ang inyong pamilya, ang Japanese food, at mga gourmet katulad ng Italian at Chinese. May mga inilagay din na Foot Bath para mapawi ang pagod at pwede itong magamit para makapag-relax. May mga tindahan din para sa souvenirs at ibang shops tulad ng flower shop at bakeshop malapit sa entrance. Ang Nabana no Sato ay isang open na lugar na pwedeng makapag-unwind ang kahit sino. Makaka-spend ng araw ng masaya sa loob ng magandang park na puno ng masayang attractions na may makulay at diverse na mga bulaklak at halaman. 【Nabana no Sato Kumagai San Interview】 Maaari nyo bang ibahagi saamin ang kagandahan ng Nabana no Sato. 「Ang Nabana no Sato ay nagbukas noon 1998 para ma-enjoy ang mga bulaklak ng apat na season, at para lubos-lubusang ma-enjoy ng mabuti ang mga scenery ng kada-season. Sa Spring ay matutunghayan ang mga plums, maagang pagsibol ng Kawazu cherry tree at mga tulip na nakakalat sa buong park. Sa summer naman ay ang hydrangea, flower gourd at sa autumn naman ay mga cute na cosmos, madaming uri ng dahlias at seasonal flowers. At ang illumination sa loob ng park ang pinaka main attraction, sa palagay ko ay ito ang pinaka-charm at kasayahang mararamdaman pagpumunta sa Nabana no Sato.」 Maraming salamat po, at sa pagtatapos, maari ba kayong magbigay ng mensahe para sa mga foreign residents. 「Ang Nabana no Sato ay isang napakahalagang lugar na kung sa maaaring ma-enjoy ang magkasang seasonal flowers at illumination. Siguradong magugustuhan din ng mga taga-ibang bansa ang magandang scenery ng Japan at iba’t-ibang pagkain katulad ng Japanese, Western at Chinese at pati na din sa Natural Hot Spring. Kaya’t inaanyayahan namin kayo na magspend ng time para makapag-relax dito sa Nabana no Sato.」 Business hours(Winter Illumination Period) Weekdays: 9 am hanggang 9 pm Weekends and Holidays: 9 am hanggang 10 pm Admission Fee: Elementary student pataas 2,300 Yen/person(May ibibigay na 1,000 Yen worth na coupon na maaring gamitin sa loob ng park) Parking: FREE Access: 〒511-1144 Mie Ken Kuwana Shi Nagashima Cho Komae Urushibata 270 MAP: Mangyaring i-click dito Website: www.nagashima-onsen.co.jp Business hours(Winter Illumination Period): http://www.nagashima-onsen.co.jp/nabana/illumination/time_price.html/ Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Tokai San Ken Ichi Shi Green Konyu Campaign STOP! Ilegal na pagtapon ng basura! » ↑↑ Next Information ↑↑ Tokai San Ken Ichi Shi Green Konyu Campaign 2017/02/07 Tuesday Alamin ang Mie, Kultura at Libangan 東海三県一市グリーン購入キャンペーンについて Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp ~Gusto nyo bang mag-eco-friendly shopping?~ Upangmatiyakangpaglaganapat pagtatag ng Green Kanyu o ang eco-friedlynapamimili, angmga administration, organizations at mga business operators ay nagkaroon ng collaboration satatlong prefectures sa Tokai area. gaganapinang “Tokai San Ken Ichi Shi Green Kanyu Campaign”. anglayunin ay para makabuo ng isang sustainable na society sapamamagitan ng pamilyarnapaguugalipagdatingsapamimili. Sa panahon ng campaign period, kapagikaw ay bumili ng mgaproduktona may konting impact o pinsalasakalikasankatulad ng Environmental labeled product, Local at seasonal items, Refill Products, atbp. na may Eco Mark nanakalagay, ay magkakaroon ng chance namakasalisa pa-raffle at pipili ng 5 taonamanalo ng QUO Card na worth 10,000 Yen. at bukod pa dito, mamimigay din ng prizes tulad ng detergent at shampoo na may kasamang Refill Product Set para sa 250 katao. *Green Konyu・・・Kapagbumili ng mgaprodukto at mgaserbisyo, mangyaringalalahaninangmgakinakailangan para sapagbili ng mgabagayna may konting impact o pinsalasakalikasan Paraan ng pag-apply Lagdaanang “Prize application postcard” namatatagpuansamgakasalingtindahan, isulatsa postcard ang: ① Postal code, address, tel.no. ②Pangalan ③Pangalang ng nabilingprodukto ④Ilagayangpangalan ng shop kung saanbumili Paki-sagutanang questionnaire at ipadalaito. Maaari din namakapag-apply at makasaliang application form sa homepage ng Tokai San Ken Ichi Shi Green Kanyu Campaign. Campaign Homepage(Japanese only) Application Form(Japanese only) ※o di kaya i-search ang「Tokai Green Konyu Katsudo」 Application Period January 13 (Fri) hanggangFebuary 12 (Sun) (para sa postcard, siguraduhing may postmark ito) ※Major Environmental Labels(Japanese only) 【Makipag-ugnayansa】 Mie Ken KankyoSeikatsu-buChikyuOndankaTaisaku-ka (Mie Prefecture Environment Division Department Global Warming Treatment Division) TEL: 059-224-2366 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp