Ang sistema ng edukasyon sa Japan [教育シリーズ①] 日本(三重県)の教育制度について Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2013/10/24 Thursday Edukasyon, Edukasyon http://mieinfo.com/videos/2016/01%20-%20sistema%20se%20ensino-%20fi.mp4 Ang sistema ng edukasyon sa Japan ay binubuo ng kabuuang anim na taon sa elementarya, tatlong taon ng junior high school, tatlong taon ng senior high school at apat na taon ng university (o dalawang taon ng junior college). Ang Compulsory education Dahil ito ay compulsary education, kabilang sa 6.3.3.4 na taon ng edukasyon, ang bawat bata ay dapat pumasok at magtapos mula sa isang paaralang elementarya at junior highschool. Ang compulsory education ay isang obligasyon para sa mga mamamayang Hapon. Gayunman, ang mga bata na may edad na 6 hanggang 15 taong gulang na may mga banyagang citizenship ay maaaring pumasok o ilipat sa lokal na paaralang elementarya o junior high school anuman ang kanilang nasyonalidad, na may parehong mga gastos katulad ng mga mamamayang hapon. Sa paghahanda ng kinabukasan ng inyong anak ay makakadulot ng maganda kapag ipinasok o ilipat ang anak sa isang paaralan. Mangyaring kumunsulta sa Municipal Administrative Office ng lugar kung saan nakatira. At iba pa Karamihan sa mga estudyante sa Japan ang nakakapag-aral sa highschool at pagkatapos ay sa unibersidad. Upang maka-pasok sa isang high school o unibersidad, ang mga aplikante ay kailangang kumuha ng entrance examination. Mayroong mga kindergartens para sa mga under school age na mga bata. May mga espesyal na training schools at miscellaneous school para sa junior highschool at high school graduates na kung saan itinuturo sa kanila ang mga kasanayan at kaalaman na kailangan para sa isang bokasyon. Para naman sa mga bata na may kapansanan ay may mga paaralan na nagbibigay ng edukasyon sa may mga special needs. National/public schools at private schools Ang mga paaralan ay ikinategorya sa tatlong uri ayon sa nasasakupang management. Ang National School ay pinapatakbo sa pamamagitan ng pamahalaan ng national na gobyerno, Ang mga pampublikong paaralan ay pinamamahalaan ng mga lokal na munisipyo, at ang pribadong paaralan ay pinamamahalaan ng mga incorporated educational institutions. Ang pagpasok sa mga pampublikong elementarya at junior high school bilang isang pangkalahatang prinsipyo ay tinutukoy ayon sa mga distrito ng paaralan kung saan nakatira ang mga mag-aaral, at hindi kinakailangan kumuha ng entrance exam, samantalang ang mga mag-aaral na nais pumasok sa isang pribadong paaralan ay dapat pumasa sa isang entrance exam. School year, Semester, at bakasyon Ang school year sa Japan ay nagsisimula sa Abril at nagtatapos sa March ng susunod na taon. Karamihan sa mga paaralan ay may tatlong semester sa isang school year. Ang first semester ay sa April hanggang July, Ang second semester ay September hanggang December at ang third semester ay January hanggang March. Kada semester ay sinusundan ng isang bakasyon: mga 40 na araw sa summer vacation, dalawang linggo ng winter vacation at ganon din sa spring vacation. *Sa ibang paaralan, ay binubuo lamang ng dalawang semester sa isang school year. Sa ganitong kaso, ang first semester ay sa April hanggang September at ang second semester ay sa October hanggang March. Bukod sa summer vacation, winter vacation at spring vacation, ay may 4 hanggang 6 days na autumn vacation din na ibinibigay sa pagitan ng dalawang semester. [Source] Counsel of Autonomous Bodies for Internationalization http://www.clair.or.jp/tagengo/index.html Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Pre-school education » ↑↑ Next Information ↑↑ 2013/10/24 Thursday Edukasyon, Edukasyon Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp