Mie Road Trip Plan: Hayatabi (Marugoto Otoku! Mie Shuyu Drive Plan)

速旅(はやたび)「まるごとお得!みえ周遊ドライブプラン」を実施します

2022/10/03 Lunes Anunsyo, Kultura at Libangan

Ang Mie Prefecture ay nagbebenta ng mga espesyal na travel plans na may mga shopping coupon na valid para sa paggamit sa mga tourist site at fixed-rate express highway (kosoku) na paggamit ng (express highway travel pass – kosoku douro shuyu pass), na kilala bilang “Hayatabi – Marugoto Otoku!  Mie Shuyu Drive Plan”.

Campaign Period

Setyembre 22, 2022 (Huwebes) hanggang Pebrero 15, 2023 (Miyerkules)

*Hindi maaaring gamitin sa panahon ng pagsisikip ng Bagong Taon (sa pagitan ng ika-26 ng Disyembre at ika-4 ng Enero)

*Ang mga shopping coupon ay may bisa hanggang Pebrero 28, 2023 (Martes)

Mga nilalaman

  1. Libreng paggamit ng Mie Expressways sa loob ng 2 o 3 araw
  2. Ang mga shopping coupon ay may bisa sa 125 na lokasyon (531 na tindahan) ng Mie
  • 3 araw na libreng paggamit ng mga expressway: ¥5,000
  • 2 araw na libreng paggamit ng mga expressway: ¥4,500

Sale Price

3 araw ng paggamit: ¥8,500 para sa mga regular na sasakyan – ¥7,400 para sa magaan na sasakyan (kei)

2 araw ng paggamit: ¥7,300 para sa mga regular na sasakyan – ¥6,400 para sa magaan na sasakyan (kei)

Paraan ng pagpaparehistro

  1. Magrehistro bilang miyembro ng “Hayatabi”: i-click dito
  2. Magrehistro ng nilalaman ng paggamit sa screen ng pagpapatala
  3. Bumili sa pamamagitan ng credit card
  4. Ang email ng kumpirmasyon ng subscription ay ipapadala sa iyo
  5. Tumanggap ng mga shopping coupon sa mga nakasaad na lokasyon

Iba pang detalye

Tignan ang flyers o tignan ang website https://hayatabi.c-nexco.co.jp/setplan/detail.html?id=737

Contact (sa wikang Japanese lamang)

NEXCO Central Nippon Expressway Company (NEXCO Naka Nihon Okyakusama Center)

TEL: 0120-922-229 (Free Dial)

* Kung hindi ma-contact ang free dial, mangyaring tumawag sa 052-223-0333 (toll free)

Ikalawang Edisyon para sa Pag-promote ng Leisure Experiences sa Mie Prefecture 2022 “Mie no Aso Can ‘22 (dai-2 dan)”

2022/10/03 Lunes Anunsyo, Kultura at Libangan

遊び体験利用促進キャンペーン「みえのあそキャン22(第2弾)」を実施します。

Ang “Mie no Aso Cam ’22 (Dai 2-dan”), ay isang kampanya para sa mga residente ng prefecture na magsaya sa abot-kayang presyo sa mga karanasan sa paglilibang sa mga lugar na inilarawan sa reservation site na “Asobyu” na nagsimula noong Setyembre 22,  2022 (Huwebes).

Campaign period

Nobyembre 22 (Huwebes) hanggang Nobyembre 30, 2022 (Miyerkules)

Contents

  1. Pamamahagi ng mga half-price coupons para sa leisure experiences sa booking site na “Asobyu!”

May 331 na leisure plans na available sa Mie.

  1. “#Mijumaru to Mie de Asobo” (makaranas ng paglilibang kasama si Oshawott “Mijumaru” sa Mie) – Prefectural Excursion Gift Campaign

Kabilang sa 5 lugar ng Mie (Hokusei, Chunansei, Ise Shima, Iga, Higashi Kishu), kung gagamitin mo ang discount coupon para sa 2 o higit pang mga lugar, mapapabilang ka sa 100-person raffle draw ng isang Oshawott photo book.

  1. “#Mijumaru to Mie de Asobo” (Makipaglaro kasama si Oshawott in Mie) – Instagram Campaign

Kumuha ng larawan kasama ang plush doll na nasa mga kalahok na lokasyon ng kaganapan, i-post ito sa Instagram na may hashtag sa Japanese na  (#ミジュマルとみえで遊ぼう#体験施設名) “#MijuMarutoMiedeAsobo at #Nameofthe PlaceYouVisited” upang lumahok sa raffle draw ng mga produkto ng Mie sa pakikipagtulungan ng Oshawott para sa 30 katao.

Para sa iba pang detalye, i- click dito upang makita ang flyer o tignan ang website: https://brand.asoview.com/mieasobi/

Contact (sa wikang Japanese lamang)

Asobyu Kabushiki Gaisha (アソビュー株式会社)

TEL: 050-3537-8949

E-mail: support@asoview.com

©2022 Pokémon. ©1995-2022 Nintendo/Creatures Inc./GAME FREAK inc.

Pocket Monster, Pokémon, ポケットモンスター・ポケモン are registered trademarks of Nentendo, Creatures Inc.  and GAME FREAK inc.