Gaganapin ang ika-13th MieMu Exhibition

MieMu第13回企画展「The Ninja~忍者ってナンジャ⁉~」開催について

2016/10/27 Thursday Kultura at Libangan, Mga events

ninjatte-nanjya-destaque

「The Ninja ~Ninja te Nanja?!~」

Ang 「忍者(NINJA)」 ay isang nagre-representa sa cool Japan na kilala sa buong mundo, alam ito ng nakararami dahil sa mga animations o mga dramas, subalit ang tunay na Ninja ay nananatiling isang misteryo.Sa mga nakaraan taon, batay sa scientific research, naisiwalat na ang ninja ay may mga iba’t-ibang praktikal na kaalaman sa kalikasan at lipunan. Sa pagpalitan ng mga iba’t-ibang experience, at pagpapaliwanag sa madaling paraan ang mga ninja skills at mga pisikal na abilidad. Iniimbitahan namin kayong lahat na pumunta.

1. Exhibition Overview

  • Period: October 25, 2016 (Tue) hanggang January 9, 2017 (Mon)
    ※Closed:every Monday (Kapag ang araw na ito ay tumuon sa holiday o day off, ito ay malilipat sa susunod na araw)
    Year end/ New Year Holiday(Dec.29 to Jan. 3)
  • Operating hours: 9am hanggang 5pm (hanggang 7pm tuwing weekdays at holidays)(magsisimula ang admission 30 min. bago magbukas)
  • Venue: Mie Prefectural Museum (MieMu) 3 floor Exhibition Room (Tsu Shi Ishindenkozubeta 3060)
  • Admission fee:Regular 800 Yen, Students 480 Yen, High School Students and below FREE (ang basic exhibition viewing fee ay may adisyonal na bayad)
  • Detalye
    – STAGE 1 「I-exercise ang katawan」
    Ang mahusay na pagkilos ng ninja ng ancient martial arts ay nalipat sa modern na martial art, naipapasa ang kaalaman sa training method ng ninja sa pamamagitan ng pagtuturo sa salita at sa documento ng art of invisibility. Mararanasan lahat ng training at i-exercise ang iyong katawan!
    – STAGE 2 「Matutunan ang mga Tricks」
    Pag-aralan ang kaalaman at kakayahan ng Ninja tulad ng
    Shuriken, ninja sword, concealed weapons, water device, projecting device, open device (Corrrupted device), kasama din ang ninja tools, food, medicine at firearms!
    – STAGE 3「Paliwanagin ang pag-iisip」
    Halina’t maranasan ang aktual na experience ng mind control upang mapakita ang maximum na lakas ng isang ninja!

2. Iba pang Event: mayroon din iba pang mga events na planong gawing tuwing exhibition period.

(1) NINJA DAY November 3 (Thu・Holiday)
(2) LECTURE 「HISTORY OF NINJA」 November 5 (Sat)
(3) NINJA TALK SHOW 「PAKIKIPAG USAP SA NINJA・NINJUTSU- BETWEEN THE HISTORICAL FACTS AND LORE」 November 23 (Wed・Holiday)
(4) NINJA CHILDREN WORKSHOP November 13 (Sun)
(5) NINJA CHILDREN COSTUME EXPERIENCE 5 (Sat)/ Nov. 6 (Sun)/ Jan. 7 (Sat) Jan. 9 (Mon.Holiday)
(6) GALLERY TALK 29 (Sun)/ Nov. 19 (Sat)/ Dec. 24 (Sat)/ Jan. 8 (Sun)
※Ang (1)~(4) ay kinakailangan ng pre-registration.

3.  Makipag-ugnayan sa

〒514-0061 Mie Ken Tsu Shi Ishindenkozubeta 3060
Mie Ken Sogo Hakubutsu Kan (MieMu) URL: http://www.bunka.pref.mie.lg.jp/MieMu/
E-mail:MieMu@pref.mie.jp  Tel: 059-228-2283  FAX 059-2298310

chirashi-omote

chirashi-ura

Organisasyon ng Dayuhang Residente na Aktibo sa Komunidad Patungo sa Isang Multicultural Society

2016/10/27 Thursday Kultura at Libangan, Mga events

鈴鹿市と津市における取り組みの紹介

image4Ang Mie Ken ay may malaking bilang ng mga dayuhang residente, mga nagta-trabaho, paaralan at komunidad as iba’t ibang lugar.

Batay sa statistical survey ng Mie Prefecture, May 41,625 ns dayuhang residente (ayon sa data ng December 31, 2015). Ang pinakamadaming nasyonalidad ay ang Brasilian nationals, sinundan ng China at ng Philippines.

Sa mga ibang foreign residents, may mga taong aktibong sumasali sa mga iba’t ibang events at activities.

Sa Suzuka City, ang Japanese Brasilian na si Hayashi Machiko ay nagsasagawa ng mga boluntaryong aktibidad sa loob ng siyam na taon. Naglilingkod bilang isang opisyal ng Makita district regional council development ng lungsod at aktibong nagtatrabaho para sa mga lokal na residente.

  1. Maaari nyo bang ibahagi saamin ang tungkol sa mga aktibong events lalo na sa lugar na ito?image1

“Maraming mga events sa Suzuka district. Ngayong October mayroong Bentenyama Festival, na gaganapin sa Suzuka Hunter. Mayroong ding Wai Wai Haru Matsuri kada taon tuwing Abril. Ang layunin ng event na ito ay para mapakalat ang kaalaman tungkol sa Japan. Halimbawa, dahil marami sa mga anak ng mga dayuhan ay madalas na hindi alam ang mga laro sa Japan, ay dito nila ipinapakilala ang mga iba’t ibang paggamit ng mga laruan sa Japan.

Sa kasamaang palad, hindi namin ito naganap sa taong ito, ngunit mayroong gaganapin na Ikada Nagashi (Pagpapa-agos ng balsa) tuwing August. Sa isang dako ng Suzuka River, ay pinapaagos ang isang balsa na gawa sa styrofoam at plastic bottles. Nag-enjoy na magkasamang lumahok ang mga hapon at mga dayuhan.

And regular na  meeting ay gaganapin tuwing Wednesday ng ika-apat na linggo ng kada buwan, para mapag-usapan ang tungkol sa event na ito. Kahit sa mga ibang uri ng mga events na gaganapin sa ibang lugar, ay dito mapapag-usapan kung maaaring makasali o hindi.”

  1. Ano po ang dahilan kung bakit kayo sumasali sa mga ganitong event?

18-10-2015-suzuka-matsuri-by-akira-r228“Palagi akong sumasali sapagkat ako ay mahilig makipagkaibigan. Gusto kong makipagkaibigan sa lahat ng tao, mga Japanese, Brasilian, Peruvian, atbp. At dahil sa direksyon ng lugar kung saan nakatira ang mga Hapon ay mababait kaya’t palagi akong sumasali. Palagi nila akong binabati, kinakausap. Kahit pag nakakasalubong ko sila sa Supermarket o sa Shopping mall palagi silang nang-babati at nakikipag-usap, itong mga pakikipagkaibigan at mabuting relasyon ay isa sa pinaka-mahalaga para sa akin.”

  1. Gusto mo bang hikayatin ang ibang mga foreign residents na sumali?

“Talagang inire-rekomenda namin ito, sa dahilan na ito ay magandang paraan upang makipag kaibigan sa mga Hapon. Maari kayong makapag share ng inyong mga kaalaman sa isa’t-isa. Halimbawa, maaari kayong makapagturo ng wikang Portugues o Brasilian cuisine at ganong din ay may matutunan galing sa kabilang partido.Ito ang higit na makakabuti na maibahagi sa isa’t-isa. Sa palagay ko ang pagkakaibigan at mga samahan na ito ang pinaka malaking kayamanan sa lahat.”

Kami ay nakipag-usap sa vice-president ng district council na si Mr. Satoru Nakagawa

  1. Pakilarawan ang mga pagsisikap na ginagawa ng Makita District.image2

“Mayroong isang group na tinatawag na Tabunka kyousei (Multicultural Co-existence) sa lugar na tinatawag na Machi Zukuri Kyogi-kai (Regional Development Council) ng Makita District kung saan si Hayashi Machiko ay ang Chairman. Subalit kahit may mga bahagi ng iba’t-ibang regional exchange na ginagawang haligi, ang pinaka-aktibidad ni Hayashi Machiko ay ang pag-uugnay ng mga Hapon, mga anak ng Hapon na maging parte ng mga ugnayan ng mga dayuhang bisita.”

2 . Mayroon pa ba kayong ninanais ipahayag?

“Sa halip na ang aking Chiiki Zukuri Kyōgi-kai (Regional Development Council), ang pagiging chairman ng Tabunka kyosei (multicultural co-existance) ni Hayashi Machiko ay naging mas bukas ang loob ng mga dayuhang residente ng lungsod ng Makita na matutong makipag-usap sa labas at bumati at nawala na ang tanong na “sino nga ba yon” at naging ” sya ay si ganito at galing sya sa ganitong lugar”. Dahil sa nakikipagusap na ang dalawang panig ay naging motto namin ay ang maging aware sa ibang tao.”

image3Pagkatapos, ang mga dayuhang residente ay pinakilala sa isang grupo na tinatawag na “Gambaru Kai”. Ang grupong ito ay itinatag sa pamamagitan ng pagsasama ng pwersa ng dalawang Brasilian. Ipapakilala namin ang isa sa kanila na si Tanaka Leonice. Sya ay aktibong gumagalaw kada linggo habang hinihikayat ang mga Brasilian at iba pang mga dayuhan. Lalo na noong 2008 kung saan ang Japan ay nagkaroon ng recession, nadiskubre nila na mas makakatulong sa trabaho kapag nakakapag salita ng wikang hapon kaya naman sinimulan ang pagdalo sa mga Japanese classes.

“Sa mga panahon na iyon ay nakatanggap ako ng contact mula sa kaibigan ko noong 10 to 11 years ago, narinig ko na nagkaka-problema sa pagitan ng mga Hapon at mga Brasilian dahil sa basura at iba pang mga problema sa Takajaya District. Kapag iisipin mo nga naman, noong pagdating ko sa Japan, dahil wala akong kaalaman tungkol sa Japan at hindi nakakapag-communicate sa isa’t-isa, pati na din sa kakulangan ng pag-uunawa sa mga kultura at kaugalian kaya’t nagbubunga ng hindi pagkakaunawaan. Kaya’t nagsimula ako sa Japanese class dahil sa palagay ko ay makakatulong ito sa lahat.”

  1. Pakisabi po saamin kung ano ngayon ang estado ng Japanese classes. (Sa mga katanungan tungkolimage6 sa pang araw-araw na pag-aaral)

“Sa class na ito ay walang itinakdang materyal sa pagtuturo, hindi ito nagpapatuloy sa isang naturang style. Ito ay nagsimula noon na may mga mag-aaral na Brasilian lamang at natutong pag-aralan kung paano makipag-usap sa mga Japanese. Sa palagay ko ang pagkakaiba nito sa ibang japanese classroom ay itinuturo lamang dito ang mga bagay na gustong matutunan.

Noong nakaraang 10 taon ay kakaunti lamang ang mga nagta-trabahong Interpreter, Madaming mga dayuhan ang nahihirapan lalo na kapag hindi maintindihan ang mga dumadating na mga sulat,. Syempre, hindi din maintindahan ang mga nilalaman ng mga sulat na galing sa City Hall, atbp. Kapag may dumadating na mga ganitong sulat ay sama-samang nasusulusyonan kapag dinala ito sa klase. Sa kasalukuyan, itinuturo namin kung paano sumulat ng isang resume.

Sa pamamagitan ng pag-alam tungkol sa mga buhay at mga kultura at kaugalian ng bansa, ay naniniwala kami na mas magiging madali ang pamumuhay.”

image72.Sa palagay nyo ba, importante na makisali ang mga dayuhang residente sa mga event ng region?

“Sa tingin ko ito ay napakahalaga, pero alam din namin kung anong klase ang pamumuhay nila. Minsan may trabaho ng napaka-habang oras at hindi makapag-participate sa mga events, pero mayroon din na events na ginaganap tuwing sabado at linggo. Kaya’t sana hanggat maari ay makasali kapag pwede. Hindi kinakailangang tumulong basta ang pinaka-importante ay makapag-participate lang. Ang motto ko ay, Kapag mayroong hindi nalalaman, ay kailangan maghanap ng kaalaman tungkol dito. Sa pamamagitan ng pagkuha ng kaalaman ay lalong mapapabuti ang buhay.”

Ang mga sumasali at nag-aaral na mga dayuhang residente sa klase ay tinuturuan ng mga volunteer na Japanese. Ang coordinator ng Gambaru Kai ay si teacher Tonooka.

Ang Tsu-shi ay isang lungsod na kung saan madaming nakatirang dayuhan. Upang ang mga dayuhan at mga Japanese ay magkaroon ng isang masaya at mapayapang pamumuhay ay kailangang magkaroon ng isang lugar kung saan pwedeng makilala ng maigi ang isa’t-isa.

-Importante ba na society ng Japan na mag volunteer para sa mga dayuhan.image5

“Sa tingin ko ito ay napakahalaga. Upang magkasamang mamuhay ng maayos ang mga dayuhang residente kailangan alamin ang ano mang pwedeng maging problema, At kailangan din na malaman ng mga hapon kung ano ang dapat gawin para sa mapayapang pakikisama. Sa ngayon ay may madaming hapon na nagvo-volunteer at nagsisikap, at dahil dito ay nagkakaroon ng mas madaming kaalaman at naibabahagi pa ito sa iba pang mga kasamahan, kaya’t ang lahat ay nagkakaroon ng isang mapayapang lugar at ito ay napakahalagang bagay.”

image8Ang dayuhang residente na nakatira sa Japan ay isa din na miyembro ng lipunan, at miyembro ng lokal na residente. ang pagsali, tulad ng mga volunteer group, na kung saan ay nagpapatakbo ng mga kaganapan sa komunidad, Ang pagtaas ng numero ng oportunidad at sa pag cooperate ay humantong sa pag-promote at multicultural na lipunan na may mutual na pag-uunawa.

Gusto nyo bang sumali at mag-volunteer sa mga activities? Siguradong maraming matututunan dito. At bukod pa dito, ang mga hapon at dayuhang residente ay makakatulong na magkaroon ng kapaligiran at samahang mapayapa.