Ninnin NinjaTrial event 2

みえこどもの城に「にんにん忍者体験2」が開催します


ninnin

Sa event hall ng Mie Kodomo No Shiro maaring magpalit ng anyo bilang isang ninja. At kung magagawa ang ibat ibang istilo ng paghahagis sa pamamagitan ng paggamit ng mga maliliit na bato at matutulis na bagay (shuriken) , makakatanggap ng sertipikasyon para dito. Ang itatanghal sa taong ito ay ang waterfall training.

Petsa: hanggang Mayo 17, 2015
10:00 ~ 16:30 ( Reception time hanggang 16:00)

Sarado sa araw ng   Abril 15 • 20 • 27
Mayo 11 • 12 • 13

Lugar: Mie Kodomo No Shiro ( 1st Floor Event Hall)
〒515-0054 Mieken Matsusaka-shi Tachino-cho 1291
(sa loob ng Chubu Dai Park)

TEL: 0598-23-7735

Bayad: 200 yen

Para kanino: Sa mga batang nasa pre-school at elementarya

Sponsor: Sa pakikipagtulungan ng Akame Shiju Hachi Taki Keikoku Conservation Association (Ninja’s Forest)

Alamin Natin ang Kagandahang Taglay ng Mie

三重県の主な特色を紹介するビデオ

Image4Maraming kilalang lugar sa Mie, pang-kalikasan man o pang-kultura ang maaring magkapag-bigay ng lubos na kasiyahan sa mga dayuhan.  Iminumungkahi na magpalipas ng oras at magpahinga sa mga maaliwalas na lugar na may natural spring water. Sa mga tradisyonal na templo at shrine, hindi lamang ang kasaynayan nito ang ating malalaman, mararamdaman din na sa pangkaraniwang araw ay nakapagbibigay ito ng kapayapaan na nakakaalis ng pagod sa katawan at pag-iisip.

Iminumungkahi sa mga pamilyang may mga anak na mag-enjoy ng todo sa mga amusement park dito sa Mie.  Sinisiguro na magiging isa ito sa mga karanasang hindi ninyo malilimutan.

Sa video na ito ay ipapakilala sa inyo ang mga lugar sa Mie na nagtataglay ng kakaibang kagandahan, katulad ng  lugar ng Higashi Kishu, Ise Shima, Chusei, Iga at Hokusei

Mas lalo pa nating alamin ang lugar ng Mie.

Higashi Kishu AreaImage7

Ang lugar ng Higashi Kishu na sagana sa likas na kayamanan ay kakikitaan ng kamangha-manghang tanawin kung saan ang magkatuwang na ganda sa paligid ng dagat at ilog ay masisinagan mula sa baybayin na siyang pang-akit ng lugar na ito. Sa kasibulan ng tag-init, ang mga turista mula sa ibat ibang panig ng Japan ay dumarayo  dito upang masilayan ang sikat firework festival sa lugar na ito.

Ang kinikilalang isa sa mga Yaman ng Mundo ay matatagpuan dito, ang 「Kumano Kodo」. Ang kasaysayan ng 「Kumano Kodo」ay masasabing mahigit libong taon na ang lumipas mula ng makilala ito bilang sagradong daan patungo sa templo. Tamang tama ang lugar na ito para sa meditasyon at hilig sa paglalakad.

Image16Ise-shima Area

Masasabing ang taglay na ganda ng baybayin ang magandang katangian ng lugar na ito. Ang mga sariwang pagkain sa lugar na ito na nahuhuli mula sa dagat ay napakasarap . Isa sa mga pinakasikat na pagkain sa lugar na ito ay ang 「 Tekone Sushi」at「Ise Udong」.

Ang sikat na 「Ise Jingu」na hinati sa 「Geku」at 「 Naiku」ay dinadalaw ng libo-libong mananamba taon taon. Sa paglalakad sa daan patungo sa mismong shrine ay mararamdaman mong nililinis ang iyong pagkatao.

Chusei  (Central Area)Image8

Sa sentrong bahagi ng Mie ay ang lugar ng Tsu kung saan nakatayo ang pinaka gusali ng  prepektura. Sa lugar din na ito ay maraming mga bulubunduking tanawin na habang pinagmamasdan ay maaring i-relax ang katawan sa mainit na spring water.

Sa buong araw ay maaring ma-enjoy ang mga modernong pasilidad  katulad ng museleo at art gallery kasama ang buong pamilya.

Isa na dito ang「MieMu(National Museum ng Mie)」at 「Mie Art Gallery」na matatagpuan din sa Tsu at ang Saiku Historical Museum ay matatagpuan naman sa lugar ng Meiwa.

Ang  kilalang brand  ng karneng「Matsusaka Beef」ay dinarayo ng mga tao mula sa ibat ibang lugar para lang tikman ang sarap nito.Image17

Iga Area

Ang lugar ng Iga ay kilala dahil sa mga “Ninja”. Malalaman mo ang lahat ng kasaysayan tungkol sa mga ninja kung magtutungo ka sa「 Iga Ninja Museum」at dito ay maari din masubukan kung paano maging isang ninja.

Sa iisang lugar kung saan nakatayo ang ninja museum ay matatagpuan ang 「Iga Ueno Castle」. Karamihan sa mga turistang nagpupunta dito ay nabibighani rin sa natural na ganda ng kalikasan ng lugar.

Isa rin sa mga kilalang lugar na pinupuntahan ng mga turista tuwing tagsibol ay ang 「Akame Shiju Hachi Taki」at「Kouchidani 」dahil sa makulay na ganda ng mga dahon.

Hokusei (Northern Areas )Image11

Sa hilagang bahagi ng Mie ay maraming ring mga tourist spot.

Ang 「Gozaishodake」na may ala panoramang ganda ng tanawin ay masisilayan ng buong isang taon at ang panggabing tanawin mula sa liwanag na nagmumula sa ilaw ng pabrika ng Yokkaichi ay kilala rin ng lahat. Bukod sa mala-kulturang tourist spot na ito ay maraming rin mga amusement park na ma-eenjoy ng kahit anong henerasyon.

Sa lungsod ng Suzuka, idinaraos ang F1 International Race sa lugar ng「Suzuka Circuit」kung saan ang mga sikat na car racer ay nakilala sa lugar na ito. Isa rin sa mga sikat na amusement park ay ang 「Nagashima」at 「Nabana No Sato」.

Image14Sa video na ito ay ipinakikita  ang ilang lang sa mga magagandang lugar sa Mie. Bukod sa mga lugar na ito ay marami pang mga lugar na siguradong masisiyahan kayo sa ganda ng kalikasan.  At kadalasan ang mga lugar na ito ay madaling puntahan at may available na guidelines na nakasalin sa ibat ibang wika, kayat para sa mga dayuhan residente o maging galing man ng ibang bansa ay siguradong masisiyahang dumalaw dito.

Sa araw ng weekend o bakasyon, bakit hindi mo subukang isama ang mga kaibigan at buong pamilya at silayang ang kagandahang taglay ng lugar ng Mie.


Mie Tourist Information Link

Exploring Mie Prefecture

Exploring Mie: Thermal Spring of Mie

Exploring Mie: Souvenirs from Mie

Exploring Mie: Gastronomic Delicacies of Mie

観光みえ Mie Tourism Guide

[Higashi Kishu]

Exploring Mie: Higahsi Kishu Region

Kumano Kodo – World Heritage in Mie

Exploring Kumano Kodo Center

[Ise Shima]

Exploring Mie: Ise Shima Region

[Exploring Mie] Festivals in Ise-Shima Region

Exploring Ise Shrine (Naiku)

Exploring Meotoiwa

Exploring Pearl Island in Toba

[Chusei]

Exploring Mie: Central Region

[Exploring Mie] Festivals in central area

Exploring MieMu – Mie Prefectural Museum

MAP Children’s Castle in Mie

[Iga]

Exploring Mie: Iga Region

Iga Ninja Museum and Ninja Show

Exploring Iga Ninja Museum and Danjiri Kaikan

Exploring Mie – Kouchidani

Exploring Mie – Akame Shijyu Hachi Taki

[Hokusei]

Exploring Mie- Northern Area

Exploring Mie – Festivals in northern area

Ise Katagami – Tradition in Mie

Tradition in Mie Yokkaichi Banko Yaki

Gozaisho – a place to enjoy all the year