National Spring Traffic Safety Campaign 「春の全国交通安全運動」を実施します Share! Share on Facebook (Opens in new window) Facebook Email a link to a friend (Opens in new window) Email Share on X (Opens in new window) X Share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp Marso 16, 2026 Anunsyo, Kaligtasan Ang spring ay ang panahon kung kailan nagsisimula ang mga bata sa kindergarten o elementarya ng may excitiement.. Habang umiinit ang panahon at dumarami ang mga pagkakataon para lumabas, may mga pangamba tungkol sa pagtaas ng mga aksidente sa trapiko. Itaas natin ang ating kamalayan sa kaligtasan sa trapiko at sikaping ligtas na magmaneho nang may mahinahong pag-iisip at sapat na oras. Panahon 10 araw mula Abril 6 (Lunes) hanggang Abril 15 (Miyerkules), 2026 (Abril 10 (Biyernes) ay “Araw para Hangarin ang Zero Fatalities sa Trapiko”) Focus ng Campaign (1) Pagtiyak sa Kaligtasan ng mga Naglalakad, Kabilang ang mga Bata, sa mga Ruta ng Paaralan at mga Residential Roads Bilangi sang Lipunan, protektahan natin ang napaka-halagang buhay ng mga bata, na siyang pag-asa ng susunod na henerasyon. Ang mga bata ay minsan maaaring kumilos nang hindi inaasahan. Kapag nakakita ka ng bata, bagalan ang iyong sasakyan at magmaneho nang ligtas. Sa mga ruta ng paaralan at mga kalsadang pang-residensyal, bukod sa pagsunod sa mga patakaran sa trapiko, pigilan natin ang mga aksidente sa trapiko sa pamamagitan ng pag-alam na “ang mga tao ay may prayoridad sa mga kalsadang pang-residensyal.” Kapag may malapit na tawiran, palaging gamitin ito, at laging huminto at suriin ang kaliwa at kanan bago tumawid. Gayundin, suriing mabuti ang kaliwa at kanan habang tumatawid. Ang “paglalakad habang gumagamit ng smartphone” ay lubhang mapanganib dahil nawawalan ka ng kamalayan sa iyong paligid. Kung kinakailangan, huminto sa isang ligtas na lugar at saka mag smartphone. (2) Pagpigil ng Distracted Driving at Pagpapabuti ng Kamalayan sa Ligtas na Pagmamaneho, Kabilang ang Pag-prioritize sa mga Naglalakad Ang paggamit ng smartphone habang nagmamaneho (tinatawag na “distracted driving”) ay isang mapanganib na gawain na maaaring humantong sa kawalan ng atensyon at pagkagambala, kaya’t mangyaring huwag itong gawin. Ang pagmamaneho nang lasing ay ganap na ipinagbabawal Ang pagmamaneho nang lasing ay may mabibigat na parusa. Kung ikaw ay mahuli sa pagmamaneho nang lasing o magdulot ng aksidente, maaari kang mawalan ng trabaho o pamilya. Lumikha tayo ng isang kapaligiran kung saan ang pagmamaneho nang lasing ay hindi hinihikayat sa buong lipunan. Ang pag-prioritize sa mga naglalakad sa mga tawiran ay isang patakaran sa trapiko na dapat sundin. Kapag may mga naglalakad na nagtatangkang tumawid sa isang tawiran, palaging huminto at magbigay daan sa mga naglalakad. Magsuot ng seatbelt sa lahat ng upuan upang protektahan ang iyong buhay. Unawain ang mga pagkakaiba sa mga patakaran sa trapiko sa pagitan ng iyong bansang pinagmulan at iba pang mga bansa, at sikaping magmaneho nang ligtas. (3) Masusing Pag-unawa at Pagsunod sa mga Panuntunan sa Trapiko para sa mga Bisikleta at mga Partikular na Maliliit na Bisikleta na De-motor Ang mga bisikleta ay madaling sakyan ng sinuman nang walang driver’s license, ngunit bilang isang “sasakyan,” dapat sundin ng mga driver ang mga patakaran sa trapiko. Simula Abril 1, isang sistema ng abiso sa paglabag sa trapiko (ang tinatawag na “blue ticket”) ang ipapakilala para sa ilang mga paglabag sa trapiko ng mga gumagamit ng bisikleta ng taong may edad 16 pataas. Ang paggamit ng smartphone o earphone habang nagbibisikleta, o nakasakay kasama ang isang pasahero, ay mga paglabag sa trapiko. Lubos na iwasan ang reckless driving na ikakapahamak ng iyong sarili o ibang tao. Ang pagbibisikleta nang lasing ay pinarurusahan nang kasingbigat ng pagmamaneho ng kotse, kaya’t lubos na iwasan ito. Upang protektahan ang iyong buhay, ang lahat ng gumagamit ng bisikleta ay dapat magsuot ng helmet. Ang mga electric kick scooter na nakakatugon sa mga pamantayan ay inuuri bilang “mga partikular na maliliit na bisikleta na de-motor,”. Hindi kinakailangan ang driver’s license, ngunit ang mga patakaran sa trapiko tulad ng pagkabit ng plaka at ang obligasyon nakumuha ng insurance. Bago gumamit ng electric kick scooter, siguraduhing suriin ang mga patakaran sa trapiko at gamitin ito nang ligtas. Kahit na pedal lang ang gamit sa pagpapatakbo ng pedal-powered electric motorcycle (moped), itinuturing pa rin itong regular na motorized bicycle o automobile, at kinakailangan ang driver’s license. Pakitandaan ito. Awareness leaflet available dito (sa wikang Japanese lamang) Contact (sa wikang Japanese language lamang) Mie Prefecture, Environmental and Lifestyle Department, Lifestyle and Traffic Safety Division, Traffic Safety Section Tel: 059-224-2410 Share! Share on Facebook (Opens in new window) Facebook Email a link to a friend (Opens in new window) Email Share on X (Opens in new window) X Share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp « Naibalik na ang kuryente (Marso 4, 2026, 12:03 ng tanghali)