2017/11/10 Biyernes Mie Info
Anunsyo
悪質商法にご用心!③ ~知って備える契約トラブル~
Ano ang MLM (Multi-level Marketing Transaction)?
Ito ay ang pag-kontrata ng mga produkto at serbisyo, at ang sunod ay palakihin ito sa pamamagitan ng pyramid type, mas kilala bilang pyramid scam. Sa pagsali dito, kailangan mo magrecruit din ng ibang tao na bumili at sumali. Hindi madali ang kumita dito hanggat marami kang mahihikayat na tao na sumali, at inaakit ang mga tao sa mga success story umano ng mga miyembro. Na sa totoo ay mahirap kumita dito at naloloko lamang at nababaon sa utang at nagkakalokohan kaya’t pati ang mga pamilya o mga kaibigan na nahihikayat ay nagkakagulo at nagiging dahilan upan masira ang relasyon.
Halimbawa: May alok galing sa isang kaibigan, ang sabi ay may “magandang sideline business” na madaling kumita ng pera. Maging member ka lang at mag refer ng mga kaibigan na sumali at makakatanggap ka ng mga porsyento na kikitain bukod pa sa mga produkto na maibebenta. Pagkatapos ay hindi na magpapakita ang nag alok at ang seller saiyo at naiwanan ka lang ng napakalaking inventory, mga utang at mga madaming produkto na nabili mo.
【Mga puntos upang maiwasan maging biktima】
・Kahit na kakilala ang nag-alok, huwag ng tanggapin ang offer.
・Huwag magtiwala sa matamis na salitang “madaling kumita” at huwag pumirma ng kontrata.
・Huwag agad-agad maniwala sa mga offer ng business investments.
・Kapag may napansin na kahinahinala sa inaalok, kumunsulta agad sa ibang tao.
Huwag mag-alalang mag-isa, kumunsulta po tayo!
Customer Hotline TEL: 188
※Kapag tumawag, may maririnig na anunsyo at gagabayan kayo sa Shicho Shohi Seikatsu Sodan Madoguchi (tanggapan ng Municipal Consumption Consultation) o di kaya sa Mie Ken Shohi Seikatsu Center (Mie Prefecture Consumer Lifestyle Center).
2019/02/22 Biyernes
2019/02/18 Lunes
2019/02/04 Lunes
2021/01/25 Lunes
2020/08/05 Miyerkules
2015/04/21 Martes
2019/06/18 Martes
2017/02/07 Martes
2021/01/25 Lunes