Kilusang pangmamamayan para sa kaligtasan ng trapiko ngayong summer

2016/07/22 Friday Kaligtasan, Selection

kotsuanzen-campaign-summer-2016

Dumating na ang peak ng tag-init ngayong summer, bukod sa pag bigat ng daloy ng trapiko dahil sa mga namamasyal at mga nasa summer vacation, ay pinangangambahang dumarami ang mga aksidenteng pangtrapiko dahil sa pagod na nararamdaman dahil sa init ng panahon.

Isa-isa tayong maging aware sa pagpapatupad ng kaligtasan ng trapiko sa pamamagitan ng pagsunod sa mga patakarang pantrapiko at pagsasanay sa tamang asal sa pagmamaneho.

☆Ang importansya ng kilusan

○Para maiwasan ang aksidenteng pangtrapiko ng mga matatanda at mga bata (lalo na sa pagsigurado na ang crosswalk ay priority para sa mga pedestrian).

○Para malipol ang drunk driving.

○Para masigurado ang pagsuot ng seatbelt sa lahat ng upuan kasama na ang upuan sa likod at ang masusi at tamang paglagay ng child seat.

○Para ma-promote ang ligtas na paggamit ng bisekleta.

Contact Information
Keisatsu Honbu (Police Headquarters)
Kotsu Kikaku-ka (Traffic Planning Division)
TEL 059-222-0110