One Coin Concert Vol. 65 – Marimba&Percussion 

ワンコインコンサート vol.65が開催されます

2016/01/06 Wednesday Seminar at mga events

One Coin Concert Vol. 65  Marimba & Percussion

Miyamoto Yasuko

Jewel Box Fantasy

miyamoto-yasuka

Ang one coin concert ay serye ng casual concert na nagtatagal ng 「1 oras」at nagkakahalaga ng 「500 yen」kung saan 「masayang makakapakinig ng mga maikling musika」「habang nakikipag-usap」.

 

Petsa: Enero 14, 2016 (Huwebes)

Bukas ng venue 10:45

Umpisa ng palabas  11:30

Tapos ng palabas  12:30

Lugar: Mie Prefecture Cultural Center for Arts Big Hall

〒514-0061 Mieken Tsu shi Ishinden Kouzubeta 1234

Bayad: 500 yen, kahit saan puwedeng maupo

Ticket: Hindi nagbebenta ng ticket in advance. Bumili ng ticket sa mismong venue.

*Hindi maaring makapasok ang mga preschooler.

Pribilehiyo: May inihandang mga giveaways!

20151218161454-0001

Parking at bus ride para sa unang araw ng taon napagbisita sa Ise Shrine (2015 ~ 2016)

2016/01/06 Wednesday Seminar at mga events

伊勢神宮初詣のパーク&バスライドのお知らせ(2015~2016)

ise jingu parking

Dahil sa pinangangambahang trapiko dala ng pagbisita sa Ise Shrine, bubuksan ang ilang lugar sa San Marina bilang pansamantalang parking space at may shuttle bus na maghahatid sa gate na malapit sa inner at outer shrine (Naigu B1 at B2 parking space). Paalala lang na maaaring magbago ang schedule depende sa araw.

Walang bayad ang pagsakay sa bus pero kailangan bayaran ang parking na 100 yen bawat sasayan. Ipakita sa driver ng bus ang resibong ng parking ticket.

 

【Panahon】2015, Disyembre 31 gabi ng alas 22:00 ~ 2016, Enero 1 alas 16:00 ng hapon

Sa taong 2016, Enero 2,3, 9 at 10 bukas ito mula 9:00 ~ 16:00

*Sa paligid ng geku at naiku (inner at outer) hanggang 18:30 ang huling oras ng biyahe

【Parking Space】Sa paligid ng Ken Ei San Marina (Ise shi Asama chou Kamadani 4383-4)

【Traffic rules】Sa panahon ito ng parking at bus ride, hindi maaaring lumabas mula sa Ise Inter at Ise Nishi inter ang mga pangkaraniwang sasakyan dahil sa exit regulation sa panahong ito. At ito bukod dito magkakaroon din ulit ng exit regulation sa araw ng Enero 4 at 5, at araw ng Sabado at Linggo at piyesta opisyal mula Enero 11 ~ 31 sa oras na 9:00 ~ 15:00 sa Ise Nishi Inter.

 

Para sa mga detalye, tingnan ang homepate 「Rakuraku Ise Moude」

Traffic information: http://www.rakurakuise.jp/kisei.php

English homepage:http://www.rakurakuise.jp/en/