Pinagsamang mensahe mula sa mga gobernador ng Aichi, Gifu at Mie Prefecture para sa pag-iwas as impeksyon ng coronavirus

新型コロナウイルス感染症の感染拡大防止に向けた愛知・岐阜・三重3県知事共同メッセージ

2023/08/10 Thursday Anunsyo, Coronavirus

Patuloy ang pagkalat ng coronavirus sa buong bansa.  May mga alalahanin tungkol sa pagkalat sa Aichi, Gifu at Mie prefecture.

Sa pagsisimula ng summer holidays at sa nalalapit na Obon Festival na isang panahon kung saan ang bilang ng pakikipag-ugnayan sa mga tao ay malaki, tulad ng pag-uwi sa sariling bayan, pagtravel at pagdalo sa mga event ay nagpapataas ng pagkalat ng mga impeksyon.

Kung magpapatuloy ang sitwasyon, may posibilidad na magkaroon ng panganib as sistema ng mga hospital.  Gayundin, ang mga matatanda at mga taong may pinagbabatayan na mga medikal na kondisyon ay nasa mas mataas na panganib na magkasakit kung sila ay nahawahan.

Hinihimok ka ng mga gobernador na gumawa ng mga pangunahing hakbang sa pag-iwas upang maiwasan ang iyong sarili at ang iyong mga mahal sa buhay na magkasakit at upang mabawasan ang pasanin sa sistema ng pangangalagang pangkalusugan.  Isaalang-alang din ang aktibong pagbabakuna sa iyong sarili ng bagong bakuna sa coronavirus.

Mga pangunahing hakbang sa pag-iwas sa impeksyon

  • Regular na bentilasyon
  • Hugasan at disimpektahin ang mga kamay nang madalas
  • Magsuot ng mask kapag bumibisita sa mga institusyong medikal at pasilidad para sa mga matatanda
  • Kapag nakatagpo ng mga matatandang tao o mga taong may pinagbabatayan na mga kondisyong medikal, magkaroon ng kamalayan sa mga pagbabago sa kanilang pisikal na kondisyon at magsuot ng mask

I-click dito para tingnan ang pinagsamang mensahe (sa wikang Japanese lamang) mula sa mga gobernador ng Aichi, Gifu at Mie prefecture

Mga Bakante para sa Metal Molding Course ng Tsu Technical School Oktubre 2024

2023/08/10 Thursday Anunsyo, Coronavirus

三重県立津高等技術学校 金属成形科 2023年度 10月入校生の募集

Certification

  1. JIS welding certification (SA-2F, SA-3F basic grade, 1-2F)
  2. Certification ng skill training course ng gas welding registered by <Mie Labor Bureau Director Registration Teacher Institution (Mie Labor Bureau No. 17-4)>
  3. Certification ng safety and health special education in Arc Welding
  4. Certificate of completion ng special education for free grinding and wheel replacement.
  5. (Optional) Slinging skill training course certificate <Registration training institution of Mie Labor Bureau (Mie Labor Bureau No. 20-2)>

Bilang ng maaaring sumali: 10

Training period

Oktubre 4, 2023 (Huwebes) hanggang Marso 5, 2024 (Martes) – Duration ng 6 na buwan

(Maliban sa Sabado, Linggo, holiday at mga araw kung saan hindi isinasagawa ang inire-rekumendang pagsasanay)

Oras ng pagsasanay: 8:30 ~ 15:40

Halaga

LIBRE ang tuition

Sa panahon ng entrance procedure, work expenditure, protective equipment, disaster insurance etc. ito ay nagkakahalaga ng 20,000 yen.

Sino ang maaaring  sumali

Yung mga taong motivated upang makakuha ng mga kasanayan at makahanap ng trabaho sa metal forming department at naaangkop sa mga sumusunod:

  1. Isang foreign national na may status of residence na walang restrictions sa pagtatrabaho.
    ※ Subalit, dapat mayroong daily conversation level sa wikang Japanese at nakakapagsulat at nakakapagbasa ng Hiragana
  2. Para sa mga taong walang work experience o kulang sa experience.

Vocational training entrance screening

Ang mga nais sumali sa pagsasanay ay dapat lumahok sa entrance examination.

  1. Araw ng exam

Unang screening: Agosto 28, 2023 (Lunes)

Pangalawang screening: Setyembre 14, 2023 (Huwebes)

Pangatlong screening: Setyembre 25, 2023 (Lunes)

(Mangyaring tandaan na ang pangalawa at pangatlong screening ay hindi maipatutupad kung ang bilang ng mga kalahok ay umabot na sa kapasidad.)

  1. Para sa mga nais na makilahok sa entrance exam, mangyaring sumangguni sa Public Employment Security Office (Hello Work).
  2. Ang entrance examination content ay qualification test, hiragana test, individual interview.
  3. Mangyaring pumunta sa Tsu technical school ng 9:00 am ng petsa ng opening.
  4. Sa araw ng pagsusulit ay siguraduhin na dalhin ang:
  • Pansulat (black ballpoint pen, pencil, eraser)
  • Personal Seal (Hindi tatanggapin ang Shachihata)
  • Residence card (para lamang sa foreign nationals)
  • Hello Work Card and isa sa mga sumusunod:
  1. KOYO HOKEN JUKYU SHIKAKUSHA-SHO para sa mga tumatanggap ng seguro sa pagkawala ng trabaho.
  2. Para sa mga iba pa kaysa sa nabanggit sa itaas, magdala ng identification card (driver’s license, health insurance card, atbp.)

Paraan ng pagpasok

  1. Ang school decision notice at mga dokumento sa pagpaparehistro ay ipapadala lamang sa mga matagumpay na aplikante. Mangyaring magpatuloy ayon sa paraan ng pagpasok na isinasaad sa dokumentong iyon.
  2. Hindi maaaring tumugon sa mga katanungan tungkol sa pagtanggap ng entry sa pamamagitan ng telepono atbp.

Ang pinakamalapit na public transport

  • JR= 15 min by foot galing sa Takachaya Station
  • Kintetsu= bumaba sa Hisai station, higashi guchi (west exit), sumakay ng bus galing sa Sanko bus patungong Kumozu Koukan-cho o sa Karasu Koen, bumaba sa Takachaya Danchi Mae at lakarin ng 5 minuto.

Lugar para sa impormasyon, pagpaparehistro at pagtatapos ng kurso

〒514-0817 Tsu-shi Takachaya Komori-cho 1176-2

Mie Kenritsu Tsu Kouto Gijutsu Gakko

Kinzoku Seikei-ka Nyukou Tanto: Kato or Kitamura (mga taong in charge sa metal modeling course)

TEL 059-234-3135  FAX 059-234-3668)

TEL: 059-234-3135

FAX: 059-234-3668

Homepage: https://www2.tcp-ip.or.jp/~tsutech/tanki/kinzoku/index.html

Panfletos: