Babala sa Malakas na Niyebe (Enero 21, 2026)

2026/01/21 Wednesday Anunsyo, Kaligtasan

Sa hilaga at gitnang bahagi ng Prepektura ng Mie, maaaring magkaroon ng malakas na pag-ulan ng niyebe mula ngayong gabi hanggang bukas ng umaga. Mag-ingat po.

Notice mula sa Mie Prefectural Library

2026/01/21 Wednesday Anunsyo, Kaligtasan

Kahit sino ay maaring makapasok sa library. Ang mga libro, magazine, at newspaper ay maaaring basahin ng kahit sino. May mga libro din at mga magazine na nasa foreign languages, at mayroon din na mga picture books na nasa foreign languages ​​para sa mga bata. Kapag nagpagawa ng library card, maaari nang maka hiram ng libro.

Walang bayad ang paggamit ng library. Pinoprotektahan ng library ang mga personal na impormasyon ng lahat (hindi nito ibubunyag kaninuman ang mga pangalan ng mga aklat na iyong hiniram, o ang iyong pangalan o tirahan).

Para sa karagdagang detalye, pakibisita ang website:
https://www.library.pref.mie.lg.jp/plain/

* Simula January hanggang April 2026, dahil sa mga isinasagawang renovation, mababawasan ang opening hours. Bukod dito, magiging limitado ang bilang ng available na parking lot. Mangyaring tandan ang impormasyong ito kapag bibisita sa library.