(Hulyo/2017) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura (2017年7月)県営住宅の定期募集について Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2017/07/12 Wednesday Paninirahan Panahon ng aplikasyon Hanggang Hulyo 31, 2017 Maaring malaman sa website na nasa ibaba ang mga detalye tungkol sa basic information ng pabahay (katulad ng lugar, sukat , upa at iba) at kung paano mag-apply para dito. http://www.pref.mie.lg.jp/common/content/000734687.pdf i-check naman ang URL sa ibaba tungkol sa (Kuwalipikasyon ng application ng pag-upa),(mga patakaran sa pag-upa) atbp. http://www.pref.mie.lg.jp/TOPICS/m0037300040.htm *Lahat ng impormasyon ay sa wikang Hapon. *Ang homepage ng pabahay ng prepektura ay hindi namakikita paglagpas ng panahon ng aplikasyon sa Septyembro 6. Schedule ng Aplikasyon (Taon-taon ay pareho ang panahon ng pag-apply) Buwan ng Aplikasyon Panahon ng pag pasa ng aplikasyon sa Post office Araw ng bunutan Araw ng pag-upa Abril Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 30 ng buwan Kalagitnaan ng Mayo Hulyo 1 Hulyo Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Augusto Oktubre 1 Oktubre Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Nobyembro Enero 1 Nobyembro Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Pebrero Abril 1 ※Ang araw ng simula ng pagpasa ng aplikasyon ay matatapat sa unang araw ng Martes o Biyernes ng buwang nakasaad sa itaas. Subalit sa buwan ng Enero, mula Enero 4 ang unang araw na matatapat ng Martes o Biyernes ang simula ng pag-apply. Sa mga katanungan: Mie Prefecture Land Development Division Housing Section Housing Management Team Tel: 059-224-2703 (Sa salitang Hapon lamang maaring makipag-usap) Contact information ng bawat rehiyon ay ang mga sumusunod: (1) Hokusei Block (Kuwana Shi, Kawagoe-cho, Yokkaichi Shi, Suzuka Shi) TEL 059-373-6802 (2) Nakasei Iga Block ( Tsu Shi, Iga Shi) TEL 059-221-6171 (3) Nanzei・Azuma Kishu Block (Matsusaka Shi, Ise Shi, Toba Shi, Owase Shi, Mihama Cho) TEL 059-222-6400 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Sumali sa Summer Art Competition (2017) Fireworks Festivals sa Mie » ↑↑ Next Information ↑↑ Sumali sa Summer Art Competition 2017/07/12 Wednesday Paninirahan 夏の絵画コンクールの作品を募集します Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Sa General Museum ng Mie (MieMu) at sa Museum of Arts ng Mie (Kenbi), ay magkakaroon ng Summer Arts Competition na may temang “Pang araw-araw na transportasyon” na bilang isang joint project ng exhibition na “Koleksyon ng mga paraan ng transportasyon ng lahat ~ Ngayon summer, halina’t tayo’y maglakad” ng MieMu. Tema “Halina’t tignan ang MieMu exhibition at mag drawing ng transportasyon na ayon sa inyong gusto” Laki/Materyales sa pagpinta ng drawing Laki: Parisukat na papel (nasa 40cm x 55cm) Materyales sa pagpinta: Kahit anong tipo ng ink/tinta para sa pintura Mga requirements sa pag apply Elementary school students (shougakusei) o mga bata na nakatira sa Mie o naga-attend ng kindergarten o school sa probinsya ng Mie (isang drawing kada tao) Registration period Ika-15 ng 2017 (sabado) ~ ika-6 ng Septyembro (miyerkules) Paraan ng pagpapa-rehistro (1) Ibibigay ang registration form sa mga bata o estudyante ng elementary school na gustong sumali sa exhibition na “Min’na no Norimono Daishugou ~ Kono Natsu, Mie wo Norityukusou~” ng MieMu. (2) Punan ang mga kailangang lagdaan sa form, idikit ang inyong design sa likod at ipadala ito. *Kapag naman sinabihan ng school na gawin ito bilang homework assignment para sa summer break, i-submit and drawing sa school, kapag naman hindi, ipadala ito sa General Museum ng Mie o sa Mie Museum of Arts Exibition ng drawing Lahat ng na-register na mga drawing ay mae-exhibit. Period: ika-16 ng Septyembro 2017 (sabado) ~ ika-1 ng Oktubre (linggo) Lugar: Citizens Gallery of the Province – Mie Arts Museum Prizes Prize ng Director ng Mie Arts Museum 5 persons Prize ng Director ng General Museum of Mie 5 persons Consolation prizes 10 persons ang pipiliin sa mga participants Awards ceremony Date: ika-1 ng Oktubre 2017 (linggo) simula 2pm Lugar: Citizens Gallery of the Province – Mie Arts Museum At iba pa Ang mga larawan ay kailangan orihinal at hindi pa na publish na mga drawings, at ang pagcopyright at usage rights ay ia-assign sa probinsya ng Mie. Ang mga larawan ay ibabalik sa General Museum ng Mie sa pagitan ng ika-3 ng Oktubre 2017 (Martes) hanggang ika-31 ng Oktubre (Martes). Contact info Mie-ken Kankyou Seikatsu-bu Bunka Shinkou-ka Kyoten Renkei-han Address 〒514-8570 Tsu-shi Komei-cho 13 TEL 059-224-2233 FAX 059-224-2408 E-mail bunka@pref.mie.jp Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp