Simula Abril 2026, ang mga paglabag sa trapiko na ginagawa ng mga bisikleta ay tatanggap ng “blue fine”

Abril 13, 2026 Anunsyo, Kaligtasan

Ang bisikleta ay isang praktikal at malawakang ginagamit na paraan ng transportasyon sa pang-araw-araw na buhay, ngunit kapag hindi sinunod ang mga patakaran, maaari itong magdulot ng mga aksidente. Sa mga nakaraang taon, tumaas ang bilang ng mga aksidente na kinasasangkutan ng mga bisikleta.

Samakatuwid, simula Abril 1, 2026, ang sistemang tinatawag na “Traffic Violation Notification System” (kilala bilang “blue fine” o 青切符) — na dati nang ipinapatupad sa mga kotse at iba pang sasakyan — ay ilalapat din sa mga bisikleta.

Ano ang “Traffic Violation Notification System” (青切符)?

Ito ay isang sistemang nilikha upang gawing simple ang proseso kapag may naganap na paglabag sa trapiko.

Kung ang taong gumawa ng paglabag ay magbabayad ng multa sa loob ng tinukoy na panahon, ang kaso ay isasara nang hindi nangangailangan ng paglilitis sa korte kriminal o korte pamilya. Ang dokumentong inilabas sa kasong ito ay tinatawag na traffic violation notice, na kilala rin bilang “blue ticket” (青切符).

Edad kung saan ito naaangkop

16 taong gulang o pataas

Mga uri ng paglabag na kasama sa sistema

Mahigit sa 110 uri ng paglabag ang ipinapataw ngayon sa mga bisikleta, kabilang ang mga halimbawa sa ibaba:

  • Pag andar kahit na naka-red light
  • Hindi paghinto sa stop sign
  • Paggamit ng smartphone o cellphone habang nagbibisikleta
  • Pagpasok sa tawiran ng riles kapag sarado ang gate
  • Kabilang sa iba pang mga paglabag

Magkano ang multa

Depende sa paglabag, ang multa ay nasa pagitan ng 3,000yen at 12,000yen, katulad ng mga halagang ipinapataw sa mga moped scooter.

 Mga halimbawa ng mga paglabag sa trapiko at mga multa:

  • Paggamit ng cellphone habang nagbibisikleta: 12,000yen
  • Pagpasok sa tawiran ng riles na may harang: 7,000yen
  • Pag andar kahit nan aka-red light: 6,000yen
  • Pagbibisikleta sa isang ipinagbabawal na lugar (magkaibang direksyon keysa sa trapiko o hindi wastong pagdaan sa bangketa): 6,000yen
  • Hindi paghinto sa stop sign: 5,000yen
  • Magka-angkas sa iisang bisikleta: 3,000yen

Information pamphlet availabe (sa wikang Japanese lamang).

Upang maiwasan ang mga aksidente at mapanganib na sitwasyon, laging sundin ang mga patakaran sa trapiko kapag nagbibisikleta.