2019 Special Screening sa High School Admissions ng Mie Prefectural High School para sa mga Non-Japanese Students

平成31年度(2019年)三重県立高等学校外国人生徒等の特別枠入学者選抜について

2019/01/14 Monday Edukasyon

  1. Eligibility Criteria

Mga taong naninirahan kasama ang guardian o isang may dayuhang nasyonalidad na pina-planong manirahan sa Mie Prefecture, na hindi pa nakapasa sa loob ng 6 na taon as of Abril 1, 2019 mula sa petsa ng pagdating sa bansa.

  1. Impormasyon tungkol sa mga available na High School, kurikulum, at mga dokumento na isusumite

Pakitignan ang 2019 Mie Prefectural High School Admissions Screening Guidelines (平成26年度三重県立高等学校入学者選抜実施要項) (Japanese only), na matatagpuan sa mga sumusinod na link:

http://www.pref.mie.lg.jp/common/content/000802744.pdf

  1. Bilang ng mga aplikante

Bilang isang pangkalahatang tuntunin, ang bawat prefectural high school ay tatanggap ng hanggang 5 na non-Japanese at / o returnee  sa pamamagitan ng screening na ito. Gayunpaman, tatanggapin ng Japanese Communication Department ng Iino High School ang hanggang sa 10 na non-Japanese at / o returnee. Ang mga nabanggit na numero ay sumasalamin sa kabuuang bilang ng mga application na tinanggap sa panahon ng parehong una at ikalawang semestre ng admission. Ang pinakamataas na kapasidad ng bawat paaralan ay isasaalang-alang sa panahon ng proseso ng admission, at walang paaralan na lalampas sa quota ng mag-aaral.

  1. Panahon ng pagtanggap at araw ng screening (2019)
Panahon ng pagtanggap Araw ng screening
Unang semester admission Enero 28 (Lunes) – Enero 31 (Huwebes) Pebrero 7 (Huwebes), ika-8 (Biyernes)
Pangalawang semester admission Pebrero 22 (Biyernes) – Pebrero 27 (Linggo)

(Maliban sa Sabado at Linggo)

Marso 11 (Lunes)
  1. Mga nilalaman ng screening

[Unang semester admission]

Ang mga pamamaraan ng pagsusuri ay mag-iiba ayon sa paaralan at maaaring kasama ang: mga interview, pagsusuri ng self-expression, essays, at/o written tests.

[Pangalawang semester admission]

Essay at Interview

Ang pagsusuri sa essay at interview ay isasagawa sa native language ng aplikante, English, o Japanese. Ang desisyon sa pagtanggap ng isang aplikante ay nakasalalay sa punong-guro ng paaralan. Ang isang written test ay maaari ring ibigay depende sa ng punong-guro ng paaralan

  1. Paraan ng pagpili

Batay sa “survey” kung saan nakasaad ang mga resulta ng screening at ang mga resulta sa junior high school, ay magsasagawa ng komprehensibong pagpili at ang mga matagumpay na aplikante ay mapapasya.

*Para sa mga detalye, mangyaring sumangguni sa “Mie Prefectural High School Admission Entrance Examination Requirements” 「平成31年度三重県立高等学校入学者選抜実施要項」 o sa Mie Prefectural Special Assistance Scholars Admission Guidelines「平成31年度三重県立特別支援学校入学者募集要項」 (Japanese only)

http://www.pref.mie.lg.jp/KOKOKYO/HP/000215949.htm

*Para sa impormasyon tungkol sa multilingual high school systems at scholarships, atbp. (Public Good) Pakitingnan ang “High School Admission Guidance Guidebook” na inihanda ng Mie International Exchange Foundation.

http://www.mief.or.jp/jp/guidance_guidebook.html

Makipag-ugnay sa

Mie-ken Kyoiku Iinkai Jimukyoku Koko Kyoiku-ka Career Kyouik-han

TEL: 059-224-2913 (Japanese only)

(Enero/2018) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura

2019/01/14 Monday Edukasyon

(2019年1月)県営住宅の定期募集について

Panahon ng aplikasyon para sa buwan ng Enero
Hanggang Enero 31, 2018 (Jueves)

Maaring malaman sa website na nasa ibaba ang mga detalye tungkol sa basic information ng pabahay (katulad ng lugar, sukat, upa at iba) at kung paano mag-apply para dito.

I-click dito upang makita ang PDF file (Japanese Version)
I-click dito upang makita ang PDF file (Portugues Version)
I-click dito upang makita ang PDF file (Spanish Version)

I-check naman ang URL sa ibaba tungkol sa (Kuwalipikasyon ng application ng pag-upa), (mga patakaran sa pag-upa) atbp.
http://www.pref.mie.lg.jp/JUTAKU/HP/35745031344.htm

*Ang mga impormasyon dito ay sa wikang Hapones lamang.

*Ang mga aplikante na hindi makakatugon sa bilang ng aplikasyon para sa periodic recruitment ay tatanggapin simula sa araw pagkatapos ng lottery date na may first come first serve basis hanggang ika-unang Miyerkules ngbuwan pagkatapos ng buwan na mabuo ang bilang ng mga na-solicit na aplikasyon. Ang deadline para sa recruitment ay hanggang Enero 31.

Schedule ng Aplikasyon (Taon-taon ay pareho ang panahon ng pag-apply)

Buwan ng Aplikasyon Panahon ng pag pasa ng aplikasyon sa Post office  Araw ng bunutan  Araw ng pag-upa 
Abril Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Mayo Hulyo 1
Hulyo Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Augusto Oktubre 1
Oktubre Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Nobyembre Enero 1
Enero Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Pebrero Abril 1

※Ang araw ng simula ng pagpasa ng aplikasyon ay matatapat sa unang araw ng Martes o Biyernes ng buwang nakasaad sa itaas.

 Makipag-ugnayan sa:

Mie Ken Kendo Seibibu Jutakuka Kanri Group TEL: 059-224-2703

 (*Sa wikang hapon lamang)

Ang contact information sa bawat rehiyon ay ang mga sumusunod

(1) Hokusei Bloc (Kuwana city, Kawagoe district, Yokkaichi city, Suzuka city, Kameyama city) TEL: 059- 373- 6802

(2) Chusei Iga Bloc (Tsu city, Iga city, Nabari city) TEL: 059-221-6171

(3) Nansei-Higashi Kishu Bloc (Matsusaka city, Ise city, Owase city, Kumano city, Mihama district) TEL: 059-222-6400