2015 PAGDIRIWANG NG KULTURA AT SINING – IKA-66 NA EXHIBIT NG MIE 平成27年5月23日(土)~6月7日(日)の期間中に津市で「平成27年度みえ文化芸術祭 第66回みえ県展」が開催されます Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2015/05/15 Friday Kultura at Libangan, Seminar at mga events Ang「Mie Exhibit」ang pinakamalaking art exhibit sa buong lugar ng Mie. Itatanghal sa exhibit na ito ang mga mapipiling likha mula sa mga 「Japanese Painting」「Western Painting」「Paglililok」「Handicraft」「Potograpiya」at「Kaligrapiya」na nilikha ng mga kasalukuyang residente, empleyado, mag-aaral at katutubo ng Mie. Araw: 2015, mula Mayo23 (Sabado) ~ Hunyo 7 (Linggo) ※ Sarado ang museleo ng Lunes Oras: 9:30 ~ 17:00 (Sa huling araw hanggang 15:00) (Huling oras ng pagpasok , 30 minuto bago magsara ang museleo) Lugar: Mie Bunka Kaikan Gallery, Large Meeting room (Tsu shi Ishinden Kouzubeta 1234) Bayad: Regular \200 libre ang estudyante (Ipakita ang Student ID) ※Sa Mayo 31, idaraos ang Mie Kenmin Bunkasai Sogo Festival kaya libre ang bayad sa entrance sa araw na ito. Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Mie Prefecture Art Exhibit Museum “Malikmata sa Araw, Bukas ang Diwa sa Gabi, Isang Imahinasyon ng Pagbaliktad ng Araw at Gabi” MieMu – Teruo Sekiguchi Photo Exhibit「Ngiti ng Mundo」 » ↑↑ Next Information ↑↑ Mie Prefecture Art Exhibit Museum “Malikmata sa Araw, Bukas ang Diwa sa Gabi, Isang Imahinasyon ng Pagbaliktad ng Araw at Gabi” 2015/05/15 Friday Kultura at Libangan, Seminar at mga events 2015年5月16日(土)~6月28日(日)の期間中に「真昼の夢、夜の寝覚め-昼夜逆転の想像力-」の企画展が開催されます Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 「Malikmata sa Araw, Bukas ang Diwa sa Gabi, Isang Imahinasyon ng Pagbaliktad ng Araw at Gabi」 Project Exhibit Sinasabing ang istorya ng mga alamat ng konstelasyon ay bunga ng hindi pagdalaw ng antok sa gabi. Sa kabilang banda, paminsan-minsan ang tao ay nananaginip din kahit sa kaliwanagan ng araw. Sa pamamagitan ng pagsilip sa ibat-ibang larawan ng sining, ang exhibit na ito ay naglalayong paganahin ang imahinasyon kung sakaling ang araw at gabi ay bumaliktad. 【Araw ng Pagbubukas】2015, Mayo 5 (Sabado) ~ Hunyo 28 (Linggo) Araw ng Pahinga:Sarado tuwing Lunes 【Oras ng Pagbubukas】9:30~17:00(Hanggang 16:30 ang huling oras ng pagpasok) 【Bayad sa Pagpasok】Regular : \700 (\500) Estudyante: \600 (\400), Senior Highschool pababa (Libre) *( )Presyo sa mga grupong mahigit sa 20 katao * Para sa mga estudyante, ipakita ang Student booklet o School ID. *Sa presyong ito ay maaring rin mamalas ang mga permanenteng exhibit. *Sa Araw ng Pamilya ( Mayo 17 at Hunyo 21) maaring itong mamalas sa discounted na presyo. 【Lugar】Mie Prefectural Art Exhibit Museum (〒514-0007 Mieken Tsu shi Otani cho 11 Banchi TEL: 059-227-2100) 【Homepage】 (Japanese) http://www.bunka.pref.mie.lg.jp/art-museum/catalogue/hiruyoru_2015/hiruyoru_2015_shosai.htm (English) http://www.bunka.pref.mie.lg.jp/art-museum/en/Exhibitions/Mirage_and_Insomnia.htm Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp