Mag-ingat sa mga mapanlinlang na Business Scheme! ① ~Upang alamin at maiwasan na magka-problema sa kontrata~ 悪質商法にご用心!① ~知って備える契約トラブル~ Share! Share on Facebook (Opens in new window) Facebook Email a link to a friend (Opens in new window) Email Share on X (Opens in new window) X Share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp 2017/10/09 Monday Anunsyo Ang mga mapanlinlang na Business Scheme (o ang tinatawag na Fraudulent Business Scheme) ay isang uri ng business scam na nagtatangkang kumita sa pamamagitan ng isang mapanlinlang na pamamaraan. Sa pagkakataong ito ay magbibigay kami ng tatlong halimbawa at ipaalam namin ang tungkol sa mga countermeasures. “LIBRENG” Inspection Business Scheme, ito ay isang paraan upang makapasok sa inyong bahay. Halimbawa: May biglaang dumating sa inyong bahay na isang negosyante at nagsabi na kailangan nilang i-check ang bahay dahil sa tindi ng humidity ay maaaring ang mga haligi ay nabubulok at may posibilidad na gumuho ang bahay kaya’t kailangan lagyan ng mamahaling ventilator at gagawin nya lahat ito ng libre. <Pangunahing produkto> Roof construction, water purifier, futons, atbp. 【Mga puntos upang maiwasan maging biktima】 ・Huwag basta bastang buksan ang pinto at huwag papasukin ang hindi kilalang tao. ・Huwag pumirma ng kontrata on the spot. ・Mag doble ingat kapag minamadali ka sa pagpirma ng kontrata. Mag-ingat sa Moneymaking Business Scheme, na nagsasabing “Sigurado kikita ka agad dito” Halimbawa: Nakatanggap ng tawag at sinabi na “siguradong kikita ka dito” at pinapabili ka ng mga shares na hindi listado at walang indikasyon na ito ay maililista. Pagkatapos bumili ay hindi mo na ma-kontak ang trader. <Main products> Purchase of foreign currency, Corporate bonds, Copy rights, atbp. 【Mga puntos upang maiwasan maging biktima】 ・Huwag agad-agad na maniniwala sa sinasabi ng dealer. ・Huwag na makipag-usap at agarang tanggihan ang inaalok. ・Kapag nabiktima na ng isang beses, huwag hayaang maging biktima ulit. One Click Scam Huwag mag-panic kung kayo ay sinisingil! Halimbawa: Kapag na-click ang authentication button ng edad upang makapanood ng libreng videos sa internet, ay bigla nalang na ikaw ay na-register sa adult site at dalhin sa usercharge billing screen at sinisingil ng malaking halaga. 【Mga puntos upang maiwasan maging biktima】 ・Huwag basta-bastang ilagay ang personal na impormasyon. ・Huwag padalos-dalos sa pagclick ng button. ・Huwag magmadaling kontakin ang vendor na nakalagay sa screen. ・Huwag bayaran ang sinisingil na halaga. Huwag mag-alalang mag-isa, kumunsulta po tayo! Customer Hotline TEL: 188 ※Kapag tumawag, may maririnig na anunsyo at gagabayan kayo sa Shicho Shohi Seikatsu Sodan Madoguchi (tanggapan ng Municipal Consumption Consultation) o di kaya sa Mie Ken Shohi Seikatsu Center (Mie Prefecture Consumer Lifestyle Center). Share! Share on Facebook (Opens in new window) Facebook Email a link to a friend (Opens in new window) Email Share on X (Opens in new window) X Share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp « (Oktubre 2017) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura Autumn Festival ng Mie· Event Special Feature 2017 »