Notisya mula sa Mie Foreign Residents Support and Consultation Center (MieCo)

みえ外国人相談サポートセンター(MieCo)のお知らせ ~受付時間は、平日9時~16時です~


Ang oras ng serbisyo ay mula Lunes hanggang Biyernes, 9:00 AM hanggang 4:00 PM.

Sa Mie Prefecture, mayroong consultation center para sa mga dayuhang residente na tinatawag na MieCo. Maaari kang magtanong sa pamamagitan ng telepono o makipag-usap nang direkta sa isang attendant sa service counter. Libre ang konsultasyon (ang bayad sa tawag sa telepono lamang ang sisingilin).

Kung nais mong kumonsulta sa telepono

Tumawag sa 080-3300-8077

Kapag nasagot ang tawag, sabihin ang pangalan ng nais na wika (halimbawa: “Portuguese”). Ang konsultasyon ay isasagawa sa tulong ng isang interpreter ng wikang iyon.

Kung nais mong kumonsulta nang personal sa MieCo counter

Isang foreign language speaking staff ang tutulong sa iyo. Kung walang staff na nagsasalita ng wika ng kumukunsulta, isang interpretation service sa telepono ang gagamitin.

Address:

700 Hadosho-cho, Tsu-shi – AST Tsu, 3rd floor
Sa loob ng Mie Prefectural Exchange CenterMie International Exchange Foundation (MIEF)

Paano pumunta:

  • Train: 1 minutong lakad mula sa east exit ng Tsu Station.
    Sasakyan: Libreng parking nang hanggang 30 minuto. Pagkatapos ng oras na iyon, mayroon ng bayad.

Oras ng Pagbukas

Lunes hanggang Biyernes
(Sarado tuwing Sabado, Linggo, official holiday, at mula Disyembre 29 hanggang Enero 3)
9:00 AM – 4:00 PM

Mga available na language

English, Portuguese, Spanish, Filipino, Chinese, Korean, Vietnamese, Nepali, Indonesian, Thai, and Japanese.

Para sa mga nais kumonsulta sa mga espesyalista (abogado, clinical psychologist, Immigration Services Agency, o espesyalista sa social security at employment), mangyaring tignan ang artikulo sa MieInfo.

Mga information pamphlet

Available sa mga sumusunod na language: